tnisy 06 : jealousy

14 10 0
                                    

(Aira's POV)

Habang naglalakad kami pabalik sa building, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa gawi ng dalawa kahit kausap ko naman si Levi at Zeke.

Ang weird, pakiramdam ko naiinis ako dahil siguro hindi ako ang kasama at kausap niya, hindi ko alam kung bakit ah hindi ko maintindihan.

"Oh diba ang daldal ni Pres. Asuncion kapag kasama niya si Dawnwell? wala lang, minsan ko lang kasi mapansin." ani Zeke nakatuon din ang atensyon sa nilalakaran namin dahil nasa harap rin ang dalawa nauna.
"Nga no kasi sobrang mapili 'yan sa kinakausap at ang attitude pa. It's rare to see her acting like that to someone, pwera nalang if that someone she's with is very special and close to her para paglaanan niya ng oras." saad ko nauutal, siguro dahil napansin nito na kanina ko pa tinitignan yung dalawa.
"Hindi ko alam close pala sila? nakakabigla naman pati si Dawnwell ganyan din sa kanya." pag-uusap ng dalawa habang ako nasa gilid lang, nagpupunas ng lutsilyo chos HAHAHAHAHA kidding, pakiramdam ko kasi inaagawan ako ng posisyon.

Bakit ganito yung pakiramdam na parang naiinggit ako? hindi naman ako ganito dati no pero habang tumatagal ewan mas lalong hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito lalo na sa kanya, kay Dawnwell.

Eh kasi everytime when she's with someone else kapag hindi ako ang kasama o kausap niya hindi ako mapalagay. May parte talaga saken na kapag nakikita kong masaya siya sa iba, may kausap siyang iba, ang gulo... hindi ko alam kung bakit nagseselos ako.

Kay Selene pa palagi.

"Hey, pahiram muna po kami kay Dawnwell Pres ha."

Dahil sa halo-halo na ang isip ko dumiretso nalang ako sa loob at kung sino-sino ang nilapitan para kausapin maiwasan lang si Dawn.

Takte ano bang pumasok sa isip ko ba't umiiwas ako sa kanya? Gosh Aira, bahala na nga.

Nakilaro nalang ako sa mga kaklase namin na naroon sa harap pero lihim na pasulyap sulyap naman ako sa gawi kung saan siya nakaupo.

Lumapit kaya ako? sabi ko sa isipan, pero huwag na nga.

"Oh, Truth or Dare?"

I feel something suspicious na naman dito kay Selene.

"si Bautista oh, stuck na naman dyan, tingin na rito."
"Dali na Aira."

Hindi ko malay tinatawag na pala ako. Ayokong mag dare, help! ano nalang pala kapag mag truth din ako? hula ko na kung anong itatanong nila sa'kin.

"D-dare nalang akin, basta ha huwag n'yo masyadong hirapan."
"Ohhhh~ tapang ng VP."
"Dare? final?"

Ang ingay nila dahilan para mapasulyap ulit ako sa dalaga buti nalang abala ito sa paggi gitara niya. Bakit ba masyado akong concern ih mukhang wala naman siyang pakialam sa ginagawa namin.

"Ibulong mo dito sa tape recorder yung pangalan ng taong sa tingin mo ideal maging crush, or something na attractive ganern."
"Psst Alisah ibigay mo sa kanya 'yang tape."
"Eto Aira oh, isa lang ha."
"Walang favor favor dito kami ang masusunod."
"Tch, laro lang naman pagbigyan mo na kasi kami."

Kinindatan lang ako ng mga ito halata sa mukha ang panunudyo. Parang nagsisisi na tuloy akong sumali ako sa kanila.

"Ibubulong lang? ay daya baka pakinggan n'yo."
"Hindi yan, promise."
"Maniwala ka sa trust Aira tayo tayo lang naman dito."
"Kami lang naman ang makikinig, ibalato mo na sa'min parang hindi kaklase to naman."

Sabi ko na nga ba mukhang mapapahamak ako dito e. Pero huy teka nga sino isasagot ko?

"P-paano kapag wala nga?" saad ko, nauutal.
"Malabong wala yan, chos ka sige na!"

Ano ba ba't nila ako pinipilit? Ayokong maisahan lord help.

"Yung sa tingin mo lang naman na ideal e date malay mo same pala tayo."
"Mismo, oh baka naman pwede rin crush mo, kung meron kang crush..."

Ano bang isasagot ko? I mean sino? ayokong sabihin yung totoo baka mapahiya ako ano ba yannnnn. Bahala na nga.

"Osige dahil masyadong matagal, eto nalang sagutin mo."
"Eh? dare yung sa kanya diba?"
"Shhhh. Andito ba siya ngayon sa loob?"

Hindi ko inaasahan ang paglingon ko sa gawi ni Dawnwell, at pagkatapos nun ay ganun narin ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.
Siguro sampung sigundo rin bago ako bumalik sa katinuang pag-iisip.

"Boom, huli."
"Kung nakakatunaw lang talaga ang titig, baka kanina pa tunaw 'yang si Celeste."
"Mukhang alam na namin kung si-

Bago pa man matapos ang laro naputol ang kasiyahan dahil dumating si Selene.

"Sali ako dyan, ano yan? lalaro kayo?"

Makiki epal na naman ba siya? Bakit ba cinacareer niya ang role ng pagiging sapaw?

"Pssst Aira! si Celeste no?"

Bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng banggitin ng mga ito ang pangalan ng dalaga. Sabay na nagtilian ang lahat dahilan para maagaw ang atensyon ng mga naroon sa amin.

Iba kong makatingin si Selene sa akin, naka cross ang dalawang braso.

"Bahala kayo dyan, matutulog nalang a-
"She can't like her, they're just bestfriends... Imposibleng magustuhan din siya ni Dawnwell kung ganoon man, right Bautista?"

Everyone stopped from laughing at naging seryuso ang mga mukha nila matapos marinig ang sinabi ni Selene.

Hindi ko alam kung ano ang nais niya o intensyon para sabihin pa sa lahat iyon at pangunahan akong magbigay ng sagot.

"Uy Bautista balik dito, daya aba. Hoy, pabalikin ninyo ang isang yan ano ba yan."

Yung sinag ng araw tamang tama naman sa mukha ko pag iha harap ko ito sa kanan, paano ako makakatulog kung sa kabila rin andun siya? mukha niya ang pagmamasdan ko tapos issue na naman? ayoko nalang matulog.

Then I saw how Selene approached her again sa hindi kalayuan, na naman? Bakit hindi yata ako aware sa ganap nila gayung sa pagkakaalam ko hindi naman sila nag-uusap last year? They aren't even close. Pero ngayon ang lakas na ng loob lumapit-lapit.

She's starting to act different towards Dawn, halata naman kasi ngayon lang siya biglang naging ganito. I don't know why I feel this worried. Ako na naman naiiwanan ng mga tanong na hindi naman dapat kasi hindi ko naman responsibilidad bigyang ng sagot.

Bakit kasi siya pa? Ayokong manlimos ng atensyon pero grabeng pangungulila ang nangyayari sa damdamin ko gayung kanina ko pa siya hindi malapitan at makausap dahil palagi siyang may lakad. Nakakainis.

Love Behind Close Doors | Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon