5

20 13 13
                                    

Maureen POV
[ March 12, 2016 ]

Monday nanaman. Gumising ako ng mas maaga kanina dahil ayoko namang malate. Finals namin ngayon, eh.

Wala naman akong ibang ginawa noong Sunday kundi mag review at manood ng kdrama.

Kinakabahan ako dahil what if wala sa exam yung mga nireview ko? Sayang yung pagod ko. Huhuhu!

In-erase ko ang mga what ifs sa isip ko. I should think positive.

"Good morning, Pres! Ang blooming mo ngayon ah! Siguro nadiligan ka kagabi! " I greeted Helen, our Class President.

She hissed at me, "Shut up, Sienna." Wow, first name basis.

"Maureen! Nakapag-review ka?" Salubong agad saakin ng mga kaklase ko. Halata namang hindi sila nagreview.

"Oo. Pero hindi ko kayo pakokopyahin, kala nyo ah." Inirapan ko sila at nilampasan. Hirap na hirap akong magreview samantalang sila gumigimik at nag paparties, tapos kokopya lang sila?!

Pumunta ako sa locker ko at nilagay ang iba kong gamit. Nagdala ako kanina ng extra clothes, baka kasi pagpawisan ako sa exam edi mag palit nalang ako kapag vacant.

My locker are full of letters, flowers, and chocolate. Marami akong suitor, noon pa man. Kahit na mayroon na akong boyfriend.

Nevertheless, hindi ko ito binuksan, o bubuksan. Ever since na naging kami ni Xage. Hinding-hindi ako tumingin o lumingon sa iba. Sya lang. Sakanya lang.

Meron pa kaming 10 minutes para mag handa bago magsimula ang exam, hahanapin ko sana si Mika para makipag chismisan pero baka nagrereview eto ngayon.

In-open ko nalang ang phone ko, kahapon ko pa 'to hindi nabubuksan dahil yung laptop ang ginamit ko pang nood.

Nag lag pa ang cellphone ko noong in-open ko yung data. Kailangan ko na talagang magpalit, kaso wala kong pambili, eh. Hahahaha.

Maraming messages galing sa mga classmate ko, nagtatanong kung nagreview ba ako, sa mga kaibigan at kakilala ko na nangungumusta dahil exam na namin, pero naagaw ng aking atensyon ang babaeng hindi pamilyar na nag message saakin.

Mayroon syang 4 unread messages, i checked her account first before i read her messages.

Mukha itong chinita dahil sa profile nya, maputi, makinis, at mukang alagang alaga ang balat. Medyo chubby rin ito pero halatang halata ang kurba nya sa katawan.

Kumunot ang noo ko ng makitang mutual friend nya si Xage, nakaramdam ako ng kaba habang nag iiscroll down sa profile nya.

"Sienna! Hindi ka pa ba susunod? 3 minutes nalang mag uumpisa na yung exam." Bigla akong natauhan noong tinapik ako ni Helen, umiling ako at ngumiti sakanya.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at in-off na ang cellphone. "Tara."

Nakasalubong pa namin si Prof sa hallway. Buti nalang at mukang good mood eto, hindi kami pinagalitan.

OUR exam are really hard. May mga oras na nagiging lutang ako dahil halo halo na ang mga tanong sa utak.

Muntik ko pa ngang hindi masagutan ang lahat, buti nalang at natauhan ako.
Mas lalong nakaka-kaba dahil may timer sa pagsagot.

Para kaming hindi nag almusal habang naglalakad sa hallway, sino ba namang hindi mauubusan ng energy?!

Buti nalang at nakaya pa rin namin. Kasi sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang makinig sa nakakaboring na discussion ni Prof.

Nagpalit rin ako ng damit sa restroom kanina, para diretso tulog nalang ako mamaya.


Nakaka-kaba talaga ang finals. Hindi tulad noong prelims at midterms na pwede mong ibagsak. Nakakaubos pa ng pasensya dahil ididistract ka talaga ng proffesor mo.

Nag taxi nalang ako kasi tinatamad akong mag jeep. Ang sakit ng ulo ko, huhu.

Eto ang mahirap sa buhay estudyante, wala kang choice kundi mag aral ng mag aral.


"Hello po, mama.." Tumawag si mama saakin para mangamusta, hindi ko na rin sila nabibisita ng ilang buwan.

Plano ko silang bisitahin this week, kapag natapos na namin yung exam bukas.

Syaka, gusto ko sana may pasalubong ako bago umuwi. Kaso wala akong pera ngayon pambili.

Mag papart time nalang ulit ako sa cafe pagkatapos ng finals, para may extra income.

"Miss kana namin anak. Kumusta dyan? Ayos ka lang ba?" I smiled and nodded, kahit hindi nya naman kita.

Hindi istrikto sila mama sa pag aaral ko, instead, mas inaalala pa nila ang mental health ko. Sa tuwing nangangamusta si mama, ang una nyang itatanong ay kung okay lang ba ako, kahit na alam kong hindi sila okay.

Isa ito sa dahilan kung bakit gusto ko talagang makapag tapos ng pag aaral, dahil alam kong naghihirap sila mama at papa na paaralin ako.

Gusto ko silang busugin ng maraming pagkain, pasuotin ng mamahaling damit kasi sa probinsya namin, puro ukay ang sinusuot. Mga pinag lumaan ng mayayaman.

"Ayos lang po ako, Mamang. Kayo po? Okay lang ba kayo dyan?" Tugon ko kay mamang.

Isa lamang magsasaka ang papang ko, samantalang si mamang naman ay nagtitinda sa bayan. Hindi kami mayaman, pero hindi rin kami mahirap.

Kasi kahit na ganoon lamang ang trabaho nila, nakakakain pa rin kami ng tatlong beses sa isang araw.

"Ayos lang kami, nak. Palagi kang mag iingat dyan, miss kana namin.." Halata sa boses ni mama ang pagkagiliw na kausapin ako. Miss ko na rin sila.

Mahirap ang buhay sa probinsya, hindi ka makaka-kain ng tatlong beses sa isang araw kung hindi ka magbabanat ng buto. Kaya sobrang swerte ko sa mga magulang ko na nagpupursige at kumakayod para saamin ng mga kapatid ko.

"Miss ko na rin po kayo, Mamang. Si Papang at Mariella po?"

Si Mariella ang bunsong kapatid ko, 2nd-year-highschool. Sya ang naiwang kasama ni Mamang at Papang.

Samantalang, ang panganay naman naming si Kuya Marlon ay may pamilya na. Nagtratrabaho ata sya ngayon bilang construction worker para buhayin ang kanyang mag-ina.

"Si papang mo, nandoon palang sa trabaho. Si mariella, ayun nasa kapitbahay. Magkwento ka naman ng araw mo, anak," Lintanya ni Mama.

Nag usap kami ni Mama ng mahigit isang oras, tapos nagpaalam na sya kasi kailangan nya pa daw mag luto ng hapunan nila. Hayyy, miss ko na ang luto ni mamang.

Umidlip lang ako sandali at pag gising ko ay gabi na. Nakakainis.

Pagkagising ay nilinis ko ang mga papel na nagkalat sa study table at ini-organize ang gamit.

Balak ko sanang matulog lang ng 30 minutes kaso napatagal ata at umabot pa ng dalawang oras.

Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit sa kwarto ay nagluto ako ng ulam. Tutal ay alas-syete palang naman.

Habang kumakain ay napa-isip ako.. paano kung hindi ako nakapasa? paano kung mag uulit, ulit ako? paano sila mamang?

Siguro, kapag hindi ako nakapasa ay titigil muna ako. Uunahin ko munang pag aralin ang nakababata kong kapatid, magtratrabaho muna ako.

Pero, paano naman ako kapag nangyari iyon? Paano naman ang pangarap ko?

Nabalik ako sa wisyo ng tumunog ang selpon ko. Xage Calling. Himala.

Kinuha ko ang selpon at sinagot ang tawag nito. "Hello?" Pinilit kong hindi mautal dahil ayokong mahalata nyang nagtatampo ako.

"Bakit hindi ka tumatawag?" Bumilis ang tibok ng puso ko, namiss nya ba ako?

Poisonous Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon