tnisy 01 : appearance

73 13 0
                                    

They said enemies turn into lovers.

How can it be possible?

Naniniwala ka bang nangyayari ang ganyan sa totoong buhay?

Siguro, Oo.

Kapag ikaw na mismo ang karakter na gumaganap sa mismong istorya ng buhay mo.

(Aira's POV)

"Good morning students." nakangiting bungad ng guro namin matapos makapasok sa silid kaya't tumayo rin kami upang batiin ito.
"Good morning, Ms. Laurente."

Ito ang unang araw ng pasukan, nakakamiss ang ganitong kaganapan sa school after pandemic happened.

Akala ko magiging boring ang buong HS days ko. Mabuti nalang ngayon unti-unti nang bumabalik sa dati.

"How's everyone? sorry nahuli ulit ako today Class, may inayos at inasikaso kasi kami sa bahay na personal together with my family. Generally, there's an emergency."

Habang abala ako sa pakikinig sa kanya biglang may kumalabit sa'kin sa likuran kaya napalingon ako rito.

"Uy, paabot naman ng ballpen ko nasa ilalim ng upuan mo nalaglag."

Ay, wala man lang please ang isang 'to no?

Pambihira disturbo. Pero inabot ko pa rin para wala nang mahabang usapan kahit nagmumukha akong mataray ngayon.

"Thanks, pasensya sa istorbo."
"By the way, I'm Levi, ikaw?"

Napangiti ako sa sinabi niya, akala ko another bully experience na naman maaabutan ko rito. Masyado lang yata akong natrauma.

Calm down Aira, breathe. Gusto lang makipag kaibigan nung tao sayo.

"You're welcome, oo naman." maya-mayang tugon ko. "I'm Aira, tapos ito namang katabi ko, she's Zeke, my childhood best friend." dinawit ko na ang dragon na katabi kong abala sa ginagawa niyang pagsusulat para naman kung pagti tripan ako neto edi may magtatanggol sa'kin.

Nakakaloka 'di ba? pasensya may trauma, "Zeke si Levi, Levi si Zeke."

Tumango ito at lumingon-lingon sa paligid. 

"May ipapakilala rin sana ako kaso sa susunod nalang, pinsan ko."

Akala ko masungit ang mga tao rito kaya natatakot akong makipag-usap. Bukod sa ang galanti tignan napaka sungit ng mga aura.

Kagaya nalang nung isang babaeng nakasalamin na kanina ko pa binabantayan sa gilid. Ang tahimik niya, 'di naman yata nakikinig sa guro namin dahil parang may sariling mundo.

Estudyante rin ba siya? echosera Aira, huwag ka ngang bobo girl. Malamang no, pero bakit kung maka asta naman' to eh parang bisita lang ang feels?

"May pinsan ka? Sino? nandito rin ba? pakilala mo sa'min." singit Zeke na ngayon ay nangungulit.
"Ayun oh, yung nakaupo sa dulo sa may bandang bintana," Turo niya bago magpatuloy sa pagsasalita.
"Kaso baka ayaw, ang sungit sungit din kasi niyan. Ni ayaw pa naman sa madaldal, hindi rin 'yan mahilig makipag kaibigan."

Ay HAHAHAHAHAHA pag minamalas ka nga naman. Sorry my false, pinsan niya pala 'yang si Ms. Mysterious na naka glasses.

"Ah, 'yang naka salamin ba? Siya pinsan mo?"

Nasa "Girls Only Private School" kami.

Bago lang din ako since I was a transferred student, 1st year. Hindi ko na kasi keri ang buhay sa dati kong skwelahan, super distracted dahil halos estudyanteng naroon gulo ang hanap.

Love Behind Close Doors | Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon