11

333 29 12
                                    

Zy

Pag alis nila Dokie, tumawag ako kay Myka.


" Sis? " 10pm pa lang naman don.


" Shuta ka beh! Pa tulog na ko! " Sigaw ni Myka sa kabilang linya.


" Himala??? " Usually kasi natutulog to past 2 na.


" Bagong buhay ako beh. " Wow sinong niloko nito?


" Niloko ako noon beh pero di mo ko maloloko. "


" Haha deserve so much. " Nag asaran lang kami hanggang sa inantok na siya. Panigurado pag baba ko ng tawag na 'to ay gising pa 'tong impakta na 'to.


Nang maibaba ko ang tawag ay saktong may kumatok sa pinto. Sinilip ko muna para maka sure na hindi si Jillian yon.


" Ma'am Zy? " I heard someone calls my name kaya binuksan ko na ng tuluyan ang pinto. She handed me a Watson's paper bag.


" Pinapa abot po ni Doc. Tricia. May letter po diyan. " Luh si Dokie oh! Mama oh! Ay wala pala ako non.


" Salamat po. " Umalis na siya at sinara ko na ang pinto. Pumasok ako sa kwarto ko para basahin ang note na kasama nung paper bag.


Wag mo na pilitin kung hindi kaya. Choz!
Pero seryoso, Zy, kung di mo kaya maka punta
mamaya wag mo na ipilit. Masasaktan ka lang.
Kidding aside. May heating pad diyan at some snacks.
Call me if you need anything.

- Dokie <3


Jillian yung Ate mo oh!! Bat ako kinikilig?? Hala? Hala bawal to! Kapatid siya ng Best friend ko! Kalma.. kalma. Nag mamagandang loob lang naman ata.


May malaking salamin na nasa kwarto ko. Pag harap ko roon ay nakita ko kung gaano ka pula ang pisngi ko. Tumalon ako sa kama at sumigaw sa Unan ko. Oh god!!


To: Dokie

Hi Dokie! Feel ko, okay na ko. Thanks, sa meds at
sa pa heating pad at snacks mo! I appreciate it.


Nilapag ko ang cellphone ko at naligo muna. Bakit hindi siya mawala sa isip ko? Naur!! Bawal to.


After ko maligo ay may inasikaso lang akong school stuff at nag pahinga saglit. Nagulat ako nang mag vibrate ang phone ko.


From: Dokie

Good to know. Your always welcome! Pahinga ka muna.
Drink a lot of water and tell me what lunch you want.


Luh? Yoko na pa fall siya. Choz echusera.


To: Dokie

KFC will do. Thanks, Dokie! Da best ka!


A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon