1

65 14 11
                                    

Maureen POV
[March 3, 2016 ]


"Ang hirap! Ayoko na! Mag-aasawa nalang ako ng mayaman!" Tili ng aking kaibigang si Iris.

"Hoy! Wag ka ngang maingay!"
Napaka-ingay nya. Kanina pa sya dada ng dada, kaya imbis na matapos namin etong project, pagod na sya kakatalak.


We are currently here at my condo. Gumagawa kami ng project sa isa sa aming main subject kaya kailangan talagang pag-effortan.

"Nasasabi mo yan kasi matalino ka, eh paano naman akong bobo!? Ayoko na talagaaaa!" Padabog ako nitong inirapan.

Ako na ata ang mahihilo sa kaka-irap ni Iris e.

Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy na. Para mas mabilis namin itong matapos.

Umabot ng apat na oras bago namin natapos ang project. Iris is exhausted and so i am. Ako kaya halos ang gumawa.

Nagpaalam na si Iris umalis dahil raw may kameet up pa sya mamaya.

"Kitakits nalang tayo sa monday, ha," Sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

"Papalibre ka nanaman, eh." Natatawa kong sagot at kumaway.

Magkaibigan na kami simula elementary. Nagsimula ang aming pagkakaibigan noong tinusok ko sya ng lapis dahil kinuha nya ang aking barbie doll.

"Ano ba! Saakin yan! Ibalik mo saakin yan!" Naiiyak na ako dahil ayaw talagang ibigay netong babae ang manika ko. Regalo iyon ni papa kaya napaka-importante noon saakin.

"You're so madamot! Marami rin akong toys, duh!" Inirapan nya pa ako. Napaka-maldita nya naman. Sya na nga etong nangunguha eh.

"Marami ka naman palang toys! Eh bakit mo pa kinukuha yang saakin!?"

Binulsa nya ang manika ko sa araw ding iyon kaya wala akong choice kundi sundan sya araw-araw at kulitin para ibigay saakin ang manika.

Sa araw ding iyon kami nagkapalagayan ng loob.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, In-open ko na ang laptop ko. I opened my social media account, to chat my boyfriend.

Babi🤍
Hi babi! Kumain kana ba?


Babi🖤
Hello. Kanina pa, how
about you?


Babi🤍
That's good to hear.
Hindi pa ako kumakain, babi.


Babi🖤
Hm? Why?


Babi🤍
Wala pa akong gana eh :(


Babi🖤
Okay. Kumain kana lang kapag
may gana kana. But it would
be better kung kumain ka kahit
konti lang.

I met Xage 3 years ago. Parehas kami ng pinapasukang eskwelahan at magkalapit lang rin ang classroom namin. I am 19 and he is 22. 1st year college ako noon samantalang 3rd year naman sya.

Poisonous Love Where stories live. Discover now