19

360 31 6
                                    

Tricia

" Ate Trish... " Tumakbo si Jillian papunta sa'kin nang makita akong naka salampak sa sahig. 

" Jillian... " Tinulungan niya kong makatayo at umupo sa sofa. 

" Alam ko. " Alam niya? " Alam kong nahuhulog kana sakaniya. " Ganon na ba nila ako kakilala para malaman nila ang nararamdaman ko.

" Jill, promise naka move on na ko. " I'm still crying on her shoulder. 

" Alam ko, Ate. " 

" Di'ba, Ate Aiks? " Napatingin ako sa likod ko nang makita si Ate sa likod ko. 

" Pasensya kana kanina, Patty. " Niyakap nila ako at hinayaan na matulog muna.

Nagising ako sa bunganga ni Jillian.

" Shut off, Therese! " Pag nandito si Jill, siya ang nagiging alarm clock ko.

" Tayo na!! Mababawasanang ganda points ni Ate kapag na-late tayo. " Sa Manila nga pala kami ngayon. Next week ay uuwi na sila Jill sa New york.

" Tatayo na. " Kasama uli namin ang tatlo kaya masaya.

" Dadaanan natin si Zy dahil tinatamad daw siya mag commute. " Parang kahapon gustong gusto mag commute. Naligo na ko. Pagkatapos ay bumaba na ko at tumingin sa emails ko. 

" Ate, kumain kana. " Hinanda na ni Jill ang pagkain ko para mabilis na raw. Wala namang importanteng nag email sa'kin kaya naman kumain na 'ko. 

" Ano bang nakakatuwa sa umaga? " Naka ngiti kasi si Ate at si Jillian na ampalaya ay nasa harap niya. 

" Sa umaga, di ko alam. Sa kausap ko, marami. " Si Ally ba kausap nito? Sana all lumalayag. 

" Tara na! " Forda madali si Ate Aiks.

" Wag ka umangal, Patty. Nagmamadali rin si Zy. " Tumahimik na ko dahil wala naman akong laban don.

" Zy!!! " Dumiretso si Zy sa gawi namin. Katabi ko si Jill at ako ang nasa bintana. Lumabas a si Jill kahit may space naman satabi niya. Sadya ba yon para magkatabi kami? Lihim na tumatawa si Jill sa ginawa niya.

" Hi, Dokie. " Nakasakay na pala siya.

" Hello, Zy. Ready na? " Feel ko medyo awkward. Hindi ko naman pwede sabihin sakanya na may gusto ako sakanya dahil iisipin niyang ang bilis naman. Pero ang tottoo ay dahil sa mga kwento samin ni Jill ay matagal ko nang nararamdaman ang pag dadalawang isip sa nararamdaman ko para sakanya. 

Kung papaano siya i describe ni Jill noon ay ganon na ganon ang ipinapakita niya. Maganda siya at mabait. May soft spot sa mga bata. Nakita ko yon nang mag laro sila nila Nathalia nung nasa Iloilo pa kami. Magaan siya kasama at laging naka ngiti. 

Sa tuwing uuwi si Jill sa Pilipinas ay lagi siyang may dalang kwento tungkol kay Zy. Mukha raw kasing interesado ako kaya lagi siyang nag ku-kwento. Don palang ay napagtanto ko na na iba ang nilalaman ng puso ko. Iba ang sinisigaw non. 

Hindi ko pwedeng sabihin sakanya na usto ko siya hangga't nasasaktan pa ko sa nakaraan ko. Hindi ako pwedeng sumugal ulit habang may sakit pa sa puso ko. Pero sana kung pwede na, nandyan pa siya. 

" Ready na asarin si Ate Aiks. " Sinamaan naman siya ng tingin ni Ate.

" Kaya ayoko kayong isama eh. " She sounded like Mama.

" Ma, I'm sorry ma. " Pang aasar naman sakanya ni Zy.

" Good mood ang beshy ko ha. " Good moood pala siya pa g nang aasar siya. 

A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon