14

348 26 0
                                    

Listen to the song na nasa taas para dama.

____________________________________

Aika

" Aiks? " I heard a familiar voice. I know it's him.


" Papa? " Nilingon ko siya at nakita ang ngiti niyang nakakapag pa kalma sa'kin.


" Kumusta ka, Anak? " Papa... If only you know...


" Ayos lang kami, pa. Ikaw? Kumusta ka? " Nasa lugar kaming napaka pamilyar sa'kin ngunit hindi ko maalala kung saan ito.


" Anak, Ayos lang ako. Pero alam kong Hindi ka okay. Aiks, alam kong malakas ka pero alam kong hindi sa lahat ng pagkakataon ay malakas ka. Naalala mo 'tong lugar na 'to? " Pinaupo niya ako sa parang bench sa gilid. " Tignan mo yung batang yon. " I saw a kid na nakikipag habulan sa Papa niya. Pamilyar yung bata... Maikli ang buhok niya at may bangs. Naka headband siya at may hawak na lobo.


" Papa! " I heard the kid calling her dad. Nadapa siya dahil sa sapatos niya.


" Aiks! Tayo, anak. Malakas ka di'ba? " A-aiks?


" Aika! Hala ka jusko! " I saw her mom running towards her. May hawak itong panyo at pinunasan ang anak niya.


" Okay lang ako, mama. Sabi ni Papa malakas daw po ako. " I smiled when she said na malakas siya.


" Look at you, Aiks. Bata ka pa lang sinasabi mo nang malakas ka. " Ako 'tong batang pinapanood ko? The little and innocent Aika? The Favorite Aika?


" Pa, kaya ko naman, diba? " He faced me and I felt his hands holding mine.


" Malakas ka. Pero anak, mag sabi ka kila Mama. Pakikinggan ka nila. Kagabi nga umiyak ang Mama niyo sakin. Ang sabi niya ay bakit ganon, bakit kaylangan mong maranasan yon. Pero Aiks, alam kong matatag ka. Naniniwala ang Papa na kakayanin mo to. " Naka tingin lang ako sa harapan namin. I'm watching myself. How the Little innocent Aika play with her Papa.


" Papa, look. " May dumapong paro paro sa kamay ni Little Aika.


" Aiks, look at Mama. " Sabi naman ni Papa. Pinicturan ako ni Mama at tuwang tuwa naman ako.


" Ay! Umalis na. " Mukhang disappointed pa si Little Aika dahil umalis na yung paro paro. Lumapit sakin si Mama para punasan ako likod ko.


" Hindi ba masakit ang sugat mo? " Chineck ni Mama ang sugat ko at nilagyan ng band aid.


" Malakas ako, Mama. "


" Malakas ako. " I whispered. Sinasayaw ako ni Papa at si Mama ay nag vivideo samin. Tuwang tuwa si Mama at siya pa ang nakanta. Habang pinapanood ko ang sarili ko ay nilahad ni Papa ang kamay niya.


" Sayaw tayo, Aiks. " Kinuha ko ang kamay niya at tumayo.


He's humming my favorite song.


" Iyakap mo ko sa mga kapatid at sa Mama mo, bok. " Bok... I miss that.


" Miss ka na namin. " Miss na miss.


" Miss ko na rin kayo, mga bok. Nandito lang ako sa tabi niyo. I know lagi niya kaming ginagabayan.


" Pwede bang dito nalang muna ako? Miss na miss kita, pa. " Niyakap niya ko habang sinasayaw.


" Birthday ni Bunso. Dapat gumising kana dahil mahaba ang araw niyo. " Birthday ni Jill... wala siya sa tabi namin.


" Miss ka na non. " Laging sinasabi ni Jill yon.


" Miss ko na rin siya. Iyakap mo ko sakanya yung mahigpit. Yun na kamo ang regalo ko sakanya. " Papa and Jill are the sweetest.


" I will. " Natahimik ang paligid namin. Tanging hangin lang ang naririnig namin.


" Alway protect this. " He points at my heart.


" Hindi ko kayang makitang nasasaktan at umiiyak ang mga Prinsesa ko. Pero alam kong kakayanin niyo. " I rest my head to his chest habang siya ay naka yakap sakin.


" Salamat, pa. Hindi mo ko binigo. " Hinalikan niya ang buhok ko at


" Ate Aiks? " Naramdaman kong may nagyuyugyog sa'kin.


" Pa? " Naalimpungatan ako at napa upo.


" Ate? Wala si Papa rito. " She looks at me with a confused face.


" Papa... " I felt my tears running down my face.


" Ate? Anong nangyari? " She sat beside me while caressing my back.


" Dinalaw niya ko sa panaginip. Dinala niya ko sa Lugar kung saan kami nag lalaro noon. " Naka yuko pa rin ako dahil ayaw matapos ang pag patak ng luha ko.


"He did that? How is he? "


" Ayos lang siya. " Patty hugged me and I heard na nahikbi na siya. I hold her cheeks and hugged her again.


" Sabi ni Papa i hug ko kayo. Miss na miss na raw niya kayo. " Mas lalo siyang naiyak sa sinabi ko.


" Papa... " I heard her whisper through my ear.


" Nandito lang siya para sa'tin. " Lumamig ang paligid at lumakas ang hangin.


" See, nandito lang siya. " I caressed her back while she was crying on my shoulder. We miss you, Papa. Ilang minuto lang ay tumigil na siya sa pag iyak.


" May nag text sayo. "



___________________________________

hehe hi, short ud muna. Bawi ako bukas or kung kelan man.

A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon