tnisy 03 : ferris-wheel

16 12 0
                                    

"Hoy kayong dalawa bakit hindi kayo sumunod agad nag-antay pa kami." bulalas Levi. 
"Eh sa ang bilis niyo maglakad, andito nga tayo para mamasyal diba. Tapos kayong dalawa pa panay bardagulan wala kayong pinipiling lugar nakakahiya uy."
"Itong si Levi kasi shiniship ako dun sa kalbong manong na kumaway sa akin kanina, mukha namang kulangot."
"BWAHAHAHA, HAHAHAHAAHAHAHA, ako yung kinikilig kay manong kanina Insan, Aira. Kumaway ba naman sa kanya tapos kinindatan pa siya."

Hay naku wala yatang makapagpigil sa dalawang to e kaya hinayaan nalang namin. Kasiyahan yata nila ang maasar ang isa't isa.

"Nye nye nye! mukha mo baka ikaw ang trip nun diba magkatabi tayo."
"Correction, ikaw kaya ang naunang lumingon. Malamang ikaw ang bet BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."
"Tama na yan, mamaya na kayo mag asaran, sayang yung oras na pinunta natin dito." 
"May sugar daddy na kaibigan natin guys, araw-araw pwede niya tayong ilibr—

Hala siguro mag sabunutan kayo dyan at hihilahin ko tong si Dawn, kami nalang ang mamasyal maaaliw pa kami.

"Hoy teka tulungan niyo ko dit— Zeke tama na kasi yan nakikiliti ako. Aaaaaa~ Insa— Zeke ano ba HAHAHAHAHAHAHA."
"Yan ang dapat sayo, nakakabwesit ka."

Umupo kami sa gilid ng dagat sakto dito walang gaanong tao, tahimik, komportable at sariwa ang hangin.

Nilagay namin sa gitna ang binili namin kanina pati na rin ang ibang dalang gamit, nagpakuha naman ako ng litrato kay Dawn.

Ang sariwa ng hangin ang ganda pa ng tanawin. Then, I checked my wrist watch.

Time check, It's already 3:12. Ba't ang bilis naman ng oras grabe.

"Mag pinsan talaga kayo ni Levi? magkalapit lang ba bahay n'yo?"

"Oum. magkapatid yung Mom niya at yung Dad ko pero hindi kami magkalapit ng bahay."

"Hmm, pero alam mo kung saan siya nakatira?"

"Minsan pumupunta ako sa kanila, ninang ko kasi yung Mom niya."

"May mga kapatid ka ba?"

"Meron sana kung hindi lang namatay si mama, she was pregnant a year ago, kung hindi lang nangyari ang aksidente."

"Ow sorry my bad, hindi ko alam. Pasensya ka na sa pagbanggit."

I didn't know wala na pala Mom niya kasi hindi naman namin napag-uusapan yung tungkol sa mga pamilya namin, ngayon lang kung hindi ako nagtanong.

Kaya ba ganoon siya umasta sa lahat? My God, hindi ko talaga alam na may pinagdadaaan pala siya sa mga araw na yun. Tuloy hindi yata tamang timing pagkilala ko sa kanya.

"It's fine, I'm not that affected naman na dahil unti-unti ko na ring sinasanay sarili ko na wala na talaga siya."

"Let's change the topic nalang."

Bunganga ko minsan walang preno but it was not really my intention mang-ungkat ng hinanakit ng ibang tao, it was a bit unexpected on my side too and I don't really have an idea either.

Ang awkward na tuloy ulit magtanong ulit ganito siguro kapag kakasimula palang namin para kilalanin ang isa't isa kaya marami kaming hindi talaga alam na mga bagay.

Love Behind Close Doors | Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon