11

23 11 0
                                    

Maureen POV
[ March 5, 2016. ]

Ang usapan namin ni Mariella na sandali lang ay umabot ng apat na oras. Paano ay nalibang kami kakalaro nang Claw Crane. Sobrang competitive naman kasi netong kasama ko at gusto talagang iuwi ang doraemon na keychain.

Mabuti na lamang at may maganda, mabait, at magaling syang ate na kayang kuhanin iyon. Char.

Muka akong lantang gulay pag labas namin sa mall. Eto namang kasama ko ay mukang nakalaklak ng energy drink dahil sa sobrang energy nya.

"Ate! Punta pa pala tayo sa bookstore!" Wika ni Mariella at hinila hila ako papasok.

"Mariella.. sa susunod naman. Wala na akong dalang pera," Nag mamakaawa kong tugon dahil ang ipon kong pera ay unti-unting nawaldas dahil sa kakaturo nya. Mali ata na nag suggest pa ako, eh.

Pero ayos lang dahil nakita ko naman kung paano ngumiti ang kapatid ko. Napangiti ako noong maalala ang eksena sa mall kanina.

"Wow ate! Ang laki, oh!" Tinuro ni Mariella ang isang malaking stuffed toy na panda. Napalingon naman ako rito at hinila si Mariella upang itanong kung magkano ang presyo.

Nag tataka naman si Mariella habang pabalik balik ang tingin sa amin ng nag bebenta. Noong sinabi ko sa kanyang binili ko ang stuff toy para sa kanya ay nag tatalon sya sa tuwa. Her eyes are glistening with so much joy.

Para naman akong naiyak noong makita kung gaano sya kasaya habang yakap yakap ang stuff toy na binili ko. Inipon ko ang perang iyon para sana kung mayroon akong luho ay mabili ko. Tuwing weekends at bakasyon ay nag papart time job ako sa coffee shop, fast food, tindera, at kung ano-ano pang pinasok kong trabaho upang maka ipon.

Pero nang makita ko kung gaano kasaya ang nakababata kong kapatid, mas gugustuhin ko pa yatang mag ipon ng marami saka sya bilhan ng maraming gamit rito sa mall kaysa ipang bili ng mga luho ko.

"Hoy ate! Nag papass out ka nanaman ata!" Pinitik ni Mariella ang noo ko na syang nakapag balik ulirat sa akin.

Ngumiti ako atsaka inaya na syang umuwi.

~

Alas onse na noong nakauwi kami ni Mariella galing sa mall. Naabutan namin si Nanay sa bahay na naglilinis. Si tatay naman ay lumabas raw para bumili ng mga gagamitin sa palayan namin.

"Anak.. kailan mo ba kasi ipapakilala sa amin iyang boyfriend mo?" Tanong ulit ni Nanay. Kanina pa nila ako kinukulit patungkol sa karelasyon ko, ako naman ay todo iwas sa mga tanungan nila.

Ngumiti na lamang ako at pinilit na ngumiti. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Xage, simula noong hindi sya sumipot sa date namin.

"Kakausapin ko po sya mamaya, Nay." Nginitian ko si nanay.

True to my words, pag tapos naming kumain ay nag gayak ako upang puntahan si Xage sa kanyang kompanya. Alas dose na, lunch time. Kaya't naisip kong dalhan sya ng pag kain.

Natatawa ako habang pinapakinggan ang playlist ng jeep na sinasakyan ko ngayon. Broken ata ang driver nito. Siguro binasted ng kundoktor. Char.

Manghang-mangha ako habang tinitignan ang kabuoan ng kanyang kompanya. Napakalaki! Napangiti ako sa aking sarili habang tinitignan ang mga nagtratrabaho sa kanyang kompanya. Boyfriend ko ang namumuno sa ganito kalaking kompanya. Hay!

"Miss, nandito ba ngayon si Mr. Lopez?" Patukoy ko sa apelyido ni Xage.

Sinuri ako ng babae sa harap kaya't medyo nailang ako. Ngumiti sya bago sumagot, "Yes ma'am. May appointment po ba kayo ngayon?"

Naiilang akong umiling at ngumiti. "Ahh, wala po eh. Pero girlfriend nya naman ako, kaya pwede naman po siguro?" Saad ko.

Nanlalaki ang kanyang mga mata habang sinusuri ako. Kumunot pa ang kanyang noo nang tignan ang kwintas sa aking leeg. Iyon ang iniregalo ni Xage sa akin noong first anniversary namin.

"Sorry, miss, pero meron pong meeting si Sir ngayon. Bumalik na lang po kayo sa susunod," Wika nito, bago pa ako makasagot ay tinalikuran nya na ako.

Huminga na lang ako ng malalim saka umupo sa gilid. Nag tipa ako ng mensahe para kay Xage.

Babi 🤍
Babi nandito ako sa
kompanya mo..

Naghintay ako ng ilang minuto para sa mensahe nya ngunit wala itong sinabi. Hindi nya rin na seen ang chat ko. Siguro ay hanggang ngayon nasa meeting pa rin sya. Siguradong pagod na pagod sya pag tapos.

Isang oras ang nakalipas. Ala una na ng hapon kaya't napag desisyonan kong bumili ng tubig sa kalapit na tindahan rito habang hinihintay na matapos ang meeting nila Xage.

"Nay, mag kano po ang tubig nyo rito?" Tanong ko sa matandang babae.

"Sampo ang isa, Nak. Bagong trabahante ka ba riyan?" Itinuro noong matanda ang kompanya ng aking kasintahan. Iniabot ko naman ang barya sa kanya saka kumuha ng tubig.

"Ay, hindi po nay. Binibisita ko ho ang boyfriend ko." Ngumiti ako sa kanya saka balak na sanang umalis nang mag tanong sya ulit.

"Sinong boyfriend mo, iha? Ang balita ko ay walang lalaki na nag tratrabaho riyan, maliban na lamang sa mga personal bodyguards ni Sir Lopez." Wika nito na nag pakunot ng aking noo. Nilingon ko sya agad at tinanong, "Po? Bakit naman po puro babae ang trabahante riyan?" Kinakabahan kong ani. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang kanyang paliwanag.

"E paano ba naman kasi, manyak eh. Sabi-sabi pa nga rito, lahat ng kanyang sekretarya ay umaalis dahil pinag sasamantalahan nya. Osya, ineng. Aalis na ako kasi may nilalabahan pa ako sa loob, mag sabi ka nalang kapag bibili ka, ha?" Saad nito. Tumigil sa pag tibok ang aking puso habang pinapakinggan ang kanyang turan. Hindi ko na napigilan ang mga nag babadyang luha.

Niloloko nya ba ko? Dahil ba, hindi ko maibigay sa kanya ang aking sarili?
Kaya hinahanap nya sa iba ang uhaw?

Nakatulala akong pumasok sa loob ng kompanya ni Xage. Pagtapos kong mag isip-isip ay naisipan kong kumprontahin sya. Hindi maaayos ang problema kung sinosolo ko.. kailangan ko ng kasagutan nya.

Lumapit ako sa sekretarya nya at itinanong ulit kung tapos na ang meeting nila. Namutla ito nang makita ako na syang nagpadagdag kaba sa akin. Alam ba nya? Totoo kaya ang sinasabi nila?

Bago sumagot ang kanyang sekretarya ay biglang bumukas ang pintuan. Tuluyan akong nawalan ng balanse habang tinitignan ang aking minamahal na kasintahan kasama ang aking.. matalik na kaibigan.

Poisonous Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon