22

350 28 2
                                    

Tricia


Ilang linggo na rin nang maka-alis sila Jill. Simula non ay nag uusap na kami ni Zy mula umaga hanggang gabi. 


" Si Zy na naman kausap niyan ma. " Sanay na silang mag kausap kami. 


" Kumain ka muna, Trish. " Nag paalam muna ako kay Zy para sabayan sila mama kumain.


" Napapadalas ang usap niyo, ah. " Si Ate ang daming napapansin.


" Alam niya na ba? " Isa pa to si mama.


" Hindi pa. Wala rin akong balak sabihin. " Ang awkward ata non. 


" Paano kung gusto ka din niya? " Lagi akong binibigyan ng false hopes ni Ate. 


" Paano kung hindi? " Napaka negative thinker ko raw sabi ng pamilya ko. Sadyang Hindi lang ako assumera. 


" Hay nako, Patty. " Kumain na rin kami dahil late na rin. Kakauwi lang din namin galing sa sorties. 


" Kumusta naman yung mga lugar na pinuntahan niyo? Anong kaylangan nila? " Laging ganyan si mama. 


" Kaylangan nila manalo ka, ma. " Nakakapang hina ang makita ang kababayan ko na ganon.  "  Marami akong napuntahan na kapos na sila sa buhay. Maraming anak pero hindi sapat ang kinikita araw-araw. Dalawang trabaho na ang ginagawa nila pero hindi pa rin sapat dahil sa maliit na sahod. May mga kabataan na nagkakaroon ng sakit pero hindi madala sa hospital dahil sa kakapusan ng pera. " Nag on the spot kunsulta pa nga ako kanina.


" Halos araw-araw na pasakit sa mga pilipino ang kahirapan. Mataas na mga bilihin. " Kahit kaming may kakayahan ay umaaray rin sa mga presyo.  


" Kailangan ka Nila, ma. " Ganito ang  usually na usapan namin pag nasa hapag. 


" Eh yung crush mo Aiks? " Ayan!


" Ma! Di ko nga siya crush. " In denial stage pa kasi si Ate.


" Pero may narinig ako kagabi. May taong kinakausap yung sarili niya sa salamin. " I looked at ate with a confused look.


" Gusto niya rin kaya ako? Kasi nakikisabay siya sa trip ko. Bumabanat siya. " Pag rere-enact ni ate sa sinabi ko kagabi.


" Ate! Secret lang kasi yon! " Pilit kong tinatakpan ang bibig niya para di na siya mag salita.


" Hay nako, Trish. Bat kasi di nalang umamin. " Si mama isa pa to! Pamilya ko ba talaga sila?


" Natatakot talaga ako, ma. " I love the idea of her being mine but the idea of letting her go... I can't imagine. 


" Natatakot siyang maiwan at masaktan ulit. " Pasmado bunganga ng ate ko.


" Iba naman siya sa iba. Pareho kayong nasaktan noon. I'm pretty sure naman aalagaan niyo ang isa't isa. " May point naman si mama.


" Pag isipan mo yan nang mabuti, Patty. Hindi lang dahil sinabi namin na umamin ka, gagawin mo agad. Umamin ka pag handa ka na. Nandito lang kami if you need help. " The support i receive from my family is endless.


" Mag isip ka, Patricia. Kung ano ang laman nito. " Turo ni mama sa puso ko. " Dapat laging konektado rito. " Turo niya naman sa noo ko, pertaining to my brain.


" Kung natatakot ka sumugal uli, mas matakot ka kung di mo i g-grab yung chance na meron ka. " Umakyat na ko sa kwarto ko para makapag pahinga.


Buong gabi kong inisip ang sinabi nila. Pero paano nga kung gusto niya rin talaga ako? Kung nag hihintay lang siya ng tyempo para umamin. 


To: My Zy.

Good morning diyan. Eat your breakfast na. Ingat papuntang school. I'm going to sleep na, Zy. 


It's already 9 pm and Umaga na sakanila. Siguro ay tulog pa 'to. Hindi kasi maaga ang class niya ngayon kaya may time siyang matulog. 


Maaga rin kasi ako bukas kaya maaga ako matutulog. 


Kinabukasan ay nag ayos ako ng mga gamit para sa 3 days stay ko sa Quezon Province.


" Trish, ang aga mo naman. " Nasa baba na si mama at nag kakape na. 5 am pa lang pero gising na siya. 


" Natulog ka ba, ma? " Parang kaninang 1 am ay nagising ako dahil may kausap siya.


" Oo, nagising lang ako ng ala una pero natulog ako. " Minsan nga ay nakikita siya ni ate na may hawak pa ring mga binabasa niya habang tulog na siya. 


" Anong oras kayo aalis? " Hinahanda ko na kasi yung mga dadalhin ko.


" Mga 6. Kung anong oras nila ako sunduin. " 2 days lang talaga ang campaign pero nag dagdag ako ng 1 day para may pahinga rin ako. Uuwi na rin kasi sila Jill pag uwi ko galing sa Quezon. Excited na ko dahil makikita ko na siya. Balak kong umamin sakanya sa harap ni papa. 


" I want to confess to her in front of papa. " I told my mom the plan and agad siyang umagree.


" Matutuwa si papa na ang paborito niyang prinsesa ay aamin sa nagugustuhan niya. Masaya akong masaya ka, Trish. "  Pareho kaming nainom ng kape. 


" Alagaan mo ang puso mo, ha. Ilang taon ko yang binuo. " Hays mama. I hugged her and we heard a foot steps.


" Pasama naman sa group niyo! " Ate Aika joined us and take a sit besides me.


" Patty, paabot nga nung tinapay. Baka maubos mo eh. " Inabot ko sakaniya ang bagong biling tinapay ni mama. Siya pa ang bumaba para bilhin to.


" Mag babaon ako nyan! " Balak pa ata ubusin ni Ate.


" Dumaan ka nalang sa bakery! " Niyakap niya ang tinapay kaya inirapan ko siya. Nag text na ang sundo ko kaya nag paalam na ko sakanila.


" Una na ko, ma. " Sinundo pala ako nila Kath para di na raw ako mag hintay sakanila sa meeting place. 


" Ate Trish! Kumusta si Jill? " Si Jill talaga ang unang tinanong.


" Ako yung nandito, Kath. " Napaka sakit na nila.


" Hehe sorry po Ate Trish. " Gustong gusto niya talaga si Jill. 


" Okay lang si Jill. " Sinabi kong dumaan muna kami sa malapit na bakery para bumili ng tinapay. Ako na ang nag bayad dahil nakakahiya nakikisabay nalang ako wala pa kong ambag.


" Doc., Dito ka. " Umupo ako sa tabi ni Kath at nag kwentuhan kami sa sasakyan at nag simula na kong makaramdam ng antok. 


" Ito, pillow neck po. Para di ka po mahirapan. " Binigay niya ang pillow neck na nasa likod. Buti nalang may extra sila. 


From: My Zy.

Hello, Doktora! Kakauwi ka lang from school. Puunta pa ko sa library to get some books. 


May doktora na namang naka ngiting matutulog. 


To: My Zy.

We're on our way to Quezon Prov. I'm going to sleep Muna. Eat your dinner, Zy. 


" Ngiting ngiti ang kasama natin. " Tukso sa'kin ni Kath.


" Best friend to ni Jill. Sumbong kita rito. " Mananahimik nalang daw siya sa gilid dahil baka magalit ang Jillian my loves niya. Bat ang corny ng mga tao ngayon? 


" May boyfriend ba siya? " 




___________________________________________________

hi siguro.

A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon