tnisy 07 : admirer

14 9 0
                                    

(Levine's POV)

"Tara pasyal! total naipasa naman na natin yung project," ani Levi. "G kayo?"
"Eh? pagod ako, ngayon ba agad?" tugon naman Aira inaayos ang butonis ng damit niya.
"Ano ba Aira lumalabas na naman pagiging KJ mo," wika Ezekiel, "Walang magpapaiwan, dapat lahat sasama."
"Tse. totoo wala kayong magagawa kung magpahinga ako no," pagpapaliwanag ng dalaga, humihikab. "Pagod ako ngayong araw, seryuso yan."

Oh kita, walang hiya. Minsan lang nag aaya eh para namang others.

"Aira, Aira! hinahanap ka ni—" tawag ng isang babae naroon, kaklase namin.
"Bautista may naghahanap sayo raw dun sa baba." pagpapatuloy ng dalaga at agad na tumakbo pabalik. "Hehe.."
"Sino raw ba? wala naman akong bisitang inaasahang dumating."

Payapa kaming umuupo dito tas patatayuin ulit? Aba-aba ha.

"Lagot baka Shopee."
"Girl ang pogi, yung taga-senior."
"Senior Citizen?" saad ko at ako lang rin ang tumawa sa kacornyhan kong taglay habang sila naroon lang, walang pake. "Sabi ko nga, sorry sa kabobohan." pag uulit ko. napahiya yata ako dun ah, pero nice try self I appreciate you.

Bakit may nagtitilian dun? sino ba kasi yan, teka matignan nga.

Tumayo kami para lumabas ito namang si insan hindi na mahiwalay sa kanya yung gitara niya't hanggang sa makababa kami ay dala-dala pa rin.

Ebarg.

"Nasaan? wala namang tao dito."
"Malamang andun nga sa baba diba? bingi lang?"

Prank na naman ba 'to? kung oo, masasakal ko talaga yung Tarsier na yun. Tahimik naman yung lobby ah, minumulto ba kami?

"Wala naman yatang tao sa baba beh, baka umalis tagal mo kasi lumabas." ani Zeke.
"Pranksterist yata' yung Devi na yun."
"Nahihiya siguro teka sino ba kasi ya-

Napanganga ako sa mukhang bumungad sa amin ng makababa, gulat parehas.

It's Joshua, hindi Garcia okay? hindi rin yung Joshua na member ng Seventeen. second name lang Joshua niya but everyone knows him as Jade. He's famous oo dahil member siya ng sikat na dance group dito sa Campus namin.

"H-hi Nish?"

Ay pak? sanaol may pa flowers pero teka bakit may pa bulaklak? hindi rin naman Valentine's Day.

So anong palabas 'to at bakit wala akong alam? Dinudumog tuloy itong building namin.

"Sa pagkakaalam ko hindi pa naman Valentine's Day, ah ehh, hehe anong meron Jade?"

He is Jade Joshua, Senior heartthrob ng DSL. Hindi Senior Citizen ha, huwag kayo gumaya sa aking kalokohan jokejoke lang po yan lahat.

"Nothing, just wanna give that to her today." pag eenglish ng lalaki at tipid na ngumiti, halatang nahihiya. "Can I invite you for Lunch? with me?"

Ah nothing? sanaolllll, how about me naman? Like helloooo~ I'm here too, bulag lang siguro silang lahat. Teh may pa bulaklak at libreng kain pa, saan ka pa.

"P-para sa'kin? bakit? anong meron? Is there something to celebrate today?"
"Oh, wala naman. Yeah, it's for you. Nasa mood lang kasi akong bigyan ang babaeng nagugustuhan ko."

Taray ni ate may pa utal utal, hiya yarn? Ano meron sa kanilang dalawa bakit may ganitong ganapan ngayon? grabe sila manggulat ah. Dinumog tuloy yung buong hagdanan ng mga Juniors na supporters ng lalaki. Malamang sikat, heartthrob nga diba? chos, kalmado pa naman ako dyan. Joke lang yan, epekto lang yata ng pagka-inggit.

Pero hindi lang sa "pogi" siya kaya siya tinawag na heartthrob, model pa bukod sa dancer. Sanaol sikat diba. Total package.
Haba naman ng hair ng bestfriend namin, kung ako yan baka sinagot ko na kahit hindi pa ako nililigawan kami na agad.

Chos, eme lang. ANG BABAE AY PARA SA BABAE.

"Thankyou, na appreciate ko. B-but I don't like flowers Jade. May allergy pa ako sa ganitong klase na bulaklak, I'm really really sorry."

Yun lang at dahil sa kilig na hawa saken ng ibang relasyon limot kung may allergy pala siya dun.

"Oh, really? I did not know. But hey, can you just keep it for me kahit itago mo nalang? rememberance, kahit hindi na ako yung ikeep mo."

"Ahhhh~"

Ay nadulas ba siya dun? kasi kung oo, nakakahurt naman. Sagad hanggang Meninges at Epidural hanggang Subdural.

Charot, hindi mo alam ano yan no? hehehehe same, search mo nalang sa Google.

"I-I can't accept it too lagot ako kay Dad pagkauwi. Bawal pa kasi talaga sa'kin ang magpaligaw, pasensya ka na talaga ha."

Ow? rejection? bakit natutuwa ako kapag may nakikita akong narereject?

Huwag lang naman sana sakin mangyari no, saksakin ko sa tagiliran gumawa. Panay daldal pa ako dito wala na pala si insan sa likod ko, saan naman yun nagpunta? nawawala na naman ang ferson.

Tinanong ko si Zeke, hindi niya rin napansin kung saan ito nagpunta. Aalis na nga lang hindi pa magawang magpaalam, omg ka Dawnwell.

"I can wait, don't be sorry and besides, it was really for you depende na sayo kung itatapon mo ba o ibibigay sa iba."
"A-akin nalang, may allergies daw siya e. Hehe, pwede?" singit ko, bahala kayo dyan pakapalan nalang ng mukha. "Akin na Aira, salamat dito Josh ha? hmmp! bangoooo."

Tingin tingin pa sila saken, inggit lang? ba't di sila pumikit chos. Supportive pala fans niya, tingin palang patay ka na. Ganyan sila ka supportive tamo bagay na bagay sa tawag sa kanila "supporters".

Umakyat na kami, bakas naman sa mukha ni Aira na stress siya. Pero nung banggitin ko si Dawnwell, nabuhayan.

"Si insan nawala kanina sa likod ko, di ko na napansin saan nagpunta hindi naman kasi nagpaalam."
"Ha? saan naman yun nagpunta."

Yung nagtatanong ka tapos tanong rin ibabalik sayo? ay wow tara mag tanungan nalang ng walang katapusan hanggang mamatay, nakakaloka.

"Ba't naman siya aalis?"
"Agoy baka na cornyhan sa banat."
"Corny ba yun? ang rare nga sa guy na ganon sa girl nowadays eh. Imagine, isang Jade na sikat, mayaman, talented at pogi pa, sinuyo at personal na niligawan ang isang Nishaira Bautista..."

Ay ano bang pinaglalaban nito at nag eexplain pa, mukha ba akong walang alam dun sa lalaki?

"Oo na Ezekeil, dami mong alam," wika ko, dala panunudyo."Baka ikaw may gusto ah? hindi ka lang nagsasabi kay Aira." dagdag ko at nakatanggap ng isang malakas na palo sa braso.
"Uy si Dawn ngaaaaa, nasaan? "
"Aish nasa music room lang yun dala nun gitara niya baka nag rehearse, tara check natin."

Sa sobrang daldal nakalimutan pa naming kulang pala kami, nakakaloka.

Love Behind Close Doors | Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon