34

370 26 2
                                    

Tricia


Days after the election, Mama's team organized a Pasasalamat: A victory party for all. They chose the name para madama ng lahat na hindi ito panalo ni mama, kundi ng lahat ng Pilipino. 


" Ang traffic! " Nasa kahabaan kami ng katipunan at kasalukuyang nasa sasakyan.


" Lakad kaya tayo? " Zy said.


" Naka sandals kami. " I said. Pero di siya nagpatinag.


" Edi tapos na yung program nandito pa tayo. " Umagree sila sakaniya kaya team lakad kami for today.


" Ito na raw yung exercise mo, Zy. " Hindi kasi siya mahilig mag exercise. Pa hinto hito kami dahil hingal na hingal tong katabi ko.


" Kaya pa, labs? " Tinatawanan siya nila Jill kaya inabutan ko siya ng tubig.


" Napapala ng mga hindi nag eexercise. " Sa layo ng nilakad namin, nag sisimula na nung nakarating kami.


" Si mama po? " Hinihingal na sabi ni Jill. 


" Asar ka pa sa'kin, ha. " Nagtutulakan yung dalawa kung sino unang papasok sa tent ni Mama. Inunahan na sila ni Zy dahil gusto niya na umupo. 


" Buti naka abot kayo? " Bumagsak kami sa mga upuan dahil sa hingal namin.


" Anong nangyari sainyo? " Inabutan kami ng mga staff ni mama ng tubig.


" 'Yang si Zy, nagyaya mag lakad. " Turo ni ate kay Zy.


" Umagree naman kayo. " Ang mature ha. Sa harap pa ni mama nag away.


" Awat na. Mag pahinga kayo dahil maya maya ay aakyat na tayo. " Inurong ni Zy ang upuan niya at itinabi sa'kin.


" Mahal. " Sinandal ni Zy ang ulo niya sa balikat ko.


" Hmm? " Tinanggal ko ang mga buhok na nasa mukha niya.


" Ang sarap mag pahinga sa'yo." She said. My lips formed a smile when I heard that.


" I love you, mahal. " I kissed the top of her head.


" I love you. " She responds. Hindi raw kasi dapat may too. Bumabagsak na ang mata niya kaya hindi muna ako gumalaw. Busy kasi sila ni Jill dahil graduating. Ngayong weekend na ang alis namin papuntang new york para sa graduation nila. May mga exams sila na tinapos nung nasa Naga kami at kagabi. 


" Pagod na pagod. " Asar ni Ate sakaniya.


" Yan din. " Nakita kong nakatulog na rin si Jill sa lap ni Ate. Hinayaan muna namin sila matulog. Inihiga ko siya sa lap ko para di siya mahirapan.


A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon