tnisy 10 : hug

13 9 0
                                    

(Kinaumagahan)

Canteen

"Nasa mood ako ngayon magbasa ayaw n'yo tumambay sa Library?" ani Levi ng makarating sa upuan niya.
"May quiz pa tayo mamaya Levirous, wala na tayong oras para dyan 'no. At tsaka kausapin mo yung dalawa kung papayag sila, G naman ako palagi sa trip mo." sagot Zeke habang nginunguya ang pagkain niya.
"Hindi ka pa tapos dyan sa kinakain mo? pang ilang manok mo na ba yan Ezekeil?"
"Lah! grabe ka naman sa pang-ilan pangalawa pa nga lang 'to." pagrereklamo ng dalaga.

Abala akong inaayos ang tono ng gitara ko dahil may inaaral akong bagong kanta. Nagtatalo na naman yung dalawa sa harap ko, walang araw talagang hindi sila ganito.

Literal na masasanay ka nalang kapag ikaw ang nasa posisyon ko.

"Aira library tayo? saglit lang, tingin tingin lang tayo ng bagong libro."
"Sure, tamang tama may isasauli rin ako."
"Insaaaaaaan."
"Oo na, ako naririndi sa boses mo. Hindi bagay sayo maglambing."

(F.F)

"Nasa mood ako mag Mathematics ngayon."
"Ay wow himala, inspired nino?"
"Lola mo."
"Kapag yun minulto ka, sige. Matagal nang deads lola ko."

Nakakuha na ako ng libro, isa lang. Wala naman ako sa kondisyon ngayon magbasa dahil abala ako sa pag-aaral ng musika.

"Tapos na kayo? tara na balik tayo kanina pa tayo pa ikot-ikot dito."
"Oo nga, mag aaral pa tayo oy! tama na muna 'yang pagtatalo ninyong dalawa."

(Classroom)
After the Quiz

"Asuncion, Bautista and Celeste got 40."

Napahawak ako sa dibdib sa sobrang kaba, hindi ako nag aral pero buti nalang essay halos yung laman ng Quiz kanina.

I still got the perfect score.

"Monteverde, 39. Santiago 35."

O, partida sa dalawa nag aral pa 'yan at hindi na perfect score. Tumingin ako kay Aira, ang puro ng ngiti niya ng marinig na perfect score na naman siya sa Quiz.

Sanaol kasi diba matalino.

"Ay bakit 35 lang sayo Levine? ayan kung sino-sinong babae na naman siguro pumapasok sa isip mo habang nagsasagot tayo kanina 'no?"

Hindi ko alam kong joke ba yun o sadya eh. Hindi talaga maubusan ng iriribat 'tong si Zeke. Tipong matatawa ka nalang talaga sa sasabihin niya kahit wala naman talagang nakakatawa.

"Grabe ka naman sa kung sino-sinong babae, hindi ba pwedeng distracted lang sa pagmumukha mo."
"Ay ganon sumasagot? ang ganda naman ng problema mo."
"Saan naman banda? Kakapalan mo walang kupas."
"At least isa lang mali ko, samantalang sayo lima, bleh!"

At nagtatalo na naman sila, bulong ko sa sarili at niligpit nalang ang mga gamit na nagkalat sa lamesa ko.

"Saan tayo maglu-lunch?" tanong ko sa mga ito ng makatayo.
"Sa Canteen nalang ulit tamad ako ngayon maglakad-lakad." tamlay na tugon ni Levi.
"Tamad kasi 5 mistakes sa Quiz kanina, eme mo." pang aasar ulit ni Zeke kay Levi habang tumatawa ito.

Love Behind Close Doors | Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon