Chapter 33

9 0 0
                                    

Kevin's P.O.V

"What are you doing here, mean boy?" biglang nawala ang emosyonal an tagpo sa pagitan naming lahat ng biglang mag-salita si Chloe na andito lamang sa tagiliran ko. Hindi nya ata kita si Kent kanina kaya di agad sya nakapag-react.

I can still remember their first encounter during the opening of the new charity home — it is not as pleasing as you think and their first impression to one another is not that good too. Akala ko, getting Andrea is the only problem here but I guess pati ito ay isa din sa magiging problema ko.

"Ikaw dapat tinatanong ko nyan. Bawal maldita at maingay dito," kalmang sabi ni Kent. This is really is my son. He becomes calm and his expression change all of the sudden. I often do that I won't deny lalo na noong college pa ako at naging captain ball ako ng team. That is also one of the re

ason why I only have few friends — mas madami pa daliri ko sa dalawang kamay kaysa sa mga kaibigan ko talaga na totoo. My facial feature is not that pleasing as you think lalo na kapag seryoso ako.

"Daddy, why is he here?" iritableng tanong sa akin ni Chloe pero bago pa man ako makasagot, naunahan na ako ni Kent.

"Bakit mo tinatawag na daddy ang papa ko?" seryosong tanong ni Kent. Oh no.

"Because he's my daddy. And why are you calling him papa, aber?" malditang tanong ni Chloe.

"Kasi papa ko sya," matigas na sabi ni Kent pero bago pa man maka-bwelta si Chloe, sumapaw na agad si Sofia sa kanilang dalawa.

"Okay kids, stop it already. Chloe, I'll explain everything to you okay. Magpaalam ka muna sa daddy Kevin and mommy Andrea mo," Sofia said.

"She's my mommy Andrea?" di makapaniwalang tanong nya na ikina-tango naman ni Sofia. Akala ko di nya ito lalapitan but in my shock — she runs towards Andrea and hug her tightly.

"Mommy, hello! I'm Chloe Madrigal and I am your pretty nephew," diretsahang sabi ni Chloe kaya agad naman syang kinuha ni Sofia para pigilan ito sa mga sasabihin nya.

"Hehe sige na Chloe bid your goodbye to daddy, mommy, and Kent," Sofia said habang pilit na hinihila palabas si Chloe.

"Bye bye mommy, daddy, and ew! I won't bid my goodbye to him mama," sabi ni Chloe habang tinatarayan pa din si Kent. My head hurts iniisip ko kung paano ko ieexplain kay Chloe, lalong-lalo na kay Kent lahat but for sure Sofia will do and already have her own solution on this new problem.

" Focus on Andrea," she mouthed me, and that I already got it.

"We have to go. Ingat kayo," Sofia said and wave her goodbye kaya I walk straight to Andrea para dalohan sila.

"Hindi mo sya asawa?" bungad nyang tanong sa akin na ikina-tango ko. Gustong-gusto ko man sabihin sa kanya ngayon na sya ang asawa ko pero baka maging dahilan ito ng pagsakit muli ng ulo nya.

"Mamaya, the doctor will come here to check on you," I said and kiss her forehead.

"Kent, just continue playing. Aayusin ko lang magiging kwarto mo," I said na ikina tuwa nya at agad na nagpaalam kay Andrea.

Andrea's P.O.V

Kanina habang tulog ako, may pigura ng tao ang bigla na lamang lumabas sa panaginip ko. Hindi ko kilala kung sino ito pero ng makita ko ng malapitan ang inakala kong asawa ni Kevin — parang may pagkakatulad sila. Hindi ako sigurado kung pinag-loloko lang ako ng isip ko o ano pero may iba akong nararamdaman ng hawakan nya ako. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at pangungulila ng isang taong mas nakakatanda sa akin. Hindi ko man naitanong kung ilang taong gulang sya pero nasa isip ko — mas matanda sya sa akin.

Umalis na si Kevin para ayusin daw ang magiging kwarto ni Kent. Dapit-hapon na ngayon at sobrang daming nangyari sa loob ng araw nato. May mga taong puro akala ko lang pero yun pala — hindi. Nakalimutan ko na ngang sabihin ulit kay Kevin na uuwi nalang talaga kami bahala na magabihan kami sa daan dalawa ni Kent pero sa nakikita ko, ayaw ko na munang wakasan ang kasiyahan ng anak ko.

----

Makalipas ang ilang minuto, nakaramdam na ako ng pagka bored dito sa loob ng entertainment room nya. Opo, entertainment room pero ako — eto na bobored kaya naman naiisip kong lumabas muna at mag-hanap ng cr dahil medyo naiihi na din ako.

May kalakihan ang bahay ni Kevin, ang nakakapagtataka lang ay sya lang mag-isa nakatira dito. Walang din akong mahanap na litrato na nagpapakita ng mukha ng kanyang asawa at anak.

Tinahak ko ang malaking corridor ng kanyang bahay ng may mapansin akong pinto na naka ang-ang kaunti. Akala ko andun sya kaya naisipan kong sumilip para tanongin sya kung nasaan ang cr nila pero ng pag tingin ko — puro mga libro bumungad sa akin at may isang mesa na katamtaman lamang ang laki ang nasa may gitna neto.

Alam kong masamang makialam ng mga bagay na hindi naman sayo — yan ang parating turo ko kay Kent lalo na kapag napupunta kami sa lugar na di pamilyar sa kanya pero parang may kung anong enerhiya ang humihila sa akin papasok sa silid nato.

"Mabilis lang," mahinang bulong ko sa aking sarili at dahan-dahang pumasok sa loob.

Nang makapasok na ako, puro mga libro ang aking nakita pero may isang picture frame ang nakakuha sa atensyon ko. Ito ang kauna-unahang picture frame na nakita ko sa bahay nato. Napa-tingin muna ako sa likoran ko para makita kung may tao ba o wala — ng masiguro kong wala, walang pag-alinlangan kong nilapitan ang picture frame na nakatalikod sa akin.

Aakmang hahawakan ko na sana ito ng marinig ko ang boses ni Kevin na tinatawag si Kent kaya dali-dali akong pumunta sa may pinto upang sumilip kung nasaan sya. Pagka-tingin ko, nakita kong papasok sya sa entertainment room kaya dali-dali akong lumabas at tinakbo ang pinto na nasa huling bahagi ng corridor. Ito na ata ang cr.

Mabuti nalang at tama ang hinala ko — cr nga ito. Akala ko mahuhuli na ako ni Kevin eh pero sayang dahil di ko manlang nasilip kung sino at ano ang nasa picture frame na yun. Baka asawa nya?

"Hay, bat ba ang chismosa mo sa buhay nya Angel," bulyaw ko sa aking sarili at agad na tumayo ng matapos akong umihi.

Maging ang cr ng bahay nya ay sobrang laki — iba talaga ang mayaman no — itong ganito, cr lang sa kanila pero dun sa amin, parang kwarto nato naming lahat eh.

Hinugasan ko na muna ang aking mga kamay bago lumabas ng banyo sabay off ng ilaw at sara ng pinto. Sakto namang pagkalabas ko ay nakita ko si Kevin na papalabas din ng entertainment room at agad akong tinawag pagkakita nya sa akin.

"Andrea!" hindi ako si Andrea — yan ang gusto kong sabihin pero sa halip na magalit ako dahil sa maling tawag nila sa akin, bakit gustong-gusto kong tinatawag nila akong Andrea?

"Pasensya na, naiihi kasi ako," bungad ko ng maka-lapit ako sa kanya. Ngayon lamang ako naka-lapit sa kanya habang nakikipag-usap na hindi inaalis ang tingin sa kanyang mata. Ang ganda pala ng mata nya, kagaya ng kay Kent.

"Okay lang pero may cr naman sa loob ng entertainment room eh," sabi nya na ikina-ahh ko.

"Pasensya, hindi ko kasi nakita na may pinto pa pala sa loob," hinging pa umanhin ko na ikina-ngiti nya.

"It's fine!" sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kuryente at biglang may kung anong scenario ang agad na nag play sa isip ko.

Nasa baybayin kami ng dagat kasama ang hindi ko kilalang lalake na hawak-hawak ang kamay ko.

"Let's make this day an unforgettable one," sabi nya pero hindi ko lubos na makita ang kanyang mukha.

"Being with you is the most unforgettable thing that happened in my life," sabi ko sa taong kaharap ko.

Binigyan nya ako ng malaking ngiti sabay pisil sa kamay ko na kanina pa nya hawak-hawak.

----

A/N:

Don't forget to FOLLOW and hit the VOTE button. Also, you can read my other stories while waiting for an update. Thank you!

Paying OffWhere stories live. Discover now