Chapter 37

9 0 0
                                    

ANDREA'S P.O.V

Inalis ko na sa mukha ko ang malaking ngiting bigla na lamang lumabas habang tinitignan ko ang pagkaing dala nila. Bawal ka ma-inlove Angel.

Wait nga! Ang babaw ko naman ata kung ganun ako kabilis ma inlove diba? Pero imbis na pagkainlove ang isipin ko ngayon, dapat mag isip ako ng paraan kung paano ko ma kukumbinsi si Kevin na umuwi na kami ni Kent sa charity home. Simula nung na hospital ako ay di pa ako nagpapakita dun. Nag aalala na din ako sa shop na nakatoka sa akin dahil walang ibang katulong si ate Ceci dun kundi ako lang — gustong-gusto ko na talagang umuwi para makatulong na ulit sa mga gawain sa charity home at bumalik na sa dati ang aming pamumuhay ni Kent.

"Mama, kain na tayo!" sigaw ni Kent habang papasok sila sa kwarto. Nakasunod naman sa kanya si Kevin na may dalang tray na may laman ng kanilang pagkain.

"Pray po muna," masayang sabi ni Kent at agad na yumuko at nag sign of the cross. Kahit pilit ko mang hindi isipin pero ramdam at halata ko sa mukha ng anak ko kung gaano sya kasaya dito sa poder ni Kevin. Hindi naman ganito si Kent eh, pero pag-dating kay Kevin parang sanay na sanay na sya dito at hindi manlang sya nahihiyang ipakita at ilabas ang kanyang saluobin.

"Eat now para magkalaman na tyan mo," rinig kong sabi ni Kevin kaya napa tingin ako sa mata nya sabay bigay ng maliit na ngiti at tango.

"Ano ba naman yan! P*ta, late na ako oh!" galit na sigaw ng isang lalaking di ko ma mukhaan. Agad akong napahawak sa ulo ko dahilan para dalohan agad ako ni Kevin sabay tanong kung anong nangyari.

"Wala, naisip ko lang yung tindahan sa charity home na binabantayan namin ni ate Ceci," pag-sisinungaling ko. Sino yun? Bakit galit na galit sya sa babaeng kaharap nya tska ano daw? An? A? Di ko masyadong narinig yung pangalan ng sinisigawan nya.

Naging tahimik ang buong kwarto, tanging mga kubyertos lamang at pag nguya ni Kent ang maririnig sa buong silid. Iniisip ko kung bat tumahimik si Kevin matapos kong sabihin iyon. Sana naman ay pauwiin na nya kami no. Hindi kaya ganun ang buhay ko bago ako magka-amnesia? Pero ang tanong, sino siya? Hindi ko sya mamukhaan.

"Do you really want to go back?" basag nya sa katahimikan kaya bigla akong nasamid sa kanyang tanong. Diba dapat masaya ako kasi uuwi na kami? Bat biglang nawala yung pananabik kong makauwi kanina?

"Ahh oo, pwede din," sabi ko ng mahina kasi parang ayaw ko na gustong kong umuwi dun sa charity home.

"Hahatid ko na kayo after lunch," sabi nya dahilan para bigla akong makaramdam ng kirot sa aking puso. Pinapauwi na niya kami? Ayaw na nya sa amin?Naku naman Angel! Ang gulo mo naman, ginugulo mo lang isip mo. Diba dapat masaya ka na ngayon kasi uuwi na kayo?

"Sige," maikling sagot ko sabay ibinalik ang atensyon sa pagkain.

-----

Naging normal naman ang lahat matapos ang pag-uusap namin. Kahit medyo disappointed ako sa biglaang pag-papauwi na sa amin pero wala akong magagawa kasi yun naman ang desisyon nya tska okay na din to diba, baka dito babalik na sa normal ang buhay namin ni Kent. Talaga lang Angel ha, gusto mo yan? Kinokontra ako ng konsensya ko. Maging ako — di ko alam kung gusto ko din bang wag na syang makita at makasama.

Kahit naman di ko sinasabi, gustong-gusto ko ding mabalik ang dating ala-ala ko. Gusto kong malaman kung sino at ano yung tunay na mga nangyayari sa mga ala-alang nakalimutan ko. Gusto kong makilala ang ako — ang Andrea na sinasabi nila. Gusto kong malaman kung ano ba ang dating buhay ko. Gusto kong alalahanin ang lahat dahil simula nung malaman kong nagka amnesia ako, naging kulang na ang buong pagka-tao ko. Para bang naging misteryo ako sa sarili kong pagka-tao.

Paying OffDonde viven las historias. Descúbrelo ahora