Chapter Six

13 2 0
                                    

#MultiverseInterludeChapter06


Ngayon lang nag sink-in sa utak ko na maaring may kinalaman si Avo sa issue. I hate to think that he tricked me, but I chose to be silent and stay still for a while as I currently working on my invitation to investigate.


Pumasok na rin sa utak ko na gamitin ang invitation na iyon para ma take-down ang lahat ng 'plagiarizing accusations' article na patuloy na kumakalat sa ibat-ibang social media platforms.


Pagiisipan ko muna paano siya gagamitin.


Binuksan ko ang cellphone ko para mag check sana ng mga emails. Pero umiral ang kuryuso kong buksan ang mga social medias ko. Its been days since the news spread easily about Avo and I.


It becomes the country's hot topic. Hanggang ngayon ay mainit pa rin nilang pinaguusapan ang tungkol sa 'min.


Una kong binuksan ay ang facebook. Wala akong masyadong nakitang post tungkol sa 'kin 'dun kasi lahat ng mga facebook friends ko ay hindi active. Puro mga sikat na artista at mga modelo lang naman ang nandoon. Minsan mga kaibigang sobrang mysterious na gumawa lang ng account for some reasons.


Sunod ay ang Instagram na puro post ng mga litrato nila. Walang news o mga netizens lang man na pinagchi-chismisan ako. Kaya sa huli ay pumunta ako sa twitter.


Ito na ang pang huli.


Umawang ang labi ko sa nakita. Kaka-bukas ko pa lang pero ito na agad ang bungad sa 'kin.


Mas lalong nagkakalat ang mga videos at pictures in different angles sa twitter. Some are making memes. Some are reposting it with captions that say,


'oh, how to be Alyona?' '


'it could be us'


'the way he held her waist and kiss her hungrily! Damn, I'm so jealous of them!'


Bumuntong hininga ako at nag scroll down sa wall bago ko napagdesisyonang pumunta sa trends.


Mariin kong ipinikit ang aking mata sa nakita.

TRENDING


1. ArYona is REAL!


2. Arthur Martinez


3. CONFIRMED


4. Alyona de Perio


I clicked the trend ArYona. Mas lalong pinakulo ang ulo ko sa nakakainis kong nakita. Isa na naming Nouvelles na pinost 'nung parehong journalist.


Nouvelles — posted by Maze Moretti

Journalist Arthur Martinez and Writer Alyona de Perio confirmed that they are in a relationship for almost a year now!

Wicked Writers Series: Multiverse Interlude (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon