16

358 26 5
                                    

Zy

Ang sarap gumising sa city of love ng Pilipinas. Kaso itong si Dokie ay pinag tripan pa ko. Pero pinatawad ko na rin siya as dakilang marupok. Bumaba kami para kumain ng breakfast. Tumakbo ako papunta kay Jill at may binulong.

" Let's talk later. " She nods as a response.

Inutusan ni tita Len si Dokie pero pag baba niya ay kitang kita sa mata niya na kakaiyak niya lang. Sinisi pa niya si Ate Aika na naka sunod sakanya. After we eat ay nag handa na kami para pumunta sa magandang tanawin daw rito sa Iloilo. 

" White looks good at you. " Nagulat ako nang sabihin niya yon.

" Th-thanks, Doc. " Gay panic!!!

" Tricia nalang. Or Dokie. " Ay gusto niya talaga yung nickname ko sakanya ha.

Nag asaran pa silang mag kakapatid at umalis na rin kami. Manghang mangha kami sa tanawin. Lalo na si Tricia. Wow Tricia, nickname basis.

" Anong gusto mong pag-usapan? " Lumayo kami ni Jill sa pamilya niya para makapag usap. I let out a heavy sigh as I held her hand.

" What if I told you na I feel like I'm falling for someone... Again? " Siya ang una kong sinasabihan pag dating sa ganitong bagay. Saksi si Jill sa lahat ng pinagdaanan ko sa mga nakaraang exes ko.

" Si Ate Trish ba? " I looked at her confused. Alam Niya? Obvious ba masyado?

" How... How did you know? " She chuckled softly and rub my hand.

" The way you look at her. The way you look at her... That's the way you look at Kyla back then. " Did I stare at her deeper?

" What do you mean? " She looked at the view right in front of us.

" Pero may kakaiba sa tingin mo kay Ate Trish. Mas malalim. Pero hindi pa kayo nagkakasama ng matagal, so baka feeling mo lang yon dahil may care siya sayo. " Maybe yes... Maybe no. The moment of silence while we're enjoying the beautiful view of Iloilo.

" I want to stay here. Gusto ko ang huling taong dadalhin ko rito ay ang huling taong mamahalin ko. " And I'm hoping na si Tricia yon. Sounds cheesy and unrealistic but I think I'm fallin'.

" What if mag stay muna tayo rito kahit for 2 weeks lang. " Kaya naman siguro.

" Sure. Sasama ka ba sa'kin pauwi sa Holy week? " After holy week ang susunod na uwi na namin ay birthday ni tita Len. At ang susunod na balik namin sa New York ay graduation na.

" Yes, I want to visit tito pogi. " Jill said na yon ang itawag ko sakanya. Matutuwa raw yon pag ganon ang itinawag sakanya.

" Sakto. Sa Naga kami mag holy week. " May tradisyon kami tuwing holy week. Pero nang umalis si mama, hindi na yon natuloy.

" Para makilala na ni tito pogi kung sino yung lagi mong sinusumbong sakanya. " Lagi kasi niyang sinasabing nag susumbong siya kay tito pag nagiging marupok ako.

" At para makilala niya na rin ang future ng paborito niyang anak. " Jill added. Hinampas ko ang braso niya.

" Kelan mo sasabihin sakanila yung tungkol kay M? " Alam ko kasing hindi niya pa nasasabi sa Pamilya niya yon.

" May kinwento si Ate Aiks sa'kin kagabi, hindi siya nagpakilala ng boyfriend kasi di naman daw umabot ng 2 months. Paabuton ko muna ng 2 months. " Girl???

" Iniisip mong hindi siya seryoso sayo, no? " Trust issues ni Jillian mas mataas pa sa height niya.

" Natatakot akong mangyari ulit yung noon. Mabuting nang sigurado. " Sabagay

A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon