SEVENTY SIX

165 30 43
                                    

AUTHOR'S NOTE

WARNING!!!

(Some Sensitive Topics and Words)

(Ken's POV)

Naglalakad ako ngayon sa lugar na hindi ko alam kung bakit ko pinupuntahan,panay lang ang pagtulo ng luha ko habang papasok ako.

nakayuko ako habang naglalakad ako,napaluhod ako bigla dahil parang nanghihina ang tuhod ko,umiyak lang ako ng umiyak habang nakayuko.

i c-can't!i c-can't!

gumapang ako palabas dahil hindi ko kayang tumayo dahil sa panginginig ng katawan ko,pero biglang may nakita akong paang maliit sa harapan ko kaya dahan dahan akong tumingala para tingnan yon.

isang batang lalaki,nakangiti siya habang nakatitig sa mga mata ko kaya nakatitig din ako sa mga mata nyang kulay brown at may mahahabang pilik mata,matangos ang ilong nya at mapula ang labi,may nunal siya sa kaliwang pisnge nya,at yung mga ngipin nya ay pantay pantay at mapuputi.

tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa,napakadungis niya ng sobra,wala siyang tsinelas kaya yung paa nya sobrang dumi,bumalik ang mga mata ko sa mukha nya,pamilyar siya sakin,may kamukha siya pero hindi ko alam kung sino,wala akong maalala.

hello po kuya,bakit po kayo nagapang?pilay po ba kayo?

h-huh?n-no,n-no i'm not.

nagulat ako ng ilahad nya ang kamay nya sa harapan ko,tiningnan ko muna ang mukha nya ulit,nakangiti lang siya sakin kagaya kanina,hinawakan ko ang kamay nya,nagulat ako dahil nawala ang panginginig ng katawan ko,hindi nadin nanghihina ang mga binti at tuhod ko kaya nakatayo ako,tumakbo bigla ang bata at naupo sa unahan,nanatili akong nakatayo at nakatitig sa likuran nya pero bigla siyang humarap sakin at tinapik pa ang pwesto sa gilid nya.

kuya?!

naglakad ako palapit sakanya at tinabihan siya,nakayuko lang ako at hindi makatingin sa unahan,pero biglang nagsalita ang bata.

hindi po ba kayo magdadasal?

hindi ako umimik sakanya,hindi ako nagdadasal,kahit minsan ay hindi ko ginawa ang bagay na yon.

ibibigay Niya po ang hinihiling natin,lalo na kung maniniwala tayong kaya Niyang maibigay yon.

nang sabihin ng bata yon ay biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni gab nung pangalawang beses ko palang na nakapasok sa simbahan.

nakangiti siya habang tumutulo ang luha nya.

may pinagdasal ka na bang natupad ha?sabihin mo sakin kasi baka maniwala na ako Sakanya.

yes.

ano?

you.

tumulo ang luha ko nang maalala kong sinabi sakin ni gab yon,i'm the one she prayed for.

sa unang pagkakataon ay pinagdaop ko ang mga palad ko at pumikit,ayaw matigil sa pagpatak ang mga luha ko habang nakapikit ako at walang ibang iniisip kundi si gab.

i-i know i'm not a g-good guy,i know i never p-pray and c-call your name,but please,p-please,Lord God,i'm
b-begging,heal my love,p-please,please.

sinabi ko yon habang nakaluhod ako at nagsusumamo Sakanya,dumilat ako ng dahan dahan ng maramdaman ko ang pagkalabit sakin ng bata.

nagsalita na po siya.

kumunot ang noo ko ng sabihin nya yon sakin habang nakangiti ng malaki.

tumayo ako ng marinig ko ang boses ni queenie,ilang kwarto lang ang pagitan ng chapel sa kwarto ni gab kaya rinig na rinig iyon dito lalo na't tahimik,naglakad ako palabas pero lumingon ako ulit para tingnan ang bata.

Unang BesesWhere stories live. Discover now