FORTY ONE

289 32 78
                                    

(Ken's POV)

Habang nasa biyahe kami pauwi ay malayo lang sakin si gab,hindi ko alam kung ako bang problema nya,basta iyak siya ngayon ng iyak habang nasa labas lang ng sasakyan ang paningin nya.

hindi ko alam kung anong nangyaring gulo sa kanila ni cass dahil hindi naman nya ako iniimikan simula ng umalis kami sa ice cream shop,tsk!

pagdating sa bahay namin ay dumiretso siya sa taas kaya sumunod ako sakanya agad,diretso siya sa bathroom kaya naupo lang ako sa kama,nang matapos siya ay walang kahit na anong reaksyon ang mukha nya habang nasa baba lang ang paningin,dumaan siya sa harapan ko kaya mabilis ko siyang niyakap sa waist at hinila palapit sakin,pinaupo ko siya sa hita ko at niyakap lang siya.

baby,what's wrong?

p-pwede ba don't call me baby muna!

umawang ang bibig ko ng sabihin nya yon sakin,ang kirot ng dibdib ko habang nakatitig ako sa mukha nya.

w-why?m-may nagawa ba ako?

i-i d-don't know,but i'm n-nasasaktan right now ken!sobra!sobra sobra!

bumuhos nanaman ang luha nya ng isigaw nya yon sakin,ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito,at hindi ko maintindihan kung bakit.

pumiglas siya sa pagkakayakap ko sakanya at mabilis akong nilayuan,nanatili akong nakatitig sakanya habang siya iyak padin ng iyak.

y-you know what!i'm hindi maexplain why i'm so nasasaktan right now e!but paulit ulit sa mind ko yung mga salitang sinabi sakin kanina nung cass na yon!

tumayo ako para sana lapitan siya pero lumayo sya sakin kaya napahinto ako.

paulit ulit ko nadin yong naririnig na sinasabi sakin ni papa,and worst,pati sayo!

b-baby,i don't understand.

a-am i m-malandi ba talaga ken?

natigilan ako ng itanong nya yon sakin habang iyak padin siya ng iyak.

n-no,of course not baby,you're not malandi.

b-but why i'm always yon naririnig sainyo?!alam mo ba,dapat wala lang sakin yon e kasi alam ko naman na that's not true e,si papa,i know him,he's always naman mad sakin,and never ko naman nafeel na love nya ako e kaya i understand if why nya yon nabibitawan sakin,sa dami ng masasakit na words na narinig ko kay papa wala na lang yon sakin,and sa cass at steph na yon,wala din akong care if paulit ulitin nila yon sabihin sakin because hindi naman nila ako knows!hindi nila alam who's the real me!

nakatitig lang ako sakanya,hindi ko alam ang gagawin ko dahil kapag sinusubukan kong lapitan siya nilalayuan nya lang ako.

p-pero kapag naaalala kita ken,i'm affected,i'm so nasasaktan,d-diba?pinagtanggol mo ako kay papa k-kasi sinabihan nya ako ng malandi?but why ikaw always mo yon sinasabi sakin?n-nasasaktan ako ng sobra kapag sayo nanggagaling e,k-kasi i thought,i thought iba ka,p-pero kagaya ka lang din pala nila,you always sinasaktan ako.

napayuko ako ng sabihin nya ang mga salitang yon,pinipigilan kong tumulo ang luha ko dahil nasasaktan akong nakikita kong ganito si gab.

nag angat ako ng paningin ng marinig ko ang ilang beses na pag ubo nya,nataranta ako ng makita ko siyang nakakapit sa sandalan ng upuan habang pilit hinahabol ang paghinga nya,kaya mabilis akong lumapit sakanya at hinawakan siya sa waist at binuhat siya,pinaupo ko siya agad sa couch,hinanap ko sa bag nya ang inhaler nya at agad siyang pinagpuffs doon ng ilang ulit.

baby,please?please breathe.

tulo lang ng tulo ang luha nya habang hinahabol nya ang paghinga nya,hawak hawak ko ang kamay nya habang nakatitig lang ako sakanya.

Unang BesesWhere stories live. Discover now