FORTY FOUR

241 30 25
                                    

(Josh's POV)

Inaayos ko na ang mga gamit ko,its 2am na,sobrang pagod ako dahil simula kahapon ay wala pa akong tulog,puro kape na ang nadaloy sa ugat ko dahil wala akong ginawa kundi uminom magdamag para hindi lang tamaan ng antok.

isang linggo ng wala si cassandra dito sa pilipinas kaya malaya ako,sa isang linggo pa ang balik nya ulit dito.

naglalakad na ako papunta sa parking nang biglang may humampas sa kaliwang binti ko na ikinadapa ko sa sahig.

hindi ako makatayo dahil ang sakit sakit non,nakita ko nalang ang sapatos ng isang lalaki na palakad lakad sa harapan ko na parang pinapaikutan ako.

hahaha,lampa naman pala ang doktor na suson,tsk!

nang marinig ko ang sinabi nya ay pinilit kong makatayo,nilingon ko ang lalaki,tagong tago ang buong mukha nito kaya walang makita na kahit na ano sa itsura nya.

hahaha,wala pa akong ginagawa sayo bakit mukhang takot na takot ka na?

tsk!at ikaw?sa tingin mo ba matapang ka dahil sa ginawa mo sakin?tumira ka habang nakatalikod ako dahil alam mong talo kita!

ah ganun?!

ilang beses nya akong pinagsusuntok gamit ang isang matigas na bagay na alam kong asero,napahiga ako sa sahig dahil wala siyang tigil sa pagsuntok sakin,lasang lasa ko na sa bibig ko ang kalawang.

f*ck!

mura ko at tsaka agad na tinadyakan ang lalaki sa tiyan kaya tumalsik iyon,naupo ako at ilang beses na napaubo,nagtalsikan ang mga dugo sa bibig ko,hindi ko maimulat ng maayos ang mga mata ko dahil sa pamamaga nito.

sino ka?!anong ginawa ko sayo?!

hahaha,hindi mo ako kilala,pero ikaw kilala ko!

pagkasabi nya non ay hinampas nya ulit ang kaliwang binti ko ng tubo na ikinadaing ko,pagkatapos ay sa batok nya naman inihampas sakin iyon,mabilis siyang tumakbo,hindi ko na siya naintindi dahil nanlabo na ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.







Nagising ako dahil sa pagkirot na nararamdaman ko sa iba't ibang parte ng katawan ko,idinilat ko ang mga mata ko,nasa ospital ako ngayon at nakahiga.

hon?!gising na si josh,anak?are you okay?anong nararamdaman mo?

panay ang haplos ni mom sa kamay ko,si dad naman ay pumasok sa pinto at agad na lumapit sakin.

anak,kamusta ang pakiramdam mo?

i'm okay dad,but hindi ko ho maigalaw yung kaliwang paa ko,masakit.

hinaplos ni dad ang ulo ko at tinitigan ako,maliit na parte lang ang nakikita ng mga mata ko dahil siguro sa pamamaga,parang may dugo din na nakaharang kaya kalahati lang din ang nakikita ko sa paligid.

nakilala mo ba kung sino ang gumawa sayo nyan ha?

no dad,hindi ko ho nakita ang itsura nya.

kaaway?may kaaway ka ba?

wala ho dad.

baka naman napagdiskitahan lang ang anak natin hon,mabait na bata si josh,alam mo yan.

pinapacheck ko ang cctv pero nakakapagtaka dahil kahit isang cctv at kahit saang anggulo nung nangyari sayo yan ay walang makita,tsk!sa tingin ko sinadya ang ginawa sayo anak,hindi ka napagtripan lang.

what?!paanong sinadya?!bakit?!oh my god hon!anong gagawin natin?!

hon,calm down.

Unang BesesWhere stories live. Discover now