tnisy 11 : doubt

9 8 0
                                    

(Zeke's POV)

"Uy Levine, tingnan mo itong dalawa oh."
"Ano ba kasi yan kitang may ginagawa ako eh."
"Ba't hindi mo nalang kasi lingunin muna."
"Oo na! kulit ha, saan? ano ba mer-

Ba't parang habang tumatagal may napapansin ako sa dalawang 'to? I mean, evrytime they were together seems like there's something between them, kung ikaw ako maybe you can sense too.

Kasi iba eh, assumera ako oo.

You know what I mean naman siguro. Napapansin ko palagi ewan ba, their actions towards each other lalo na kapag usapang silang dalawa lang ang magkasama. I can say that there's really something special happening between these two. Hindi naman ako basta assumera lang no, like hello? actions speaks louder than words. The stare, the way they talk to each other, the little concerns, you can see it through their bond.

Lalo na sa parte ni Dawnwell. Nag-aalala rin naman kami pero ang sa kanya? iba eh, pati ako dama ko na hindi bilang kaibigan lang. Ibang level beh.

"Anong meron? nag uusap lang naman sila ah, inabala mo pa talaga ako." pagdudugtong nito sa naputol na sinabi.
"Eh? wala ka bang napapansin? don't you dare diagree Levirous, napaka slow mong tao! bahala ka nga dyan."

Aish, akala ko gets niya rin yung punto ko bes pero hindi e. Hindi naman sa pagiging maiisue lang, malay mo kasi di ba?

kay Dawn man or Aira.

Hindi pa ako nagkamali at sumabit sa hinala, I know isa sa kanila ang nagpapanggap lang habang tumatagal.

They can't hide it forever to us, lalo na sa akin. May special feeling talags ang isa in between them pero hindi pa umaamin o baka takot lang. 

Hindi naman siguro si Aira, kilala ko yan sa tagal ba naman namin magkakilala.

What if si Dawn talaga? kasi napapansin ko rin yung trato niya talaga sa bff ko. I can't tell na si Aira kasi alam ko naman na hindi pa napatol sa babae tsaka base on her religion pa.

Dawnwell's actions give me a lot of confusion nowadays. It bothers the hell out of me to the point that the only answer I can easily tell is that she felt something for Aira.

"Alam mo umiiral na naman 'yang pagiging delulu mo. They're just friends, nothing else is more than that. Just friends, okay?" paglilinaw nito ulit.
"Heh, you can't convince me. Ba't ba napaka kontrabida mo na naman sa opinyon ko?" pagpipilit ko at ikrinoss ang dalawang paa.
"Kapal neto lord. O sige, pero kapag nalaman nilang dalawa na pinag-iisipin mo sila ng ganyan aba ikaw ang malalagot at hindi ako kasama dyan. Idadamay mo pa ako sa trip mo, juskong babae." tugon niya bago ako tinalikuran.
"Look how nega, walang sekretong mabubunyag kung hindi mo ipagsasasabi!" pagmamatigas ko at inirapan ito.

(Computer Lab)

(Levi's POV)



"Anong ginagawa pa natin dito insan? ba't nagpaiwan tayo? may hindi ka ba naiintindihan kanina sa discussion ni Sir?" nagtatakang tanong ko.
"Just a minute, samahan mo muna ako p'wede? saglit lang 'to promise." aniya, nakatuon ang atensyon sa monitor.

Napapaisip ako, no secrets kami ni insan so paano ngayon 'to? should I tell her about what Zeke told me a while ago? paano kung tama talaga si Zeke? paano rin naman kung sasabihin ko tapos mali?

Huwag nalang baka magalit pa siya sa'min lalo na yung isa sa'kin kapag pinagsabi ko.

Secret lang yun ninyo ni Zeke Levine, just keep it. sabi ko sa isipan at ibinaling nalang ang atensyon sa ginagawa nito.

"Ahhhhayyy, inaantok na ako insan di ka pa ba tapos?"
"Konti nalang matatapos na, gusto mo mauna ka na? p'wede naman kung nagmamadali ka kaya ko naman mag-isa."
"Lah, hindi na. Sabay din naman tayong uuwi kaya ba't kita iiwan? tapusin mo nalang 'yan may 30 minutes pa naman bago uwian."

Ang seryuso niya naman, ano ba kasi 'tong ginagawa niya at parang hindi naman yata connected sa subject namin? tinatamad akong ilapit masyado pagmumukha ko para tingnan sana pero bukod doon, masakit din talaga sa mata.

Umidlip nalang ako, wala naman akong maitutulong.

(Maya-maya)

"Insan, insan? gising na tapos na ako, uwi na tayo." saad nito habang tinatapik ako sa braso.  "Tara na, pasensya ka na ah? mukhang ang himbing pa naman sana ng tulog mo." wika nito ulit animo'y parang ang bait ng tono.

Himala, biglang naging soft spoken.

"Insan?"
"Hmm?"
"Nilalagnat ka ba? bakit yata ang bait mo sa'kin ngayon, teka nga—
"Ano ba, hindi, wala, bakit anong meron dun?"

Natawa nalang ako sa agad na reaksyon ng mukha niya ng mapalitan ito, ang bilis niyang maasar.

"Nga pala nag text sa'kin kanina si Zeke hindi raw ba tayo sasabay sa kanila umuwi kaya hindi ko muna nireplyan." wika ko pagkatapos kunin ang mga librong nasa mesa.
"Tara na nga, kaya nga binilisan ko na matapos agad e para makasabay tayo sa kanila. Replyan mo na baka mamaya umuwi na mga yun at iniwan na tayo."

Nang makalabas kami sa Computer Lab, halata namang ako lang ang nagdadaldal sa aming dalawa. Paano kasi kapag siya ang kasama ko ang tahimik, buti nalang madaldal ako edi balance kami.

Ang lala ng katahimikan kaya ng hindi ko natiis ay naisipan kong magtanong sa kanya. Tingnan ko lang kung totoo nga ba yung sinasabi ni Zeke kanina sakin, bahala ka Zeke.

"Nga pala insan, ano ba sa tingin mo..."
"Hmm? ang alin?"
"Bagay ba si Aira tsaka yung Jade?"

Titig palang napalunok na ako mukhang mapapasubok ako ngayon ah pero bahala na nga hindi niya naman siguro bibigyan yun ng malisya, nagtatanong lang din ako.

"Sa lahat ba naman ng tanong bakit 'yan pa sumagi sa isip mo? manghuhula ka ba ng iniisip ng iba?"

Kita sa mukha nito ang agad na pagbabago, pero wala, hangga't wala pa akong nakukuhang sagot itutuloy ko 'to.

"Syempre, kasi 'di ba kaibigan tayo ni Aira? natanong ko naman na si Zeke about dyan kaya ikaw naman ngayon." pangungulit ko at nagpeke ng tawa.
"Hindi, realtalk lang. Hindi naman sila bagay. I mean, siya para kay Aira? It's a big NO for me." sagot niya kasabay niyon ang higpit na paghawak sa strap ng bag niya.

Naka capslock pa yata ang no niya, confirmed.

"Hmm 'yan rin nga opinyon namin e pare-parehas lang naman pala tayong ayaw dun sa lalaking yun."
"Eh? I thought it was just me thinking that way. Malay ko ba na hindi rin pala kayo boto."
"Of course not insan, pati nga si Zeke nakikipag plastikan lang sa lalaki na yun kasi paanong hindi? panay libre sa tuwing nag-aaya siya kay Aira edi damay kami. Like haler, we don't like him naman talaga para kay Aira." pagpapaliwanag ko habang naglalakad kasunod niya.

Bigla nalang akong napatigil sa paglalakad ng may mapansin. Kasama nung dalawa sa baba, magkatabi pa sa upuan.

Nako po, speaking of the devil...

"Oy ayan na pala sila ba't ang tagal niyo? kanina pa kami naghihintay dito." ani Zeke ngunit natigil ito ng magkasalubong ang tingin namin.

"Ah eh... haha ang boring kanina pa kami naghihintay sa inyo. Ang daldal na nitong dalawa kanina pa." pagpapatulog niya, nauutal.

Napa tingin naman ako sa gawi ngayon kung saan nakatayo si insan, she looked pissed of what she just witnessed right now.

Ako yung napapalunok sa kaba, help.

Pakiramdam ko ako ang trouble kahit hindi naman sana.

Love Behind Close Doors | Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon