29

380 36 1
                                    

This chapter is a tribute to Mayor pogi. It's been 10 years since he left his girls. But his legacy still lives in us. 

______________________________________________________________

Leni


Birthday ng apo kong si Rocco ngayon. Hindi pa ko makauwi dahil sa dami ko pang gagawin.


" Lola Leni, buy me mangoes " Naka facetime kami ngayon para kantahan siya ng happy birthday.


" Ipapasuyo ko nalang, Roccs. Cute cute mo talaga!  Asan ang mama mo? " Tinapat ni Trish sakaniya ang camera.


" Ma? " Si Aika ay may ginagawa sa tabi niya.


" Kumain na kayo? " 


" Nag luto si Ate kanina. May tira pa kaya umuwi na kayo. " Nasa facetime rin kasi si Jill.


" Pauwi na'ko. " Nasa loob na ng sasakyan si Jill at ako ay matatapos na rin naman.


" Sabay ba tayo bukas, ma? " Naka tingin pa si Aika sa laptop niya.


" Mauuna na kayo. Kasabay niyo sila Gaile. " May house-to-house rin kasi kaming lahat. Nag-usap usap lang kami. Tinapos ko na ang mga dapat tapusin para makauwi na sa mga anak ko. Sa tahanan namin ni Jesse.


" Bok, paramdam ka naman. Birthday ko na bukas, bok. " Hinawakan ko ang necklace kong may ashes niya. Pagbaba ko ng sasakyan ay dumiretso na ko sa elevator. Bago masara ang elevator ay may isang paru-paru na pumasok.


" Bok? " Hinawakan ko ang wedding ring ko. Nilahad ko ang kamay ko at dumapo ang paru-paru sa singsing ko. Bumukas na ang elevator kaya lumabas na ko.


" Ma? Bat ka naiyak? " Hindi ko pala namalayan na tumulo na ang luha ko. 


" Si papa... " Naka tingin ang mga anak ko sa'kin. 


" Nagparamdam sa'yo, no? Birthday mo na raw kasi bukas. " Nag air hug kami dahil galing akong labas. Naligo at kumain muna ako bago kami nag kulitan.


" Ma, pahinga ka na muna. " Hinatid nila ako sa kwarto ko. Tabi raw muna si Jill at Trish para makatulog ako nang maayos. Nag dasal muna ako bago matulog. Last night na 56 ako.


" Bok? " Nakita ko ang asawa ko sa isang sulok ng office niya.


" Bok! " Tumayo siya para yakapin ako. 


" Miss ka na namin... Miss ka na nung mga bata. " 


" Ilang oras nalang birthday mo na, ma. Masaya akong nakikita kayong masaya. " Pinaupo niya ako sa katabing upuan niya. " Grabe, ma, dati ay ayaw mo kong papasukin sa path na tinatahak mo ngayon. Sabi mo pa nga ay mag hihiwalay tayo pag naging politiko ako. " Nakakatawa alalahanin yung mga araw na yon.


" Tinutuloy ko ang nasimulan mo, pa. " He's smiling at me. 


" Nakaka proud ang mga bata, ma. " Nakita ko ang cellphone niya na ang lockscreen ay kaming lima. Maliliit pa ron ang mga bata.


" Sinunod ko ang plano at gusto mo para sakanila. Alam kong gusto mong gina-grab nila ang opportunities na meron sila hangga't meron. " Hinawakan niya ang kamay ko at nakita ko ang singsing namin.


" Ma, may pinakilala si Tricia sa'kin. " I looked at him and naka ngiti siya ngayon. " She's pretty. I know her na dahil lagi siyang kinu-kwneto ni Jill sa'kin. Masaya ako para kay Trish. Ma, gabayan mo si Tricia sa path na tinatahak niya. Mapang husga ang mga tao sa mundo. Kilala ko yang anak kong yan, mababa ang loob niyan. " Si Tricia ang may pianaka mababang loob sa magkakapatid. 


" Lagi ko silang gagabayan, pa. " Naka tigin lang kami sa kawalan habang hawak niya ang kamay ko. " Mabait si Zy, lagi niyang inuuna si Tricia at kami. Nakikita nga kita sa batang yon. " 


" Talagang sinunos ni Trish ang pangako niya na di siya mag nonobyo kapag di kasing pogi at bait ko. Maganda si Zy at mabait na bata. " Masaya ang puso ko na tanggap ng asawa ko ang magiging kasintahan ng anak namin.


" Bagay na bagay sila. " 


" Ma? " he hugged me from the side.


" Hmm? " Nakapikit ako ngayon.


" Proud ako sa'yo, ma. Sa mga nangyari sa'yo nitong mga nakaraan buwan. Ang mga kabataan ay ginising mo at dadalhin mo sa rosas na bukas. Proud ako dahil kinaya mo kahit wala ako sa tabi mo physically. " Madami nang nag sabi sa'kin na proud sila sa'kin pero pag galing sa asawa ko ay kakaiba. " Mahal na mahal kita, ma. " Hinalikan niya ako sa noo. 


" Mahal na mahal din kita, pa. " Tumulo na ang luha ko. Napa tingin siya sa orasan sa pader.


" Happy birthday, ma. " He hugged me.  " Labs na labs, bok. " Unti unting naglalaho ang kayakap ko.


" Happy birthday mama! " Nagising ako nang bumukas ang ilaw ng kwarto.


" Naiyak ka na naman? " Pinunasan ko ang luha ko.


" Napaniginipan ko si Papa. Halika nga kayo rito. " Lumapit ang mga prinsesa namin ni Jesse sa tabi ko at si Rocco. 


" Labs na labs, mama. " 




______________________________________________________________________________

A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon