tnisy 16 : unsaid words

2 3 0
                                    

"So tell me or call me kung aaligid-aligid na naman siya sayo." paglilinaw ko, para mas maintindihan niya.

Tumango naman ito bilang tugon. I saw how her smile curved after that, hays I feel relieved.

"So..."
"So?"

Pareho kaming natawa. God, parang kanina lang grabe yung pag-aalala ko sa babaeng 'to.

"Labas tayo after Class, my treat naman para makabawi ako."

Ramdam ko pa ang kirot ng sugat sa gilid ng labi ko. Gagong lalaki, nadaplisan pa ng mga kamao niya ang maganda at pogi kung mukha.

"Sige na nga."

(Maya-maya)

"Pres, salamat pala kanina ah."
"Asus, wala 'yon. Ikaw hoy, may pasa ka pa."
"Wala 'to, nagamot naman na kanina."

Pansin ko ang agad na pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya, na para bang nagtatanong ito pero hindi ko mawari kung ano iyon.

"You like her ano?" aniya sabay kaunting hampas sa braso ko, nangiti-ngiti bagamat alam ko na kung sino ang tinutukoy.

(Uwian)

"Oh insan lagot ka sa hitsura mo pag-uwi mo." panimula Levi habang palabas kami ng silid.

"Paano ka haharap kay Tito sa ganyan?" nag-aalalang tono Levine. "Kung sa amin ka muna kaya makitulog? ako bahala magpaalam para sayo." pagpapatuloy nito.

Seryuso siya masyado ngayon, halatang bakas sa hitsura niya ang purong pag-aalala sa'kin.

"Oo nga eh paano pa? ayoko namang humarap sa kanila na ganito dahil paniguradong mapupuno ako ng tanong sa tinamo ko. You know Dad, baka sumugod pa sa school kapag nalaman niya ang nangyari. I don't want him to be worry, he's too busy for that." tugon ko naman, nag-aalinlangan pa rin sa gagawin.

Tumungo kami sa Library para sunduin yung dalawa, andoon kasi sila ngayon para maghanap ng librong gagamitin namin na maaaring makatulong sa asignaturang gagawin namin ngayong Linggo.

"Ano ka ba! walang problema kay mama basta ikaw, we got you insan."

Talaga lang kasi ayokong sumabit kay Dad.

Nang makapasok ay naglibot muna kami saglit habang abala pa sila sa paghahanap, malawak nga kasi talaga dito.

I saw a book, the Title was very captivating. Among all the books here, this one get my attention.

'An Autumn Tale'

Binuklat ko ito't binasa ang panimula kasi I was curious.

"When can you tell if you're already in love with someone?"

"Do you believe in love at first sight?"

"Is it possible to fall in love with the person you've just met for a while?"

Napaisip tuloy ako, ito na ba yun? Is this the sign I am waiting for?

Ewan pero nangiti ako. Dama ko ang bawat linyang nakasulat dito.

(F.F)

"Insan, paano ba umamin?"

Gulat itong humarap at ibinaling ang atensyon sa'kin dahil sa binitawan kong tanong.

"Ha?"

Isinantabi nito ang libro kanina lang ay hawak.

"Bingi o nagbibingi-bingihan?"
"Shunga, hindi ko masasagot 'yan..."

Love Behind Close Doors | Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon