Chapter 2

36 2 0
                                    


Andrea's P.O.V

Nalinis ko na lahat ng sulok ng bahay, galing sa mga kwarto, sa 2nd floor, sa kusina, sa sala pati narin sa garden. Sinagad ko na talaga ang pag-lilinis at tapos narin akong mag laba. Isa lang ang gusto kong gawin ngayon — ang magpahinga. Kung pwede lang na pamhabang buhay na pag-papahinga ang gagawin ko ay matagal ko na sanang ginawa kasi pagod na pagod na talaga ang physical kong katawan pati narin ata isip ko pagod na pagod narin. Pero, itong puso, ko kahit kaylan di parin sya napapagod kakahintay na balang araw mamahalin rin ako pabalik ni Kevin, na balang araw matatapos na mga pasakit ko.

"Hay, balang araw nalang ata parati ehh," bulong ko sa sarili sabay higa sa sofa. Kakapagod. "Makapag-papahinga narin sa wakas!" masigla kong saad sabay pikit sa aking mata. Wala naman akong ibang maka-usap kaya mas mabuting sarili ko na lamang ang kakausapin ko. Di pa ako nakaka-idlip, may bigla na lamang nag doorbell kaya agad akong napa dilat ng mata sabay tayo. Sino to? "Wala naman akong hinihintay na bisita ah," bulong ko sa sarili sabay tayo upang mabuksan kung sino man ang nasa labas. As soon as I open the door, isang malakas na sigaw ang bumungad sa akin dahilan ng malaking ngiting naka plaster sa mukha ko.

"Mikael!" masigla kong sigaw sabay hug sa kanya. I miss this boy, ang tagal-tagal na rin simula nung nag kita at nag bonding kaming dalawa.

"Besh! Meachel, not Mikael," pangongorek nya pero inirapan ko lang sya. Yes! my one and only best friend is gay kaya no need to worry about him hihi. Gwapo sana kaso gwapo rin ang hanap kaya hindi kami talo haha. Kaibigan ko na to simula 4th year highschool. Aside kay ate, sya lang din ang isang nakakaalam kung gaano ako ka patay na patay kay Kevin, dati. Siya nga din sige push sa akin na mag first-move daw. Kabaklaan nya eh, dinadamay ako.

"Ang pangit ng Meachel mas prefer ko ang Mikael," sabi ko sabay tawa. "Saan kaba kasi galing? Namiss kita!" mangiyak-ngiyak kong sabi sabay hug sa kanya ng napaka higpit. This is what I need. Mahigpit na yakap at comfort sa taong mahal ko pero never na ata yun mangyayari eh.

"Aray ko bes papatayin mo ata ako ehh!" react nya kaya naman napa-peace sign ako at agad humiwalay ng yakap sa kanya. Kasalanan ko bang na miss ko lang sya no. Naku naman kasi, di ko alam saan to nilagay ni Lord eh.

"Besh namiss kita," malumanay kong sabi sabay hawak sa kamay nya.

"Sure ka namiss mo ko?" biro nya kaya agad akong napa tango na parang bata.

"Promise?" tanong nya ulit and this time naka-ngiti na sya habang pinipisil ang kamay ko na kanina pa naka-hawak sa kanya kaya, napa-tango ulit ako.

"At dahil namiss mo ako, tara't mag-shopping tayo!" masigla nyang sabi pero mabilis pa sa alas kwatrong binitawan ko ang kamay nya dahil agad na sumagi sa isip ko ang galit na mukha ng aking asawa. Kung aalis ako dito, baka malaman nya at ito na naman ang isa sa maging dahilan ng sakit na makukuha ko sa kanya, kaya, mas mabuti pa sigurong aayaw nalang ako kaysa kung ano pang mangyari.

"Oh! Akala ko ba namiss mo ko?" takang tanong nya kasi nabigla siguro sya sa ginawa kong pag-bitaw sa kanya. Halata din ata sa mukha ko na nawala ang sigla neto ng sabihin nya iyon.

"Oo namiss kita pero aalis tayo? Ako? Dito sa bahay? Yan ang hindi ko maipropromise sayo," saad ko kasi ayaw kung masaktan na naman ni Kevin dahil wala ako dito sa bahay.

"Ano ka ba! Promise di tayo makikita ni Kevin. Tska, uunahan natin sya sa pag-uwi, 5:00 p.m uuwi na tayo," saad nya sabay taas baba ng kilay nya. He's right, kung 5:00 p.m nakauwi na ako for sure wala pa dito si Kevin sa mga oras na yan. 6:00 p.m ang out nila sa office at minsan naman 8 or 10 na umuuwi si Kevin. Siguro naman di nya ako mahuhuli ano? Tska alam kong mali ang tumakas at di magpaalam pero eto lang naman ang isang paraan ko para mag-libang. Minsanan lang din ako makakalabas dahil missing-in-action tong bruhang to eh — kabote 2020 version.

Paying OffWhere stories live. Discover now