36

359 23 2
                                    

Tricia


After that night, I tried not to mention Myka's name as much as I could. But the truth is, Myka and... her mom will be there. 


" Tara na? " Baccalaureate nila ni Jill today at kami ni mama ang kasama nila.


" Kinakabahan ako. " Kagabi pa siya nag ooverthink dahil baka raw matapilok siya sa stage.


" Kaya mo yan, labs. " Magkahawak ang kamay namin na lumabas sa apartment niya. 


" Lalandi! " Sila ate ang bumungad samin. Tumakbo agad si Jill kay Zy dahil pareho silang kinakabahan.


" Kumusta, Anak? " Nag bless si Zy kay mama at bumeso.


" Kinakabahan po. " Hinawakan ni Mama ang kamay ni Zy at may binulong. Ewan ko kung ano yon pero di ako magiging marites for today.


" Halika na? " Commuters kami sa New york. 


" Hawakan niyo yung bata. " Kanina pa inaasar nila Jill si Ate.


" Ma, kita mo ugali ng dalawang paborito mo? " Natatawa lang din kami ni mama sa kabaliwan nitong dalawa.


" Pasalamat kayo maganda kayo. " Halos mabuga ni Jill ang kape na iniinom niya.


" Wow... Ikaw ba yan, Ate Aiks? " Sinalat ni Jill ang noo ni Ate at tawang tawa naman si Zy.


" Hindi, Jill, anak... " Pati kami ni mama ay natawa sa kalokohan ni Ate.


" Ma oh! " Hindi na makahinga kakatawa tong katabi ko.


" Beh, huminga ka naman. " Pulang pula na siya sa kakatawa.


" Tawang tawa. Gusto mo na mag asawa nito. " Asar ni Jill sakaniya. Nang makarating kami sa venue ay nag picture muna kami para remembrance. Nilagayan ko ng rosas pin si Zy as her request.


" Kayo namang mag jowa. " Pumwesto kami at hawak ni Zy ang kamay ko. 


" Sweet niyo. " Pumasok na kami sa loob mg venue at katabi ko si mama sa upuan.


" Proud na proud talaga ako r'yan sa girlfriend mo. " Nang tawagin si Zy ay mukha kaming stage mom ni mama. She treated Zy as her real daughter.


" Ang ganda ganda ng labs ko. " Her toga fits perfectly to her. Medyo mataas ang heels niya but she managed to walk properly. That's my girl. After ng baccalaureate ay kumain kami sa labas para mag celebrate.


" Proud na proud si Tricia sa'yo kanina. " Nagiging kamatis na ang girlfriend ko.


" Ikaw nga ma, konti nalang sisigaw kana ng Anak ko yan nung tinawag si Jill. " At ang asaran ng pamilya ay magsisimula na. 


A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon