18

346 25 1
                                    

Tricia

Zy is sitting in front of me, Ate Aika and Kakie beside me, and Jill and Miel beside her.


" Ano yang tinginan na yan, Patricia? " I heard Ate Aika whisper to my ear.


" Issue mo. She's beautiful kaya. Swerte siguro ng magiging boyfriend nito. " I said. I don't know what I'm feeling... I'm so confused these past days... Cause I know I am straight... Am I straight?


" Pero girlfriend daw ang gusto nyan. " Yeah, right. She hates men. 


" Dokie, hindi mo ba muna pipicture-an? " May human reminder na pala ako na kaylangan kong mag upload ng content sa ig food dump ko. 


" Ate Aiks, kumusta na kayo nung Ally? " Jill is now asking Ate about the girl na kausap ni Ate.


" Okay kami. I mean friends pa rin. " Friends.


" Bukas di'ba sa Manila ka mag ha-house-to-house? Sama kami! " Aasarin lang nila si Ate Aika at pupush don sa so called friend niya.


" Che! Aasarin niyo lang ako ron. " Pero ang ending ay pumayag na siya na isama niya kami. Marupok ang Ate ko so much. 


" After nito san na kayo? " Ako kasi mag hahanda for duty. 5 pm to 5 am kaya pwede pa matulog bukas bago kami pumuntang Manila. Kumain na kami ang payapa at may konting asaran. Nang matapos kami ay kanya kanyang tawag na ng Security. Inantay muna namin si Zy. Nag palit siya ng damit dahil pawis na pawis siya.


" Mag co-commute nalang po ako. " Tinignan ko ang oras at 2 pm pa lang naman kaya hinablot ko na si Zy at nag tungo sa kotse kong nakaparada sa gilid. Pinadala ko to just in case. 


" Dokie, dapat mag cocomute nalang ako eh. " We get in to the car and tinext ko si Jill na iuuwi ko ang best friend niya nang safe. 


" Don't worry, saglit na drive lang naman. " Pinag seatbelt ko siya dahil baka mahuli kami.


" Di'ba may duty ka? Baka ma late ka. " 2 pm pa lang naman. OA sis? chz.


" 5 pm pa naman yon. Wag kang mag-alala makaka pasok ako on time. " Ilang years na rin kasi siyang hindi nauwi. Si Jill lang kasi ang umuwi nung kasagsagan ng Covid. Biglang bumuhos ang ulan kaya mas okay rin pala na hinatid ko siya. Bakit kaya umuulan pag kami lang ang mag kasama sa kotse? 


" Eyes on the road, Doctora. " Napansin niya atang lingon ako nang lingon sakanya. " Baka isipin ko nyan, crush mo ko. " Natawa naman ako sa sinabi niya. 


" Baka kasi pinapanood mo na naman yung dalawang patak na mag racing. " Sinamaan niya ko ng tingin at tumingin sa gilid. 


" Do you like rain? Napansin ko kasing kalmado ka pag naulan. " Hinarap niya ko na parang ineexamine kung seryoso ba ko sa tanong ko.


" Well, Oo, kasi I feel like nakikisabay ang langit sa nararamdaman ko. " She looks okay but she's not fine at all. 

A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon