Chapter 19

21.9K 607 410
                                    

"Bakit si George ang mag-uuwi sa akin? Hindi kita kasama?"

Napakagat ako ng ibabang labi pagkatapos kong magtanong. Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses ko; parang nagmamaktol.

"I have to do something." Simpleng sagot ni Calen.

Hindi na ako muling nagtanong pa. Pagkalabas namin sa villa mansion ay nakita ko si George na nakasandal sa sasakyan. Nang makita kami ni Calen ay umayos siya ng tayo at mabilis na binuksan ang shotgun seat para sa akin.

Mabilis kong nilingon ang sasakyan ni Calen sa likuran ng sasakyan ni George. I saw Amara sitting on the shotgun seat. Nakadungaw siya sa bintana at masama ang tingin sa akin.

"Calen faster! Naiinip na ako!" Sigaw niya pagkatapos ay muling tiningnan ako nang masama.

"Bakit pa kasi nandito yan?! Hindi naman 'to tourist spot para sa mga tao!" Dagdag niya at umirap.

I knew she was referring to me. What's her problem?!

Nang bumaba ang tingin niya sa tiyan ko ay mabilis akong pumasok sa loob ng kotse. Hinawakan ni Calen ang pintuan at ang isang kamay ay nasa itaas ng sasakyan.

Dinungaw niya ako. "Uuwi ako ng maaga."

Nag-iwas ako ng tingin at tumango. "Okay,"

Tiningnan ako sandali ni Calen bago isinara ang pintuan ng sasakyan.

"Get her home safe." Rinig kong sabi ni Calen kay George bago siya naglakad papaalis.

My heart throbbed. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko. This was supposed to be the very first time I could hang out with him for a whole day, but it was interrupted.

Tahimik si George habang nagmamaneho. Hindi ko mapigilang mapaisip. How close are Amara and Calen that she can even ask George to give her a ride?

Dumating kami sa bahay mga alas-singko ng hapon dahil sa traffic. Mabilis akong naligo at nagbihis. Bumaba ako sa kusina at naabutan sila Cecil at Erica na nakaupo sa sofa, siguro katatapos lang magtrabaho.

"Ma'am!" Gulat na sabi ni Cecil at Erica at napatayo sa sofa.

"Nagpapahinga lang muna kami sandali. Kakaupo lang po namin." Kabadong sabi ni Cecil at napayuko pa.

"Okay lang, Cecil. Hindi naman ako ang amo mo." Ngumiti ako at lumapit sa kanila.

Umupo ako sa sofa sa tabi ng inuupuan nila. "Cecil, may kilala ka bang Amara?" Wala sa sariling tanong ko.

I knew for sure that she wouldn't know her. Gusto ko lang ilabas ang mga iniisip ko. Wala na dapat ako sa posisyong mag-isip, kaso natural siguro na tsismosa ako.

"Ah, si Ma'am Amara po?"

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kaagad kay Cecil. Does she know her?!

"How did you know her—wait, are we even referring to the same person?"

"Ah, si Ma'am Amara? 'Yung pumunta rito kanina?" Ani Erica at napatingin kay Cecil.

"Oo, 'yung galit na galit? Tinotopak na naman." Sagot ni Cecil at bahagyang tumawa.

"Wait lang! Sama niyo naman ako sa tsismisan niyo." Napatayo ako at umupo sa pagitan nilang dalawa.

Pumunta rito si Amara kanina? Does she always come here? Ilang beses na? Ano ang relasyon nila ni Calen? Why is she trying her best to look for him? What does she want?

Oh god! Ang daming tumatakbong tanong sa isip ko!

"So, sino si Amara?" Tanong ko.

"Hindi ko rin po kilala kaso palaging galit kapag pumupunta rito." Sagot ni Erica.

365 Days Contract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon