EIGHTY ONE

151 32 18
                                    

(Queenie's POV)
   
Nagising ako dahil sa pagtalon ni fela sakin,nakadagan siya sakin habang tumatawa pa.

tata?tata?wake up na po,let's swim na po!tata?

hays,i'm sleepy pa baby e.

but tata?i want to swim na po kasi hindi po tayo nakapagswim last night e.

hays,napakasakit ng ulo ko dahil sa ininom namin ni gab kagabi,nakailang bote ng alak ata kami grabe.

paano ba naman,kagabi nung sinabi nila sakin na magbibihis lang sila ng pang swimming ay hindi na sila bumaba ni fela kaya umakyat na ako.

pero si gab sinabi kay fela na masakit ang ulo niya,at dahil napakabait ni fela ay hindi na siya nagpumilit na magswimming at pinatulog nalang siya ng maaga dahil nangako si gab na ngayong umaga kami magsiswimming,hanggang mamayang hapon pa kasi kami dito.

sobrang nag aalala din ako kay gab kagabi dahil pagkatulog ni fela ay bigla siyang umiyak,akala ko dahil sa sakit ng ulo pero sinabi niya sakin na nagsinungaling lang daw siya kay fela kasi ayaw niya makita si ken.

nagtaka naman ako kung bakit pero gulat na gulat ako nang malaman ko ang dahilan.

alam na ni ken na anak niya si fela,oh my god talaga!until now kabado padin ako kasi hindi pa namin nakakaharap si ken simula kagabi.

tata?!tata?!tata?!

hays,eto na baby ha?tatayo na si tata.

kunwari akong tumayo kaya umalis siya sa pagkakadagan sakin pero nahiga ulit ako at tinalikuran siya kaya narinig ko ang pag ungot niya.

ayaw ni tata magswim,tapos mama is missing,who ang kasama natin fiel?i'm iiyak.

mabilis akong tumayo nang marinig ko ang pagbulong niya,humarap siya sakin at agad na tumayo sa kama at yumakap sakin.

magsiswim na po tayo tata?

hays,yes baby.

yehey!yehey!

natawa ako dahil panay pa ang talon niya habang nakayakap siya sa ulo ko,hays hindi ko talaga matiis ang baby namin.

nilibot ko ang paningin ko,wala nga si gab kaya kumunot ang noo ko,tsk!nasaan naman kaya siya?

binihisan ko na muna si fela ng pangswimming,tapos ay tumayo ako at hinanap si gab sa sahig dahil baka mamaya ay nalaglag lang siya sa kama.

tata,where is mama po?

lumuhod ako sa harapan niya,nakaupo kasi siya sa dulo ng kama habang nakalawit at kumukuyakoy pa ang matatabang binti at hita.

hays,i don't know nga baby e,pero baka nandyan lang yon.

i'm nagwoworry po kay mama tata,i miss her na po.

hays,tara labas na tayo?hanapin natin si mama?

okay po tata.

kinarga ko na siya tapos ay lumabas na kami,nasa tapat kami ngayon ng elevator,tiningnan ko si fela ng haplusin niya ang pisnge ko,tapos ay ngumiti siya ng malaki sakin.

tata,i love you.

you're so sweet baby,tata loves you too so much.

hihi,si fiel po love niyo din po ba tata?

of course,love kayo ni tata.

hihi,fiel did you hear that?tata loves us.

nakangiti lang ako habang tinititigan siya,bumukas na ang elevator kaya napalingon ako doon,umawang ang bibig ko dahil si gab at ken yon.

Unang BesesWhere stories live. Discover now