10

24 13 0
                                    

Maureen POV
[ March 4, 2016 ]

Nagising ako sa ingay ng aking telepono. Kumurap-kurap muna ako bago bumangon at tinignan ito. Noong narealize na may pasok pa pala ay dali-dali akong tumayo at nag bihis.
Hindi na rin ako naligo tutal naligo naman na ako kanina.

"Hello Win? Oo papunta na ako, sorry medyo na late ako ng gising." Kausap ko si Winard habang pumapara ako ng jeep rito sa Waiting Shed.

"Gusto mo bang papuntahin ko dyan si Josh para sunduin ka? Para di ka malate.." Saad nito at dali-dali naman akong pumayag. Baka kalahating oras pa bago ako makasakay.

Pag dating na pag dating ni Josh ay sumakay agad ako sa passenger seat. Mabuti nalang at nandito si Josh, problem solved!

"Hay! Buti nalang at meron ka, Josh!"

Wala itong imik na nag drive samantalang ako naman ay kwento ng kwento kung gaano ka-hassle mag comute.

Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makarating kami sa unibersidad. Nadatnan ko ang inip na inip na Winard habang nakatayo sa harap.

~

Alas kwatro na natapos ang aming finals dahil nalate pa ng dating ang isa naming propesor. Pag labas na pag labas ng unibersidad ay pumara na agad ako ng jeep para umuwi. Mayroon pa kaming date ni Xage mamayang alas singko.

"Dito na po, Manong. Salamat!" Nag mamadali akong bumaba ng jeep nang makita ang apartment na inuupahan. Nilingon ko ang aking wrist watch at nakitang 4:23 pm na.

"Mag h-half bath na lang siguro ako, tapos ic-curl ko tong buhok ko." Muka akong tangang kinakausap ang sarili ko habang nag hahanap ng susuoting dress.

Isang yellow dress na may white polcadots ang napili kong suotin. Above knees ito at off shoulder.

Habang naliligo ay hindi ko mapigilang mapaisip kung saan ako ipupunta ni Xage sa date namin ngayon. Pinag-
hahandaan ko talaga ito ng bongga dahil ilang weeks na rin kaming hindi nagkikita ni Xage. Tapos bihira pa kaming mag usap.

Inispray ko ang pabangong iniregalo sa akin ni Irish noong Valentines Day at nag lip-balm. Inayos ko rin ang buhok ko gamit ang curler na hiniram ko kay Shella.

Pinicturan ko ang sarili sa full-body mirror at isinend ito kay Xage. Sakto namang pag kasend ko ay nag message ito.

Babi 🖤
Babi i'm sorry may
rush works akong
kailangang pirmahan

Babi 🖤
Next time nalang tayo
mag date, okay?

Babi 🤍
Babi 🤍 send a photo

Babi 🤍
Ay sige

Babi 🤍
The dress suits you
i'm sorry this is really
urgent. Iloveyou

I feel dissapointed.

Nag mamadali akong umuwi galing sa eskwelahan, nag bihis at nag make up pa ako.. Andaming effort na nasayang.

Siguro, urgent talaga iyong kailangan nyang gawin kaya kahit ang date namin hindi pwede?

Gusto kong mag rant sa kanya. Ilang days.. weeks, and months. Ilang linggo kaming hindi nakapag kita, usap ng maigi. Hindi ba sya pwedeng mag absent ng isang araw manlang?

Poisonous Love Where stories live. Discover now