Chapter 05 "Justin's House"

16 1 0
                                    

Crystal POV

     Habang sinusundan ko sya ay napansin ko na tumitigil sya at palingonlingon sa likuran kaya nagtatago ako sa mga poste at sa mga bagay na pwedeng pagtaguan. Habang sinusundan ko sya ay napansin ko na titigil syang muli at lilingon kaya nagtago akong muli,akala ko di na ako makakapagtago dahil wala nang poste sa nilalalaran ko,pero nang may makita akong kotse ay naisip ko na magtago dun. Nag stay ako ng kunti sa likod ng kotse at nang tumayo ako para tignan kung naglalakad na sya ay nagulat ako kasi bigla syang nawala na para bang ang bilis nyang maglakad.

    Nagpahinga muna akong saglit kaya umupo akong muli sa likod ng kotse at nagulat ako ng lumingon ako sa likod ko dahil nakita ko si Justin Nam na nakatingin sa akin habang nakayuko at titig na titig. Nagulat ako ng husto kaya napasandal ako ng sobra sa kotse kaya tumunog ito ng pagkalakas-lakas.

    Natakot ako kaya napatayo ako at nagulat ako ng hawakan ni Justin ang kamay ko at sinabing sumunod lang daw ako sa kanya,kaya naman nung tumakbo sya ay tumakbo na rin ako at bigla ko na lang na realize na magkahawak na pala kami ng kamay habang tumatakbo tapos biglang sumagi sa isipan ko ang mala k-drama na scene na ito at nasabi ko tuloy sa aking sarili na nangyayari pala talaga ito sa totoong buhay.

     Sa puntong ito ay puro spark lang ang nakikita ko sa tuwing titingin ako sa kanya pero biglang nawala yung spark na yun ng bigla nya akong bitawan ng patulak at ito ang naging dahilan upang mapaupo ako sa kalsada. Akala ko nung una itatayo nya ako o kaya naman ay magso-sorry sya pero hindi nagkamali ako. "Ikaw babae bakit mo ako sinusundan" tanong ni Justin. Tatayo na sana ako para sagutin ang tanong nya pero pagkatayo ko ay bigla na lang akong nahilo at natumba.

Justin POV
 
    Nagulat ako ng biglang natumba yung babae na iyon at sa puntong iyon ay naaligaga ako kasi naman baka isipin ng mga nakakita pinatay ko sya kaya ang ginawa ko ay binuhat ko sya at grabe mukha akong baliw,nagsasalita mag-isa kasi naman habang buhat ko sya ay sinabi ko na "hoy ikaw naman Kristel sinabi ko sayo na wag kang matutulog kapag buhat-buhat kita diba ang tigas naman ng ulo mo." Nang maka-uwi ako sa bahay ay kaagad akong tumungo sa guest room pagkatapos ay tinawagan ko si Kuya Mark.

    Sinabi sakin ni kuya na "okay na naman daw ang lagay na babae na iyun" at nalipasan lang sya ng gutom pati narin napagod kaya ang kaylangan nya lang ay rest. Nang magising na siya ay kaagad kong sinabi na "hoy naku grabe ngayon ko lang nalaman na meron palang sleeping beauty dito" Thank you sa papuri ha" sabi niya." Grabe napaka-ambisyosa mo pala alam mo ba kung anong klase kang sleeping beauty? " "ano?" "E di sleeping ugly monster kasi naman " ugly" kasi ang pangit mo kapag natutulog kumakayat yung laway mo at "monster" kasi halos kinain mo na yung oras biruin mo 4:30 hanggang 7:00 pm di ka manlang nahiya at sinabi rin pala ng kuya kong doctor na nalipasan ka ng gutom pati narin napagod ka kaya naman nire-recommend nya na bigyan kita ng rest pero para sa akin bakit di kaya rest in piece. Sabay ngumisi ako.

     Dahil sa sinabi ko ay napikon sya at tumayo,bumwilo muna sya sabay akmang tumakbo at nang malapit na sya sa akin ay bigla syang nadulas dahil sa nakakalat na damit at ang masama pa ay kumapit sya sa damit ko kaya ang nangyari ay bumagsak kaming pareho. Nagkatinginan kami ng ilang segundo pero nagulat ako ng magsalita sya at sinabing"hoy ikaw Justin Nam kapal ng mukha mong pagsabihan ako ng mga ganun kung ikaw kaya ang ipag-rest in piece ko! ". "Ah excuse me pwede tumayo ka na tignan mo o napunit tuloy yung favorite kong t-shirt ng dahil sayo"sabi ko. Nang tumayo na sya ay kaagad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kwarto ko.

CONTROVERSIAL LOVEWhere stories live. Discover now