THIRTY THREE

322 31 13
                                    

(Josh's POV)

Its 7 o'clock in the morning,nakaligo na ako at nakabihis nadin,hindi muna ako papasok ngayon,gusto ko kasing makasama si gab buong araw.

sinubukan ko siyang tawagan,alam ko naman kasing nasa trabaho na siya ngayon.

ilang ulit ako nagtry pero hindi siya sumasagot kaya si queenie ang tinawagan ko,sinagot nya din yon agad.

Hello queenie?

josh?bakit napatawag ka?

kasama mo si gab?

hindi e,hindi pa nga nagtetext yon sakin o tumatawag e,hindi ko din siya nadaanan sa kanila.

huh?wala pa siya dyan sa office?

wait,icheck ko.

naririnig ko yung paglakad ni queenie,narinig ko din ang pagbukas sara ng pinto.

madilim pa sa office nya e,baka hindi yon papasok,kasi kapag papasok naman siya madaling araw palang nalinisan na yon at bukas na ang ilaw,pero ngayon mukhang nakalock.

ganun ba?sige pupuntahan ko nalang sa kanila.

okay.

binaba ko na ang tawag,tsaka mabilis na akong lumabas para puntahan si gab sa kanila.

habang nasa biyahe ay nagring ang phone ko kaya chineck ko kung sino yon.

si dad ang tumatawag,hindi ko iyon sinagot dahil alam ko naman kung anong sasabihin nya,sa makalawa na ang birthday ni mom,double celebration ang gaganapin,at yun ay para sakin.

pilit ko ng inalis yon sa isip ko dahil may dalawang araw pa naman ako ngayon para makasama si gab.

nakarating nadin ako sa building ng penthouse nila,pinapasok nadin agad ako ng guard sa baba kaya dirediretso na ako sa taas.

dalawang beses akong nagdoorbell,pagkatapos ay bigla iyong bumukas,si manang iyon,ngumiti ako ng malaki sakanya pero parang bigla siyang nataranta at agad akong hinila papasok.

hijo,mabuti at dumating ka.

bakit po?

may sakit si gab,hindi na namin alam ang gagawin namin e,inaatake ng hika,ayaw magpadala sa ospital,tapos sabi ko tatawagan ko ang magulang ayaw din dahil mag aalala lang daw ang mama nya.

kelan pa ho?

kahapon,naubos na nga ang inhaler nya e,hindi naman kami makabili dahil walang reseta.

kahapon?tsk!e bakit naman nya ayaw magpadala sa ospital?delikado po ang asthma attack manang,may kasama po siya sa taas?

wala,kakababa ko lang din,ayaw nya kasi kumain,wala pang matinong tulog yon at oras oras ngang inaatake.

nasaan po si ken?

hindi nga sumasagot sa mga tawag e,mag isa nalang umakyat si gab kahapon,umalis daw kasi si ken kaso maski siya ay walang alam kung saan nagpunta.

alam ko naman talaga kung nasaan si ken,ang gusto ko lang malaman kung sumunod ba siya sa pakiusap ko.

akyat lang po ako manang ha?

mabuti pa nga,pilitin mo siyang kumain.

binigay sakin ni manang yung tray na may lamang mga pagkain at gamot ni gab,basta ko nalang binuksan yung pinto,nagtaka ako kasi wala namang tao dito kundi yung aso lang na ako ang nagbigay at puting pusa.

Unang BesesМесто, где живут истории. Откройте их для себя