Chapter 14" Plan of Justin"

12 1 0
                                    

Crystal POV

     Pag-uwi ko ay nahihirapan parin akong lumakad kaya inalalayan ako ni Papa pero tinawag nya si Mama para si Mama na ang mag-alalay sakin at habang inaalalayan ako ni Mama na pumunta sa kwarto ko ay sinabi ni Papa na " kaylan mo ba sya lalayuan ng dahil sa kanya nagkaganyan ka". " Hindi naman po Papa sige po ."

       Pagkatapos nun ay sinabi ko kay Mama na kaylangan ko na talagang pumunta sa kwarto.
Nakahiga na ako sa kama ng biglang may nag text sa cellphone ko kaya tinignan ko ito at nakita ko na number pala ito ni Justin kaya binasa ko yung text nya at nakapaloob dito na pupunta sya bukas sa bahay para ituloy ang ginagawa namin na di na tapos, dahil sa tinext nya ay kaagad ko syang nireplayan at sinabi ko na "wag kanang pumunta dahil baka maabutaan mo si Papa."

      Maya-maya ay nagreply sya at sinabi "bakit? Anong oras ba umaalis yung papa mo? " Basta Justin hindi pwede" pagkatapos kung isend yun kay Justin ay bigla naman syang tumatawag sa cellphone ko kaya sinagot ko na. " Hello Crystal, kaylangan kong pumunta dyan bukas kahit anong mangyari dahil kaylangan na nating ma-hack ang account nya pati tatlong linggo at dalawang araw na lang ang natitira sa atin kaya pupunta ako bukas okay"

       Tututol pa sana ako sa sinasabi nya pero bigla na lang nya akong pinatayan kaya wala na akong nagawa, eh wala naman kasi akong load para tawagan sya at lalong di rin ako makapagpapaload dahil bawal akong lumakad ng bahay. Tutulog na sana ako nang maalala ko si Mama kaya sinikap ko na makalakad nang maayos para mapuntahan si Mama sa kusina.

     Nang nandun na ako sa kusina ay kinausap ko si Mama tungkol kay Justin at sinabi ko rin na pupunta si Justin sa bahay para tapusin ang ginagawa namin. Pumayag naman si Mama pero sinabi ko rin na pano naman si Papa baka kung anong sabihin nya dun, pero sinabi lang ni Mama na sya na ang bahala kay Papa.

CONTROVERSIAL LOVEWhere stories live. Discover now