Chapter 12" Lights off "

11 1 0
                                    

Crystal POV

     Habang sinasabi ni Justin ang mga salitang iyun ay dahan-dahan syang lumalapit sa akin at umabot na sa puntong halos napakapit na ako sa mesa na nasa likod ko at bago nya binitawan ang pinakahuli niyang sinabi sakin ay umabot muna sa punto na sobrang magkalapit na ang mga mukha namin sa isat-isa. Nang masabi na nga nya iyun ay inalis na rin nya ang mukha nya sa pagkakalapit sa mukha ko at dumistansya ng kunti sakin. Bigla naman akong nagulat at natakot sa sumunod na nangyari.

     Namatay ang mga ilaw sa kwarto ni Justin at this time, nasa kusina sya para magtimpla ng juice. Kaagad akong naglakad ng mabilis dahil may nakita akong babae na nakatayo sa gilid ng kama ni Justin kaya tinawag ko si Justin at habang ako'y naglalakad ay bigla akong natapilok at malas lang kasi natapilok ako sa tabi nang kama ni Justin kung saan nasa kabila lang nun yung babae. Dahil sa takot ko ay napaiyak na lamang ako at isa pa unti-unti ko ring nararamdaman na lumalapit yung babae nayun sa kinaruruunan ko kaya nagdasal ako at sinabi ko rin  na " please hindi pa po ako handa mamatay wag muna ngayon"

     Nagulat naman ako ng biglang bumukas yung pinto at nakita ko na si Justin pala yun at may dalang flashlight. Binuhat nya ako dahil hindi ako makalakad at dinala nya ako sa salas nila para maka-upo , honestly ni-request ko talaga na dito nya ako dalahin sa salas kaysa magstay kami sa kwarto nya. Habang ginagamot ni Justin ang paa ko ay lalo akong napaiyak kasi nakita ko na nakatingin na naman yung babaeng multo sakin, maya-maya ay nagkailaw na at nakita ko na patapos narin si Justin sa ginagawa nya.

     Pagkatapos nyang gamutin ang paa ko ay iniligpit na nya ang mga ginamit nya at nang bumalik sya sa kinauupuan ko ay sinabi nya na "Crystal pwede ba kitang mayakappumayag naman ako kasi wala namang malisya yun. Nang niyakap nya ako ay nakaramdam ako ng kunting kaginhawaan sa sarili ko, pero di pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. " Alam mo Crystal niyakap kita para malaman mo na nandito lang ako at kung kaylangan mo nang makakausap lapitan mo lang ako"sabi ni Justin sa akin habang magkayakap kami. Tinanong nya rin ako kung bakit ako umi-iyak pero hindi ko sinabi ang dahilan.

     (Author:  Sweet naman )

CONTROVERSIAL LOVEWhere stories live. Discover now