Chapter 62

10 1 0
                                    

Kevin's P.O.V

"Ako na bahala kay Chloe, you should get going now," Sofia said sabay kuha sa anak nya para dalhin eto sa kusina para libangin. Agad naman akong tumango at tuloyan ng lumabas ng bahay para puntahan si Andrea at Kent sa Charity Home.

But before I go there, I need to bring something for the both of them. Dumaan muna ako sa isa sa mga flowershop na nadaanan ko para bilhan si Andrea ng bulaklak.

"Sobrang ganda po ng bulaklak na iyan sir, bagong deliver lang po ng mga purple tulips namin. Sure akong mas lalong maiinlove ang pag-bibigyan nyo nyan sir dahil eternal love po ang meaning ng mga purple tulips na iyan," naka-ngiting sabi sa akin ng florist habang masaya nyang inaayos ang mga purple tulips na binili ko para gawing bouquet.

To be honest, I didn't know that purple tulips means eternal love - napili ko lang eto dahil si Andrea ang unang pumasok sa isip ko pagka-kita sa mga purple tulips na iyon.

"Thank you for letting me know," I said, smiling towards her sabay kuha ng bouquet na tapos na nyang ayosin. Lumabas naman agad ako sa shop at agad na natungo sa kotse.

I put the flowers on the passenger seat at agad na pinaandar ang sasakyan para makapunta na ako sa Charity Home para bisitahin ang mag-ina ko. Hindi naman naging mabagal ang aking byahe dahil saktong hindi traffic.

----

"Papa!" bungad sa akin ni Kent ng makita nya akong papasok sa gate. Agad naman akong napangiti at hinintay syang makarating sa gawi ko upang salubongin sya ng isang mahigpit na yakap. Agad ko naman syang kinarga at nag-simulang mag lakad papunta sa shop kung saan parating nakatambay si Andrea.

"Where are you going? Here," I said sabay bigay sa kanya ng isang box ng donut na binili ko kanina habang papunta ako dito.

"Sa shop po sana, titignan kung dumating na ba sila mama tapos sakto nakita ko kayo," nakangiting sabi nya dahilan para mapakunot ang aking noo. Umalis si Andrea?

"Sino kasama nyang umalis and saan sya pumunta?" sunod-sunod kong tanong.

"Si bro Steven po. May pupuntahan lang daw sila saglit." agad na nabalot ng inis ang aking puso ng marinig ko kung sino ang kasama ni Andrea sa pag-alis. Okay lang sana kung si Lisa ang kasama nya pero yung Steven - I will k*ll him.

"Kanina pa ba sila umalis?"

"Medyo po. Parang hindi pa nga sila nakaka-uwi eh," inosenteng sabi ng anak ko "Ate Lisa! Nandito na po sila mama?" tanong nya kay Lisa ng makapasok na kami sa shop. Agad namang tumayo si Lisa ng makita nya ako.

"Ha? U-umalis siya? Ay, hello po sir Kevin, napadalaw po kayo," nahihiya nyang sabi sabay ngiti na ikina-ngiti ko din ng bahagya.

"Do you know where did Andrea go?" tanong ko na ikina-iling nya.

"Hindi po, hindi ko nga alam na umalis pala sya eh. Sino kasama nya Kent?" so dinala lang pala sya agad ni Steven sa kung saan-saan ng walang paalam? Paano kung may mangyaring masama kay Andrea? F*ck this Melendres.

"Si bro po," sagot ni Kent kaya't ibinaba ko na muna sya para makakain na sya ng dala kong donuts.

"Hinayopak talaga ang Steven na yun, hindi man lang ako sinabihan na aalis sila ni Andrea," bagot na sabi ni Lisa. "Ay! Sir, dito lang po muna kayo tambay habang hindi pa po dumadating sila Andrea, mainit po kasi sa labas tska po kakaalis lang ni Sister Luz," sabi nya na ikina-tango ko. Tinignan ko naman ang dala-dala kong bulaklak at napangiti na lamang.

This is my first step para makakuha ko ulit ang asawa ko at mabuo na namin ang aming pamilya. I will court her for the first time - kahit na mag-asawa na kami, hindi kami dumaan ni Andrea bilang mag girlfriend at boyfriend and I know that you know that fact. Kaya't this will be my first time courting Andrea.

Andrea's P.O.V

"Thank you for taking me here, Steven.  It helps me clear my mind," naka-ngiting sabi ko kay Steven na naka-tayo sa hood ng kanyang sasakyan.

Hinayaan lamang ako ni Steven na mag masid sa paligid at damhin ang simoy ng hangin. Mi kahit isa sa amin, walang nag salita at itinuon lang ang pansin sa asul na dalampasigan. Kahit na may nararamdaman akong konting kirot dahil naalala ko ang panahon na dinala ako ni Kevin sa private resort nila; pilit ko pa din etong inaalis sa isip ko. 

I need to moved on. Dapat hindi ako magpa-kulong sa nakaraan dahil hindi naman na namin maibabalik pa ang dati. What is done is done. This is not just for me but also for my son. 

"Andrea, parang kanina ko pa napapansin na para kang tulala. If you want to talk about it, I can lean on my ears," Steven said making me look at him and smile. I am very thankful to have him and Lisa on my side.

"I'm thinking of leaving the Charity home," panimula ko which made him look at me this time. Nawala ang ngiti sa labi nya at napuno ng pagtataka ang kanyang mukha. Alam kong hindi nya inexpect and sasabihin ko kaya ganun nalang ang naging reaction nya. 

"Why? Alam na ba to ni sister Luz?" 

"Yeah, na open up ko na kay sister Luz eto. Nasabihan ko na din sya na isasama ko si Lisa sa pag-alis namin sa Charity home." napatango naman si Steven sa narinig nya at binigyan ako ng malungkot na ngiti. 

I know him for so long kaya I can easily read his expression most especially na nasanay akong abot mata ang mga ngiting ibinibigay nya sa akin. Kung hindi lang kami nag-kita ni Steven sa ganitong pag-kakataon, siguro hindi aabot sa ganito ang buhay ko. I don't know, but as of this moment, I can't open my heart for love - my top priority right now is my son. Lalong-lalo ngayon - wala ng yung kulang na nararamdaman ko sa buong pagkatao ko. 

"Mabuti naman kung ganun. For sure, sasaya si Kent nyan dahil makakasama na nya ang d-daddy nya," malungkot nyang turan which made my heart ache seeing Steven that way. 

"I'm sorry Steven kung hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo," I said which made him look at me deeply in my eyes. 

"You don't need to say sorry, Andrea. Akala ko dati may chansa pa pero ngayon, parang wala na nga talaga," natatawang sabi nya. "I know I can't replace Kevin in your heart. To be honest, nung nalaman kong asawa mo si Kevin, alam kong wala na akong chansa pero pinipilit kong ginagaslight ang sarili ko na kaya kong palitan si Kevin jan sa puso mo but now, I know wala na nga talaga akong chansa. But don't worry Andrea, I am still here no matter what, as your friend and as Kent's bro. If you need help, just call me and I will also be there to help you no matter what," this time, naka-ngiti na sya habang tinitignan ako sa mata which made me smile too saka bumaba sa hood para ihug sya. 

"Thank you very much, Steven. As of now, kay Kent na muna ang atensyon ko. Honestly, Kevin and I are not in a good and smooth relationship. Kasali ako sa organisasyon ng mga arranged marriage. I am one of those women who have a one-sided love." 

___

A/N:

Please don't forget to VOTE, FOLLOW, and COMMENT. Also, please follow/like our official Facebook page Msblink for updates and announcements. You can also add me on my official Facebook account Blink Write

Happy reading! XOXO.

Paying OffWhere stories live. Discover now