FIFTY ONE

213 31 28
                                    

5 DAYS LATER

(Queenie's POV)

Nasa biyahe kami ni ate dahil pupunta kami sa bagong bahay nila gab at ken,excited na ako dahil sabi ni gab kami daw ang unang makakapunta don.

excited na ako!

nakangiti pa si ate ng sabihin nya yon kaya ngumiti din ako ng malaki sakanya.

maeexcite ka talaga dahil sure akong ang ganda ng bahay nila.

tsk!anong sinasabi mo?excited ako kako na makita si ken hindi sa bahay nila noh?

nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng ngiwi dahil sa sinabi nya.

tsk!pwede ba wag mo ng landiin si ken ha?hindi ka type non!ang gusto nya yung simple,maganda,sosyal mahinhin,hindi kagaya mo!

bakit ano ako ha?tsaka mahinhin at simple,e parang lalaki manuntok ang gab na yon!ang tagal nga gumaling ni jayjay!

tsk!kasalanan nya naman yon,kung hindi kasi nya binastos si gab e,alam mo magpasalamat na nga lang siya at si gab lang ang umupak sakanya e,baka kung si ken pa hindi na yon makadilat!

kitang kita ko naman ang panlalaki ng mga mata nya habang nakangiti pa.

talaga?ganun ba kalakas si ken?

aba oo noh?

kwentuhan mo naman ako.

alam mo ba nung nabastos din noon si gab?kasi parang celebration yon kasi si tito elorde governor na,tapos lahat ng mayor sa buong laguna nandoon pati mga pamilya nila,alam mo ba pagpasok palang namin sa pintuang tatlo lahat ng mga mata ng tao don na kay gab na,tapos naririnig namin pinag uusapan talaga siya ng mga anak nung mga mayor na manyak,nung kukuha si gab ng pagkain hinawakan si gab sa pwet,alam mo ba bugbog sarado yon kay ken,sobrang daming dugo,kung hindi pa sumigaw si gab non na tama na hindi pa nya titigilan,tapos alam mo laman sila ng balita noon,yung pamilya nila gab at ken.

anong nangyari don sa anak ng mayor?

hahaha,ang tagal hindi nakapagsalita kasi nabasag yung panga nya,deserve!

hahaha,buti nga sakanya,grabe alam mo dahil sa kinuwento mo,mas lalo ko lang minahal si ken!waaahhhh.

patay!

grabe,ang hot hot nya siguro non noh?alam mo ba kahit nga wala siyang gawin parang maiihi ako sa kilig e,hahaha.

tsk!kadiri ka talaga!alam mo wag kang malandi kay ken mamaya ha?iuuwi kita!

che!bakit pa ako nagsuot ng ganito kung wala lang pala akong gagawin kay ken,hahaha.

tiningnan ko ang itsura nya,nakadress pala siya na hapit na hapit na sa katawan nya tapos nakaluwa pa ang dibdib nya na mas malaki pa naman ang kay gab,jusko!hahahaha baka nga hindi siya tingnan ni ken e,asado ang g*ga!

maya maya ay nakarating na kami sa village nila,tinawagan ko si gab kaya pinapasok nadin kami agad,napangiti agad ako ng makita kong kumakaway si gab sa tapat ng gate nila habang nakangiti pa ng malaki.

nauna akong bumaba,mabilis ko siyang niyakap,siya naman ay panay ang halik sa pisnge ko ng bigla siyang hilahin ni ken palayo sakin.

baby,i'm jealous.

what?hahaha you're crazy!

hahaha,buang ka ken ha?pati ba naman ako pagseselosan mo?

tumawa din si ken ng sabihin ko yon,maya maya ay nawala pareho ang ngiti nila kaya kumunot ang noo ko,pareho silang nakatingin sa likuran ko kaya lumingon din ako,tsk!si ate pala ang nakita nila,jusko maski ako kung makikita ko ang mukha nya mawawala din ang ngiti ko e.

Unang BesesWhere stories live. Discover now