tnisy 09 : annoyed

9 9 0
                                    

(Dawnwell's POV)

Naglalakad kami ng bigla kong mapansin si Aira, lihim na sumusulyap sa'kin.

"Insan saglit, may dumi ba ako sa mukha?" lapit ko kay Levi, ngunit nagtakang umiling lang ito.

Nahuhuli ko siya sa bawat akto dahil kita naman sa gilid ng mata ko. Panay sulyap sa malayo hindi naman ako pinapansin, nakakapagtaka.

Anong ganap?

"Dawn hindi mo naman sinabing marunong ka pala tumugtog ng piano." wika Zeke na ngayon ay katabi ko na at pinulupot ang isang kamay sa braso ko. "Ahh oo, hindi ko lang nabanggit. Bakit?" tugon ko pero hindi na nag-abala pang tumingin sa dalaga.

Nagsilabasan na ang mga estudyante sa silid na narito sa gusali kong nasaan kami ngayon para lumipat sa iba dahil tapos na ang unang Subject sa hapon. Nabigla naman ako kasi nagsalita ulit si Zeke at lumingon ito kay Aira.

Akala ko kung ano, yun lang, kasalubong pala namin yung lalaki na pumunta kanina sa classroom para dalhan si Aira ng bulaklak. Ewan ha, bakit nayayabangan ako sa tindig ng lalaking 'to. At kung man gusto rin siya ni Aira o siya ang may gusto kay Aira hindi siya pasado sa'kin.


Eto ba yung sikat na sinasabi nila sa Campus? eh ang baduy naman ng pormahan. Ang pangit manamit, yung buhok idagdag mo pa na parang lampaso.

"Hi Aira, napadaan kayo sa building namin miss mo'ko agad?"

Ay ang kapal, pigilan n'yo ko mababatukan ko 'tong unggoy na'to.

"H-hindi. We just passed by Jade, hinahanap kasi namin si Dawnwell at galing kami doon sa dulo ng building sa music room." tugon Aira at napatingin sa gawi ko. She looks uncomfortable sa akbay nito sa kanya.

"Dawnwell? Ow..." saad ng lalaki at biglaang tumawa ng ibaling ang tingin sa gawi ko. Hakbang papalit. "Ikaw pala si Dawnwell?"

Huwag lang akong ma angas angasan nitong tukmol na 'to at makakatanggap talaga siya ng malalang sapak sa mukha.

"A-ahh oo Jade, pinsan siya ni Levi." singit Zeke kaya napatingin ito sa kanya.

"I know, nice to meet you in person Miss Dawnwell. I'm Joshua, p'wede namang Jade na rin." pagpapakilala, sabay abot kamay sa akin bago magpatuloy sa pagsasalita. "Ikaw yung palaging binabanggit ni Aira sa tuwing magkausap kami sa chat, I feel relieved, I thought lalaki ka..." tipid na natawa ito ng ibaling ulit sakin ang atensyon.

Mukha bang may nakakatawa? Ang init-init ng building na kinatatayuan niya dumadagdag pa ang hitsura niya.

"Nagdududa ako kasi sa mga kwento niya, ikaw palagi bukambibig eh knowing that I don't know you. Buti babae ka, akala ko kasi lalaki nagselos pa naman ako." pagpapatuloy niya at tinapik ako sa balikat.

Feeling close kung makaasta.

Naiinis talaga ako sa pagmumukha nito, palayasin niyo 'to sa harapan ko aba.

"Sayang naman kung hindi tayo magiging kaibigan, sayang kung hindi mo ako maging kaibigan." pagyayabang niya, ayaw pa rin umalis sa dinadaanan namin. "Baka wala lang sa mood Jade, huwag mo nalang sigurong pilitin boy."

Love Behind Close Doors | Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon