tnisy 17 : jealousy

3 1 0
                                    

"Hoy Levine nakikinig ka ba sa'kin?!"

Bumalik lang ako sa reyalidad nang tapikin ni Zeke ang pisnge ko. Hindi ko malay nagkukwento pala siya.

Kung saan-saan na napunta ang isip ko.

"Ano ulit?"

Wala akong sa huwisyo para pagtuunan nang pansin ang babaeng nasa tabi ko.

"Ayan, ano ba kasing iniisip mo dyan at nagawa mong ipagpalit ako na andito?" pagrereklamo niya, at inirapan ako. "Para tuloy akong tanga dito nagsasalita kinakausap ang hangin, wala naman palang nakikinig sa'kin."

Tumayo siya dala ang mga gamit at naglakad ng walang lingon likod.

"Ezekeil, teka naman. Sorry na no." tawag ko at sinundan naman ito.

Ang hirap pa namang manuyo ngayon, hays.

"Sandali nga lang sabi, sorry na,  may biglaan lang na sumagi sa isip ko kaya nawala ako sa usapan natin." pagpapaliwanag ko nang huminto ito at humarap sa akin.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Drama mo. Okay na, sabi mo eh."
"Hindi ka galit?" pangungulit ko at kinuha ang ilang gamit na karga niya.

Tumango lang siya bago isubo ang pagkaing binili namin kanina.

Katakawan talaga ng babaeng 'to hirap awatin.

"Gumagabi na, saan ba nagso-soot yung dalawang yu—
"Ze! Lev!"

Speaking of... here they are.

"Uwing-uwi na ako insan, itong si Zeke kas—
"Oh ano? ano? Ikaw nga 'tong lutang kanina at ang layo ng iniisip eh. Para tuloy akong baliw nagsasalita ng walang kausap tss."

(FF)

Kinabukasan...

(Aira's POV)

Nagtungo kaming lahat sa bahay nina Selene, napag-usapan kasi na dito kami magpapalipas hanggang gabi para matapos agad ang mga gagawin.

At least 1 day, we challege ourselves to make it and yes, dito rin lahat matutulog kumbaga parang sleep-over na rin with all the members in our Group.

"Let's divide the Group into 2 members with different tasks, ako na ang magbibigay para naman hindi na tayo masyadong abutin ng gabi. Me, together with my partner Dawnwell will give your assignments understood?"

Ay beh sino na partner ko ngayong inangkin niya na ang dapat na sa akin?

But it's okay, matino rin naman 'tong si Ced.

Pero hindi talaga okay, ako dapat partner niya eh.

"Uy Aira! palit tayo partner huhu mabubogbog na naman ako dito, help me." pagrereklamo Levi, si Ze na naman kasi ang pinair-up sa kanya.

Ako nga, si ano dapat, pero 'di bali nalang give chance to others.

Charot, ano bang pinagsasasabi ko? Kainaman ka Aira.

Hindi kasi ako makapag focus ano ba yan, I can't help but to watch them together from a far. Tumatawa pa.

Happy yarn? happy sila together.

Love Behind Close Doors | Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon