6

19 14 22
                                    

Maureen POV
[ March 12, 2016 ]

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Busy lang ako. Bakit?" Kunwaring matigas kong sambit. Miss ko na sya, pero syempre, kunwaring hindi muna.

"Wala. Free kaba bukas?" Mahinang saad nito.

Napairap ako rito. Pagkatapos nya akong ighost ng ilang araw? Bigla-bigla syang susulpot tapos sasabihin kung free ba ako bukas? E ano ngayon kung-Sandali, ano?! Niyayaya ba nya ko magdate bukas!? Shemayyy!

"N-niyayaya mo ba ako magd-date?" Bwisit! Bakit ba ako nauutal! Ilang beses na kaming nag date dati! Hindi ito big deal!

Mahinang tumawa ito. Ang pogi ng boses! "Uh, oo sana? So free kaba bukas, babi?" Napakagat labi ako dahil sa sinabi nya. Babi..

"Fine." Kunwaring labag sa loob kong saad. Para hindi halatang kinikilig ako.

"Susunduin kita tommorow at 5pm. Goodnight." Kahit na dismayado ako dahil pinatay agad nito ang tawag ay hindi ko pa rin maipagkakaila na may tama pa rin talaga sya saakin.

Kahit na ilang araw o linggo itong hindi magparamdam, may epekto pa rin ito saakin. Nakakainis.

PAGKATAPOS kumain ay nag half-bath ako, syempre para mabango pagtulog. Itinext ko rin kanina si Irish para sabihing hindi ako makakasama sa gala bukas. Plano kasi naming magpunta ng Art exhibit pagkatapos ng finals, libre nya syempre.

Tubol 🤬
inamo, hindi pwede gago!

Tubol 🤬
nakabili na ako ticket
para bukas, gago kaba!?

Nana mukanghatdog 💀
uy sorry, may emergency
kasi ako na kailangan puntahan
bukassss. Sorry rishhh! 😔

Tubol 🤬
Fuck your excusses!

Hindi ko nalang nireplyan si Irish dahil lalo lang iyang magagalit saakin. Sus, kunwari pa sya e pwede nya namang imbitahin ang dyowa nya.

Pagka-higa ko palang ay nakatulog agad ako. Pagod na pagod kasi.

NAGISING ako dahil sa init ng araw na bumabagabag sa aking muka. Tinignan ko ang orasan sa aking selpon at napabalikwas ako ng bangon. Alas otso na pala!

Dali-dali akong tumayo at naligo sa CR. Kainis! Late na ako!

Hindi na ako nakapag kabkab dahil sa sobrang kakamadali. Nakakainis! Nag alarm naman kasi ako kagabi, bakit late akong nagising?!

Sobrang pagod kasi ang dinanas ko kahapon kaya siguro ganoon.

Nagtimpla nalang ako ng kape at kumagat ng tinapay bago dali-daling lumabas.

Agad akong sumakay sa jeep noong huminto ito. Puno pa ang sasakyan pero naki-siksik pa rin ako. Mas mabuti na yung ganito kesa mangalay ako kakatayo sa labas habang nagpapara ng jeep.

"Kuya, bayad po." I looked at the man beside me, galaw kasi sya ng galaw, tapos kada galaw nya amoy ang asim.

Huminga ako ng malalim at hindi nalang ito pinansin. Seryoso akong nagrereview ng biglang tumunog ang selpon ko. Baka nagchachat na sila kasi hindi pa ako pumapasok! May exams pa kaming natitira!

Poisonous Love Where stories live. Discover now