Chapter 04" Just Live Me Alone"

21 1 0
                                    

Crystal POV
 
    Nakita ko si Yena kaya pinuntahan ko sya para makisabay sa pagpunta ng classroom. Habang naglalakad kami ay napansin ko na sobrang tahimik nya kaya tinanong ko sya kung anong meron.

    Tumigil sya sa paglalakad at sinabi nya sa akin na ako ang bestfriend nya,ang pinagkakatiwalaan nya sa lahat ng bagay. Dahil sa sinabi nyang iyon ay bigla akong nagtaka kaya sinabi ko sa kanya na"bakit mo sinasabi ang mga salitang iyan"?.

   Binigay ni Yena yung phone nya sakin at nagulat ako sa nakita ko,ako at yung lalaki na nakaaway ko ang nasa picture na iyon at viral na viral na ito paano ba naman kasi,yung pangyayaring natumba ako sa kanya ay yun yung picture na viral ngayon at ang tatlong comment na nabasa ko ay ang mga ito: " Naku anglandi naman ng babae na iyan sya pa talaga yung nakapatong kay kuya pogi",pangalawa "Sayang naman si kuya pogi ang gwapo-gwapo nya tapos papatul sya sa ganyang klase ng babae. Yuck!,pangatlo " Ano ba naman yang ginagawa nila masyadong SPG ah,kadire!!"

    Nang matapos kong tignan yung picture ay ibinalik ko nang muli yung cellphone ni Yena sa kanya. Nagulat ako ng biglang umiyak sa harapan ko ang best friend kong si Yena. Tapos sinabi nya sa akin na si Justin Nam na long time boyfriend nya,na ngayon ay ex na nya pero still mahal nya parin at yung nakaaway ko sa gym ay iisa. Pagkatapos nyang sabihin ang mga yun ay na shock ako ng husto pero naisip ko na magpaliwanag muna sa kanya kung anong nangyari nung araw na iyon pero sinabi nya na wag muna daw kaming mag-usap at magkita pati kaylangan ko muna daw ayusin ang lahat ,kaya naman di ko na sya sinundan nung tumakbo sya papalayo.

    Pagpasok ko ng classroom ay kaagad kong tinignan kong nandun na si Yena sa upuan nya pero wala,kaya nang mag lunch na ay hinanap ko sya kung saan-saan pero di ko sya makita kaya naisip ko na itanong na lang sa adviser ko.

   Nang itanong ko kung nasaan si Yena ay sinabi ng adviser ko na umuwi na raw kasi masama ang pakiramdam. Matapos kong marinig yun ay biglang napanatag and aking kalooban kaya maayos na natapos ko ang klase. Paglabas ko ng classroom ay medyo nakaramdam ako ng pagkahilo. Pagdating ko dun sa gate ng school ay nakita ko si Justin Nam kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng school para sundan sya kasi may kaylangan kaming pag-usapan. Habang naglalakad sya ay sinusundan ko sya ng patago.
     

CONTROVERSIAL LOVEWhere stories live. Discover now