Chapter #36

0 0 0
                                    

Crystal POV

    Bago ako sumakay ng eroplano ay niyakap ko muna ng mahigpit si Maurish at habang naka-upo ako ay iniisip ko na kaagad kung anong mangyayari sa pagbabalik ko sa Pinas.

AFTER AN HOUR

      Pagkababa na pagkababa ko sa eroplano ay kaagad kong tinawagan si Mom para sabihing nandito na ako sa Pilipinas at nang marinig nya yun ay napansin ko na sobra syang natuwa pero bigla kong naisip si Justin kaya naman itinanong ko kay Mom kung nakikita pa rin ba niya si Justin at ang isinagot naman ni Mom ay "Oo" pero tinanong ni Mom kung bakit, bakit ko raw itinatanong yun sa kanya kaya naman sinabi ko na "sana nandyan po siya ngayon dahil may importante akong sasabihin sa kanya." Pagkatapos kong sabihin yun ay sinabi ko kay Mom na pupunta muna ako sa lugar na palagi kong pinupuntahan kasama ang isa sa mga taong mahalaga sa akin, nung ako ay nandidito pa sa Pilipinas, sabay nagpaalam na ako at sinabing didiretsyo na lang ako sa bahay kapag medyo nakapagpahinga na ako dun sa lugar na aking pupuntahan. Paglabas ko dun sa airport ay kaagad akong sumakay ng bus at ilang minuto pa nga ang lumipas ay nakarating na ako sa lugar na aking gustong puntahan.

  

     Habang naka-upo ako sa mahaba, maganda at malinis na upuan dito sa park habang nakatingin sa napakagandang paglubog ng araw ay di ko mapigilan ang malungkot at unti-unti na ring pumapatak ang aking luha at habang naluluha-luha na ako ay may biglang tumawag sa cellphone ko na hindi ko kilala kung sino ito dahil number lang ang nakalagay at nang sagutin ko ito ay biglang sumagot at itinanong kung ako nga ba si Crystal Jean Mendoza at sinabi ko na 'Oo at Bakit?' Maya-maya pa nga ay bigla syang nagsalita at tumingin daw ako sa kaliwa kaya naman lumingon ako sa kaliwa ko at nang sabihin naman niya na lumingon ako sa kanan ay lumingon ako sa kanan at nang sinabi naman niya na lumingon daw ako sa likod ay umalma ako at sinabi ko na "Hoy teka lang sino ka ba talaga ni hindi ka pa nga nagpapakilala sakin at kanina ka pa ha!" Nang masabi ko na yun ay bigla s'yang nagwika nang "Kung gusto mong malaman kung sino talaga ako please lumingon ka sa likod." Dahil nga gustong-gusto kong makita o I mean is para malaman ko kung sino sya ay lumingon ako sa likod at sa paglingon sa likod ay nakakita ako ng isang banner na ang nakalagay ay "Nice to see you again and I'm sorry" at nang unti-unti nang bumababa yung banner dahil unti-unti na rin itong ibinababa nung taong nasa likod nito, ay...

CONTROVERSIAL LOVEWhere stories live. Discover now