Chapter 26

9 1 0
                                    

Crystal POV

 
     Kaagad akong pumunta sa hospital kung saan naruruon ang katawan ni Yena. Pagdating ko sa hospital ay tinanong ko sa isang nurse kung nasaan si Ms. Yena Sandoval at sinabi nya sakin ang morge. Pagkatapos sabihin yun sakin ng nurse ay kaagad akong nagmadali na pumunta dun na tila ba matapang kong pupuntahan ang kwarto na yun pero pagdating ko dun ay tila ba nawala ang tapang ko at napalitan nang takot at kaba.

      Habang dahan-dahan kung binubuksan ang pintuan ay nagulat ako dahil may iba pang mga bangkay ang nandun pero mabuti na lamang at may mga pangalan na nakalagay sa hinihigaan nila kaya madali kung nahanap ang bangkay ni Yena. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at dahan-dahan ko ring tinanggal ang nakataklob sa mukha nya at sobra talaga akong na shock sa nakita ko.

      Confirm na, patay na nga ang bestfriend ko at dahil nga di ko parin matanggap ang nangyari ay bigla na lang tumulo ang aking mga luha at habang tumutulo ang aking mga luha ay nasabi ko sa aking sarili na....

"bakit ikaw pa, bakit bigla ka namang nawal bakit? ha!?"

     Maya-maya pa ay biglang nagbukas ang pinto at sa pagbukas ng pinto ay nakita ko si Justin kaya pinunasan ko kaagad ang aking mga luha. Habang pinupunasan ko ang aking luha ay naglakad naman papalapit si Justin sakin at nang malapit na malapit na sya sa'kin ay sinabi nya na

"wag kanang umiyak Crystal"

     Nang akmang pupunasan nya ang aking mga luha gamit ang kanyang kamay ay biglang nagbukas ang pinto sa pagbukas nito ay nakita ko sina Mama, si Papa, si Tita Melinda, ang Papa ni Yena, Mama ni Justin at ang Papa nya na magkakasabay na pumunta sa morge. Kaagad akong pumunta kina Mama at Papa para yakapin sila kasi matagal tagal nadin nung huli naming pagkikita-kita at pagkayakap ko sa kanila ay dun ko na rin binuhos ang luha ko para kay Yena. Ilang minuto pa ay lumabas na kami at sa paglabas namin ay dun na nga ako tinanong nang tinanong nina Tita Melinda, Tito Rico, ng parents ni Justin at nang parents ko. Nung una tinanong nila ako kung kaylan raw ako umuwi at sinabi ko na

"Kanina-kanina lang po" tapos sinabi nila Mama at Papa na dun daw ako tumuloy sa bahay pero sinabi ko na di muna ako tutuloy sa bahay dahil sa condo muna ako ng Ninang tutuloy. Nang sabihin nina Mama at Papa na uuwi na sila ay sinabi ko na sasabay na ako sa kanila dahil bibisita ako saglit sa bahay pero bago kami umalis ay tumingin muna ako saglit kay Justin.

CONTROVERSIAL LOVEWhere stories live. Discover now