Chapter 28

5 1 0
                                    

Crystal POV

     Pagbukas ko nang pinto ay bigla akong nagulat sa aking nakita kasi si Justin pala ang kumakatok. Oo, nagulat ako gulat na gulat pero imbis na ipakita ko kay Justin na nagulat ako ay ipinakita ko na bale wala lang sakin ang pagdating nya at saka ko isinarado ang pinto pero pinigilan nya ito at sinabing....

"Let's talk"

"Umuwi ka na dahil wala naman tayong dapat pag-usapan pa at isa pa lasing ka kaya pa'no tayo mag-uusap ng matino kaya please umalis kana", sambit ko.

   Imbes na umalis sya ay pumasok parin sya ng tila ba walang pakialam at sabay umupo sa sofa.

"Hoy, ikaw Justin pwede ba umuwi kana kasi wala naman tayong kailangang pag-usapan".

"Crystal mahal na mahal kita at alam mo yun pero bakit, bakit mo ko ginanito, bakit mo pinapahirapan ang damdamin ko?"

"Eh bakit ikaw Justin kung mahal mo ako bakit mo ko pinapahirapan ng ganito diba sabi ko sayo kung mahal mo ako kahit na magkita tayo di mo na ako kakausapin at diba ibinilin ko sayo si Yena na alagaan, mahalin, at pasayahin mo sya pero bakit, bakit nagkaganito, bakit parang di mo naman sya inalagaan" sumbat ko kay Justin.

"Mahal kita. Mahal kita as in mahal na mahal at nasasaktan ako kapag pilit mo akong pinapalayo sayo. Minahal ko si Yena tulad ng pagmamahal ko sayo inalagaan, pinahalagahan ko sya tulad ng gustong-gusto kong iparanas sayo. Alam mo ba na hinabol pa kita bago ka umalis at kung hindi pa kami magkasama ni Yena nung time na yun ay siguro wala na. Habang nag-uusap kami ni Yena ay bigla nyang itinanong sakin kung mahal na mahal daw ba kita nung una nag-alangan akong sumagot kasi si Yena yun at alam kong masasaktan sya sa isasagot ko pero nagmatigas sya at sinabing okay lang kung ano man ang sabihin ko kasi batid na naman nya yung isasagot ko".

"Kaya naman sinabi ko sa kanya na Oo, mahal ko sya mahal na mahal. Pagkatapos kong sabihin yun sa kanya ay sinabi nyang magtungo na daw ako sa airport kasi baka din na daw kita makita. Gustong-gusto kitang putahan kaagad pero naisip ko si Yena kasi bakas sa mukha nya ang sobrang kalungkutan pero sinabi nya sakin na sige na at umalis na ako at magtungo sa airport at sinasabi nya yun habang nakangiti. Nang nasa airport na ako ay kaagad kitang hinanap tinawagan ko ang parents mo para itanong kung saang bansa ka pupunta pero sinabi nila na di rin daw nila alam pero patuloy pa rin akong naghanap kasi naniniwala ako na maabutan pa kita pero wala talaga kasi di man lang kita nakita hanggang sa naisip ko na lamang na umuwi".

"Pagka-uwi ko ay may nareceive akong text at galing ito sayo at ang di ko talaga matanggap ang sinabi mo sa pinakadulo ng text mo at iyun ay ang 'sa tagal nating magkasama ay napamahal na ako sayo at alam ko rin na mahal mo rin ako pero di tayo pwede kaya itigil na natin ang lahat at tanggapin nalang natin na hanggang dito na lang talaga tayo kaya naman pinapaubaya na kita kay Yena kaya alagaan at mahalin mo sya, pakiusap. Tandaan mo na mahal kita pero hindi pwedeng maging tayo'.  Alam mo ba kung gaano ako nasaktan dun ha!! Di mo man lang naisip yung mararamdaman ko kapag nabasa ko yun? Di mo man lang binigyan nang chance yung pagmamahalan natin".

CONTROVERSIAL LOVEWhere stories live. Discover now