Chapter 11" Do You Have Crush On Me?"

13 1 0
                                    

Crystal POV

      Pagkatapos naming kumaing dalawa ni Justin ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin at habang naghuhugas ako ng mga pinggan ay biglang sinabi sa akin ni Justin na wag ko na raw pagkaabalahan pang gawin ang paghuhugas ng pinggan. Umalma naman ako sa sinabi nya kaya sinabi ko na lang na "hindi okay lang kaya ko naman gawin ito". " O sige, ikaw bahala " sabi ni Justin sa akin. Habang naghuhugas ako ay naisip ko na tama lang ang ginawa ko na hugasan ang mga pinggan kasi kung di ko ito gagawin paniguradong pag-umalis ako sa bahay nila ay saka nya sasabihin na wala akong nagawa, ako na nga yung naki C.R , nanghiram ng towel, ng damit, ng pang-ibaba at kumain pero di manlang naghugas ng plato kaya tama lang na ginagawa ko ito.

     Dahil sa mga naiisip ko ay di ko namalayan na natapos na pala ako sa paghuhugas ng mga plato.Bigla kong naalala na sinabi nga pala ni Justin na pumunta ako sa kwarto nya pagkatapos kong maghugas ng plato kaya naman kaagad na akong pumunta sa kwarto nya. Bago ako pumasok sa kwarto nya ay kumatok muna ako at sa pagpasok ko ay napansin ko na sobrang nagfo-focus sya sa harap ng computer nya para lang ma-hack yung account nung taong gumagawa sa amin ng kasiraan. Ayaw ko na sanang itanong ito kay Justin kasi baka mapatigil sya sa ginagawa nya pero di ko alam kung bakit lumabas na lang itong tanong na ito sa bibig ko

  " Justin may gusto ka ba sakin kasi naman ang sama ng tingin mo sa akin kanina habang nagpapakilala ako sa Kuya mo at lalo mo pa akong tinitigan ng masama nang nag-uusap kami ng Kuya mo kaya sabihin mo may gusto kaba sa akin aminin mo na kasi".

    Dahil sa sinabi ko ay napatayo si Justin sa kinauupuan nya at dahan-dahang lumapit sakin at sinabing "kung pinahiram kita ng sarili kong towel, kung pinahiram kita ng sarili kong damit kahit medyo malaki at kung pinahiram kita ng jogging pants sa tinggin mo may gusto na kaya ako sayo?" " Isa pa tinulungan lang kita at walang ibig sabihin yun".

  
   (Author:  Naku maniwala sayo Justin sige tago mo pa feelings mo, kaya kayo guyz ano sa tingin nyo may feelings ba sya kay Crystal o wala?? )

CONTROVERSIAL LOVEWhere stories live. Discover now