3

33 13 16
                                    

Maureen POV
[ March 6, 2016 ]


Finals na next week kaya heto ako ngayon nagpapaka-puyat kakareview.

Kailangan kong pumasa dahil pagod na akong mag-aral. Hahaha.

Grade 3 palang ako pangarap ko na maging guro. I love teaching.

Naalala ko pa noon ang hilig naming mag laro ni Iris ng teacher-teacheran. Ako yung teacher tapos sya yung estudyante ko. Nakakamiss.

Super worth-it din yung pagod bilang educ student.

"Haynako, girl! Sinasabi ko sayo lumolosyang kana! Kailangan na nating mag-bar," Wika ni Michael or Mika.

"Mika. Kung gusto mong bumagsak, go. Pero wag mo akong isasali."

Eto talaga. Isasama pa ako sa kagagahan nya.

"Napaka bitter mo! Kaya wala kang jowa eh. Sige na, please. Mamaya pa naman iyon, eh!"

Naiiyak na ito kaya napipilitang um-oo nalang ako. Wala daw akong jowa, ulul.

PAGSAPIT ng alas syete ay nagbihis na ako. Mamayang alas otso pa iyon gaganapin.

Marami pa sana akong rereview-hin kaso ayoko naman mag paasa ng tao. Kaya kahit labag sa loob ay sisipot pa rin ako.

Syaka baka mapatay ako ni Mika kapag hindi ako sumipot sakanya.

I wored my black skirt and partenered with off-shoulder croptop. Hindi ako gaanong nagpupunta sa mga ganitong lugar pero hindi naman ako ganoong kainosente.

Saktong tapos na akong mag-ayos ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan ni Mika.

Dali-dali akong bumaba at sumakay sa kotse nito. Chinat ko na kanina si Iris na may gala ako tonight. Para kapag di ko natapos magreview ngayong gabi ay tulungan nya ako.

Okay lang naman daw ito sakanya basta wag lang akong masyadong magpapakalasing.

I also texted Xage kanina, but as usual, busy nanaman ito.

"Oh my! Ang ganda mo, Maureen ko!" Mika hugged me with so much excitement.

"Thank you, Mika. You too." I hugged her back and kissed her cheeks.

"Ehem! Hello!" Tumingin ako sa babaeng nagsalita sa loob ng sasakyan. And i was shocked when i realize who it is.

Yung babaeng nakabangaan ko sa palengke!

"Hi, i'm Anastasia but you can call me Shasha--wait, you're familiar." Nilagay nito ang kanyang kamay sa baba at parang nag iisip ng malalim. "Omg! You're the girl from market na nakabangaan ko, right?" She went out from the car and examined my face.

"Uh, oo. Its nice seeing you again." I smiled ackwardly. Tumingin ako kay Mika upang ipakita na nahihiya ako, mukang naintindihan nya naman ang ibig kong sabihin.

"Okay, tama na ang chika! Lets go now!"
Wika nito at nauna ng pumunta sa drivers seat.

Shasha keeps on talking about her lovelife. She is very talkative, yung tipong kahit super sensitive ay nasasabi nya. Pati ang tungkol sa lalaking nakakuha ng virginity neto ay naikwento nya na.

It takes half of hour before we get to our destination. Nasa labas palang kami ngunit rinig na rinig na ang malakas na hiyawan ng mga tao, at ang nakakabulag na ilaw sa loob.

We waited for Mika to park before we went inside.

"I'm so excited! Tara na, guys!" Hindi na kami nakasagot pa dahil kinaladkad na kami ni Shasha.

Ibinigay muna namin sa bouncer ang aming ID bago kami pumasok. Bumungad saamin ang masangsang na amoy ng alak, ang mga taong todo kembot at mga naghahalikan.

Napailing na lamang ako ng mahagip ng aking mata ang dalawang magkasintahan na nag mamake-out sa gilid. Or mag fuck buddies?

Pumunta kami sa bartender at nag order ng drinks. Pinili ko iyong hindi masyadong matapang, samantalang si Mika at Shasha naman ay nagpupustahan kung sino ang unang malalasing.

I opened my phone while waiting for our drinks to finish.

Bumungad agad saakin ang mga messages ni Xage. 3 unread messages from Xage.

Tinignan ko muna kung ilang minuto na ito at binasa. 5 minutes ago.


Babi🖤
Where are you?

Babi🖤
Bakit ka nasa bar?

Babi🖤
Go home babi, late na.

Kinikilig ako habang binabasa ang mga chats nito.

Una, ito ang unang beses na tinawag nya akong babi sa chat.

Pangalawa, he is very protective. I feel important.

Pangatlo, concern sya saakin.

Babi🤍
I'm not alone naman babi,
i'm with my friends..

Wala pang isang minuto ay nagreply na agad ito.

Babi🖤
Don't make me wait, Maureen.
Umuwi kana.

"Grabe naman ang pagka protective nito," Saad ko sa aking isip.

Sinabi ko kila Shasha at Mika na kailangan ko ng umalis dahil hinahanap na ako saamin.

"What? Kararating lang natin tapos uuwi kana agad?" Maarteng saad ni Mika.

"Hayaan mo na, Miks. Baka kasi may magagalit." Mapanuksong saad ni Shasha at pinanliitan ako ng mata. "Baka mamaya, may gagawin kayong milagro ha. Spank me, Daddy!" Natatawa ko silang inirapan. Sayang lang at lalaki rin ang type ni Mika, bagay sana sila. Same vibes.

Hinatid nila ako sa labas at sumakay ako ng taxi. I bid my goodbyes to them before i went inside the taxi.

Habang nasa sasakyan ay chinat ko ulit si Xage para ipaalam sakanya. Baka mamaya mahigh blood na 'to eh.

Babi🤍
Pauwi na ako.

Babi🖤
That's good.

Babi🖤
Umasta ka namang babae, Maureen.
Hindi gawain ng babae ang
gumala at magpunta ng bar
tuwing gabi para lumandi ng lalaki.

Babi🖤
Remember, that you have a
boyfriend.

Nainsulto ako sakanyang sinabi, pero imbes na makipag talo ay hinayaan ko nalang ito na sermonan ako. Alam ko namang ako yung mali.

He's my boyfriend and i should've told to him about my gala tonight. Mayroon syang karapatan saakin.

Babi🤍
I'm sorry babi, promise
hindi na 'to mauulit.

Babi🖤
Good. Goodnight.

Babi🤍
Goodnight babii! Iloveyouuu

Hindi na sya nakapag-reply pagkatapos noon, kaya in-off ko nalang ang phone ko.

PAGKARATING na pagkarating ko sa condo ay naligo agad ako. Isang oras lang akong nandoon pero sa pakiramdam ko ay amoy alak at sigarilyo na ako.

Nakita ko sa orasan na 10:23pm palang. Kaya itinuloy ko ang pag babasa at pag rereview.

Hindi ako nakapag paalam kila Mika ng maayos kanina dahil nagmamadali ako, eto naman kasing si Xage, akala mo naman ipagpapalit ko.

Aaminin kong marami gwapo na nakapaligid saakin, pero mas gusto ko pa din sya.

Poisonous Love Where stories live. Discover now