FIVE

665 32 16
                                    

(Ken's POV)

Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagkatok sa pintuan,dito ako natulog sa bahay dahil anong oras na natapos ang party,agad akong bumangon para tingnan kung sino ang kumakatok,nang makita kong si daniel at ryan iyon ay isasara ko sana ulit ang pinto pero malakas nila iyong tinulak kaya wala na akong nagawa.

tsk!anong bang ginagawa nyo dito ha?!ang aga aga bibw*sitin nyo nanaman akong dalawa!

anong maaga?g*go 4pm na kaya.

agad kong tiningnan ang orasan,tsk!hapon na pala?kaya naman pala nagugutom na ako.

nga pala kaya kami nandito dahil inutusan kami ni tito na gisingin ka na dahil nasa bahay nyo na daw ang fiancee mo.

napatiim bagang naman ako ng sabihin iyon ni ryan,bakit ba nawala sa isip ko na makakasama ko na sa iisang bahay ang babaeng yon,tsk!

pilit kong pinabababa si ryan at daniel pero ang kulit nila kaya naligo nalang ako at nagbihis na,simpleng hoodie at jogging pants nalang ang isinuot ko dahil uuwi lang din naman ako.

sabay sabay na kaming bumabang tatlo,kumain na muna ako bago ako umalis,nagpaalam nadin yung dalawa sakin,akala ko ay hanggang sa bahay namin ng gab na yon ay manggugulo pa sila e,tsk!

nagmaneho na ako papunta sa bahay na address na tinext sakin ni dad,penthouse daw iyon na hindi ko alam kung anong itsura,nung nagpaplano kasi sila tungkol doon kasama ang magulang ni gab ay wala naman akong pakialam kaya wala akong kaalam alam kung anong klaseng penthouse yon,tsk!

mga nasa 1hour ang naging biyahe ko,nang makarating ako ay agad akong pinapasok dahil siguro sinabi na nila dad,sumakay na ako agad sa elevator,pagbukas non ay nakatayo na don si dad at sinalubong pa ako,tsk!hindi ko alam na nandito din pala sila,kainis gusto kong magpahinga.

anak,buti dumating ka na,sakto mukhang malapit na matapos si gab sa pagluluto,grabe ang swerte mo dahil may magluluto na ngayon para sayo.

tsk!kaya ko din naman magluto dad.

hay,wag ka na nga kumontra anak,mabait naman si gab e,alam ko yon,hindi naman ako papayag na siya ang mapapangasawa mo kung hindi diba?

bumuntong hininga nalang ako at hindi nalang umimik pa,hindi naman ako mananalo kay dad.

pagpasok ay nilibot ko agad ang paningin ko,hindi sobrang laki kaya nakaramdam na ako ng inis,sa tingin ko ay kalahati lang 'to ng bahay ko,at alam kong sinadya nila yon para samin ni gab,tsk!

may mga gamit na doon,kumpleto na pero walang kaayos ayos,isang maid lang ang nandoon,at isang body guard,malamang ay kay gab ang isang yon.

nakatingin sakin silang lahat kaya agad na akong lumapit doon.

good evening po tito,tita.

hinalikan ko pa ang mama ni gab sa pisnge,tinapik naman ako ng papa nya sa balikat kaya tumango lang ako.

upo na kayo,tapos na magluto si gab.

naupo na ako kahit na ayoko pa naman talaga kumain,nakayuko lang ako habang nagpophone,wala naman talaga akong ginagawa don,ayoko lang talaga ng kausap.

wow!mukhang masarap 'to hija,anak?batiin mo naman ang fiancee mo.

napakamot ako sa noo at tsaka nag angat ng tingin,nakatingin siya sakin habang nakasimangot kaya nairita nanaman ako sa pagmumukha nya.

tumayo ako at tsaka lumapit sakanya,nakita kong takang taka siya habang nakatingin sakin ng masama,hinawakan ko siya sa waist at tsaka hinalikan ko siya sa pisnge at tsaka bumulong sakanya,dahil maliit siya ay nakayuko pa ako para lang magpantay ang mukha namin.

Unang BesesWhere stories live. Discover now