7

20 14 16
                                    

Maureen POV
[ March 14, 2016 ]

Mahigit sampung minuto ang ibinyahe namin ni Josh bago makarating sa Bookstore.

Nagmamadaling bumaba si Josh ng sasakyan para pag buksan ako. Naks, gentleman.

"Thankyou." Nginitian ko ito at umiwas naman sya ng tingin. Hay, ang ganda ko talaga.

"Mau! Omygosh! Ang tagal nyo!" Pag salubong saakin ni Shella. Kaibigan ko rin sya katulad ni Josh at Winard, palagi kaming magkakasama noong 1st year sa mga group works.

"Gagi, long-time-no-see, Shei!" Niyakap ko ito at bumeso. Ilang linggo na rin kasi kaming hindi nag kikita.

"Gaga! Ang tagal mo, sayang di mo naabutan jowabels ni Irish. Ang pogi, beh!" Kulang nalang ay mahilo ako sa kakayugyog saakin ni Winard. Hay, sayang at di ko naabutan.

Akala ko may masasabunutan na ako.

"So true! Ang gentleman pa, tapos yayamanin! May ari ng kompanya, putek jakpot si frenny mo!" Nangunot ang noo ko. E, ano naman ngayon kung mayaman? Paano kung saktan noon si Irish? Anong magagawa ng pera nya?

Hindi nalang ako sumagot at sumunod sakanila. Andaming mga stocks ng libro, gusto ko sana mag basa kaso walang pambili. Makikihiram nalang ako sakanila kapag natapos na nilang basahin.

Noong naboring sila sa bookstore ay nag aya silang mag mall. Mayayaman nga naman.

Kaya't heto ako ngayon, inip na inip habang hinihintay sila. Si Winard ay nag titingin ng mga make up, akala mo naman kung gagamitin nya. E, takot naman ito sa tatay nya. Samantalang si Shella naman ay kanina pa pabalik-balik sa fitting room. Siguro isang karton na ng croptop ang nabili nya.

Si Josh ay kasama ko dito kanina, tapos ang akward kaya sinabi kong bumili sya ng milktea kaso mag iisang oras na ata ay wala pa rin sya.

Ang boring talaga, sana natulog nalang ako sa bahay at nag pahinga. Para may lakas ako mamayang mag exam.

"Sienna, sorry natagalan. Eto pala oh," Nahihiyang lumapit saakin si Josh at inabot ang milktea. Red velvet, hala, paano nya nalaman ang favorite flavor ko?

"Uy, uy! Sana ol! Beke nemen!"

Biglang sumulpot sina Winard at Shella sa likod namin. Andami nilang dalang mga plastik bags, hay. Ilang libo nanaman kaya ang nawaldas nila?

"Tara, arcades!" Saad ni shella at hinila kami papuntang escalator.

Bigla akong naexcite maglaro ng arcades. Noong nakaraan kasing punta ko rito sa mall ay nabitin ako dahil nagmamadali si Irish.

Hay, speaking of that gaga, ano na kayang ginagawa nila ngayon ng oh-so-called jowabels nya? Sana naman walang mangyaring masama sakanila.

Sana rin hindi ganoong karupok si Irish para ibigay ang kabataan nya.

TAWA ako ng tawa dahil hindi makashoot si Winard sa Basket Ball Arcade Games. Naka ilang hugot na sya ng barya sa bulsa pero hindi pa rin nakakashoot. Kaya eto, inis na inis na sya.

Si Shella naman ay mukang tanga ngayon. Nag k-kiddie rides sya e ang laki na nyang damulag. Pinagtitinginan tuloy sya ng mga nanay dito.

Poisonous Love Where stories live. Discover now