Chapter 41

7 0 0
                                    

Buti nalang at hindi nila ako nahalata kanina na hindi ko sila nakikilala. Dahil sa sobrang pagka-okupa ng isip ko, hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa harap ng arcade at kitang-kita ko sa bukana ng pinto si Steven na halatang hinahanap ako.

"Saan ka galing?" bungad sa akin ni Steven na halatang nag-aalala ng makitang wala ata ako sa lugar ko kanina.

"Dun sa may information desk," panimula ko at agad kong kwenento ang buong nangyari nung busy sila sa pag-lalaro. Nakakatuwa ang tadhana no? Sa kadami-daming tao na nandito sa mall — sa akin pa talaga sya napunta. Siguro may instinct sya na naging parte ako ng college days ng mommy at daddy nya kaso ngalang — di ko sila ma alala.

"Buti ikaw nilapitan ng bata. Naku! Kung napunta yun masasamang tao, ewan nalang talaga," di makapaniwalang sabi ni Steven kaya napa-tango na lamang ako bilang pag sang-ayon sa sinabi nya.

Nag-lalakad na kami ngayon patungo sa department store kasi may titignan daw sya. Mukhang may business trip na naman ata to o di kaya malaking meeting or event na dadalohan dahil naisipan niyang mag check ng mga damit. Di kasi mahilig mag shopping si Steven, pwera nalang kung may meeting sya at kailangan nya ng bagong tuxedo na maisusuot — saka lang namin sya sasamahan. Ewan ko kung lahat ba ng lalake di marunong mamili ng damit nila kasi itong si Steven — ako pa ang pinapapili kasi di nya daw alam. Pwede ba yun?

Puro "good morning" ang naririnig namin sa mga sales-lady na nadadaanan namin dito. Aside sa puro mababait mga nagtratrabaho dito, suki na din dito si Steven. Sa tuwing nag sasama kami at nag-aaya syang mag mall, dito agad ang takbo namin dahil medyo may kalapitan lamang ito sa charity home. Ang alam nga nila dito ay asawa ako ni Steven dahil yun ang pakilala nya sa akin sa lahat.

"Ang ganda talaga ng asawa ni sir no," rinig kong bulong ng saleslady ng maka-daan kami sa harap nila. Nahiya naman ako sa sinabi nya kaya napa-yuko na lamang ako at patuloy na nag-lakad. Di ko alam pero madami ding nag sasabi sa akin —mga taong nadaan sa charity home na di daw ako mukhang orphan kundi, mukha daw akong mayaman at lumaki sa de maid na bahay dahil sa kutis ko at kilos ko daw. Sinasabi ko na ngalang na baka natural kong characteristic iyon at aga na iniiba ang usapan. Wala naman din akong maisagot sa kanila kung saan ako nanggaling at kung sino ang aking mga magulang.

"Angel, somethings wrong?" rinig kong tanong ni Steven pero bakit mukha ni Kevin nakikita ko? Napa-iling na lamang ako para mawala sa isip ko si Kevin at hinarap sya.

"Wala, may naalala lang ako," pag-sisinungaling ko. Di ko alam kung alam na ba ni Steven na may koneksyon si Kevin sa akin — gaya ng sinasabi nila. Di ko gusto si Kevin — oo totoo, dahil imposible namang magkagusto ako sa kanya sa ganun kabilis panahon, diba?

"Ano pala bibilhin mo?" tanong ko para maiba ang usapan.

"Ikaw, baka may bibilhin ka?" ha? Ako? Alam naman ata nyang di ako mahilig sa mga ganito at lalong-lalo na wala akong pera para pambili sa mga bagay na ito. Mayaman si Steven — di ko nga din alam bat sa kadami-daming babae sa mundo, sa isang katulad ko pa sya nagka-interes at nagka-gusto. Puro bigay lang ang mga damit ko. Oo, may pera ako kasi minsan may porsyento kami na natatanggap sa pag-bantay ng shop at yung pera na nakukuha ko dun ay binibili ko ng pangangailangan ni Kent at sinisave ko ang iba dahil alam kong di naman kami panghabang-buhay na titira sa charity home.

Balang araw, aalis din kami dun lalo na kung kaya na naming buhayin ang aming sarili. Kaya naman ngayon, sinisave ko na ang pera na nakukuha ko para may pang-gamit kami ni Kent balang araw.

"Wala akong bibilhin Steven," sabi ko pero sa halip na makinig sya sa akin — hinila nya ako papunta sa ladies section na kung saan puro mamahalin ang mga damit na naka display dun.

Paying OffWhere stories live. Discover now