SEVENTEEN

455 30 34
                                    

(Ken's POV)

Nandito ako ngayon sa pool side,2am na ngayon pero panay padin ang pag inom ko,pigil na pigil akong sindihan ang hawak hawak kong sigarilyo,halos madurog na ito kakapaulit ulit kong pagpapaikot sa mga daliri ko,hangga't kaya ay pinipigilan ko na ang sarili kong manigarilyo dahil makakasama yon kay gab,yes,siya ang dahilan,tsk!

bigla nanaman siyang pumasok sa isip ko,naiinis ako ng sobra sakanya,ang sungit sungit nya sakin kanina sa office ko,tapos ayaw nya pang sunduin ko siya,tsk!kaya naman pala dahil magkasama nanaman sila ng bw*sit na josh na yon!

hindi ko alam kung bakit ayoko siyang nakikitang may kasamang iba pero gusto nya si josh kaya hindi ko yon maiaalis sakanya,ayoko naman siyang pagbawalan ng pagbawalan dahil alam ko sa tatay nya ay wala siyang laya,ayokong pati sakin ay maranasan nya yon,pero paano?hahayaan ko nalang na maglapit sila ni josh?tsk!ang hirap kainis!

wala akong gusto sakanya pero ewan ko bakit ganito ako,hays!

tinapon ko na ang hawak hawak kong sigarilyo at tsaka tumayo na,agad akong pumasok sa loob,didiretso na sana ako sa taas ng marinig ko ang ingay sa kusina kaya naglakad ako papunta doon.

mmm,kapag nakabalik po ako ulit dito i'm dadalhan po kayo lahat ng mga cupcakes and cakes ko,tapos bibigyan ko din po kayo ng flowers lahat.

sinabi yon ni gab habang hinihipan ang kinakain nya na hindi ko malaman kung ano dahil nakatalikod siya sa pwesto kung nasaan ako,kitang kita ko naman ang siko nya na napapalibutan ng pasa,tsk!alam na alam ko na kagagawan iyon nung pulubing babae,bw*sit talaga yon!

talaga po mam gab?napakabait nyo naman po.

mabait talaga si mam gab,daig namin kayo natikman na namin yung mga cake doon sa bakeshop ni mam,hindi lang yon,nakapunta nadin kami,ang ganda don at ang laki,pagpasok palang amoy na amoy na ang mga matatamis na icing.

nang inggit pa talaga kayo noh?

hahaha mainggit talaga kayo kasi masarap lahat,diba noh?

nakatingin lang ako sakanila at hindi umiimik,tawa lang ng tawa si gab habang nagkukulitan ang mga maid namin at mga body guard nya na ako mismo ang nagbigay sakanya,mukhang okay naman ang apat na yon kumpara sa dati nyang body guard,okay din naman yon pero masyadong loyal sakanya ang isang yon,pati ang maid namin sa bahay,kaya nagagawa non magsinungaling pareho sakin para lang pagtakpan siya,tsk!

b-boss?

napalunok ako ng tawagin ako ng isang body guard,tsk!nakayuko na lahat ng nandoon at hindi nadin maingay kagaya kanina dahil nasanay sila na ganun palagi sa harapan ko.

lumingon bigla si gab sakin,kitang kita ko ang dumi nya sa gilid ng labi nya,nang makita nya na nakatingin ako sakanya ay umiwas siya agad.

anong oras na bakit nandito pa kayong lahat?

a-ah boss hindi pa po kasi natutulog si mam kaya hindi po kami makapagpahinga.

ow,ako po pala ang hinihintay nyo?i'm so sorry po sige po magrest na po kayo,good mornight po bukas ulit.

agad na ngumiti kay gab ang apat at yumuko pa,nang dumaan sila sa harapan ko ay nakayuko lang sila habang pila pila.

ano yung mornight?

ewan ko nga e,pang mayaman ata yon.

rinig ko pang bulungan ng mga body guard nya kaya napailing ako at bumaling sa mga maid.

kayo?

ah sir pasensya na po,sinamahan lang po namin si mam gab,nagutom po kasi siya e.

nagutom ng ganitong oras?gab?bilisan mo nga dyan!

Unang BesesWhere stories live. Discover now