FIFTY FOUR

243 32 43
                                    

3 WEEKS LATER

AUTHOR'S NOTE

[Please listen to Unang Sayaw by NOBITA while reading this part]

(Ken's POV)

Mahal,i don't want na umalis ka!

panay lang ang malakas na pag iyak ni gab habang nakayakap siya mula sa likuran ko,kunwari ay hindi ko siya iniintindi,basta panay lang ang paglalagay ko ng gamit sa bag.

mahal?please don't leave me!i don't want to be alone here!

inalis ko ang pagkakayakap nya sakin at lumapit ako sa kama para ayusin ang gamit doon,pero napakabilis nya kumilos at agad siyang tumungtong sa unahan ko at agad naupo sa bag ko kaya napakamot ako sa noo ko.

ayoko!wag mo akong iwan!please i'm nagmamakaawa!ayoko!ayoko!

hays,mahal alis na dyan,10am ang alis ko e.

ayoko!ayoko!

nakatitig lang ako sakanya,nakatitig din siya sakin habang iyak ng iyak,nakakaawa ang mukha ng mahal ko,mukha siyang bata na hindi nabigyan ng candy,hays.

hinaplos ko ang pisnge nya kaya hinawakan nya iyon gamit ang dalawa nyang kamay at idinikit pa sa pisnge nya.

mahal please?don't leave me!

napabuntong hininga ako at agad siyang binuhat,pinulupot nya ang hita at binti nya sakin tapos para akong mapipisa sa sobrang higpit ng pagkakayakap nya.

baby,stop crying,3days lang ako don.

that's so matagal!tingnan mo nga your bag is so marami ang laman!

hinalikan ko siya sa balikat at hinaplos lang ang likod ng ulo nya.

sinong katabi ko later sa bed?sinong kasabay ko mag eat?sinong magbubrush ng teeth ko?sinong kasama ko manood ng movie?i don't want na umalis ka mahal!please!please!

nandyan naman si kuro and gali ah?

yes nga but i need their father!mahal please?!wag mo akong iwan mag isa dito!ayoko!

napangiti ako ng malaki ng sabihin nya yon sakin,hinaplos ko ang likod nya at niyakap din siya ng sobrang higpit.

stop crying baby.

ayoko dito alone!mahal?!please?!i'm begging mahal!

sshhhh,wag na?hindi na aalis?

yes ayoko!wag na please!

sayang,akala ko pa naman gusto mong makapunta sa lugar nila lolo,maganda don madaming pagkain,tsaka mababait ang tao don,i know magugustuhan mo don.

napangiti ako ng malaki ng tumigil siya sa pag iyak,tsaka dahan dahan akong tiningnan,tiningnan ko din siya,naupo ako sa kama habang nasa ganung posisyon padin kami.

hinaplos ko ang pisnge nya at tinitigan lang siya,grabe sobrang namamaga ang mga mata nya.

kasi naman e,sasama naman talaga siya sakin e,tsk!ayoko nga siyang iwan,f*ck!hindi ako aalis ng wala siya,hindi ko kaya,and itong bag na 'to kaya madaming laman dahil nasa ilalim na yung mga gamit nya,kanina ko pa inayos habang natutulog pa siya.

Unang BesesWhere stories live. Discover now