Chapter 14

4.8K 139 2
                                    

Chapter 14 || No Need

"BUKAS na agad 'yung exams! Tuturuan na kita dali!" pakiusap ko kay Seth pero pilit niya akong pinapapasok sa elevator. Nang sabihin ko ang gusto kong mangyari ay agad siyang tumanggi at pinaalis na niya ako. Gusto ko lang naman siyang turuan para hindi mababa ang makuha niya bukas! Natural naman kasi na mas matalino si Dennice sa kanya lalo na't ito ang nangunguna noon sa buong year level namin. Pero tingin ko kung magaaral kami buong gabi ni Seth, matututo siya at baka magawa niyang maungusan si Dennice. Hard work lang naman talaga ang kailangan e!

"AYOKO! AYOKO!" parang batang sigaw niya tapos tuluyan na niya akong napapasok sa elevator. Nagsara ito bago pa ako makalabas. Aissh!

Nilabas ko agad ang phone ko tapos tinawagan ko siya. Unang ring pa lang ay sumagot na siya as if he's expecting my call. "Seth naman dali na kasi tutu-"

"No need." sabi niya tapos ayun at binaba na niya. Hay! Ang tigas ng ulo niya!

No need?

Bakit ba no need?

Hay. Be positive. Inhale. Exhale. Baka naman gusto lang ni Seth mapagisa para makapagaral siya ng mabuti... Oo nga! Baka kailangan niya ng concentration!

Umuwi ako ng bahay kaagad at mabuti hindi na nagtanong si Mang Antonio dahil baka masabi ko lang ang mga nangyari.

Mabuti nga at wala sina Mommy at Daddy dahil baka makita pa nila ang mga pasa ko tapos magalala sila ng sobra.

Nang makakain ako ng hapunan, umakyat agad ako ng kwarto para makapag-aral dahil nga uulitin ang exams. Balik-aral na lang naman ang gagawin ko dahil alam ko na ang mga lessons. Minsan kasi ako 'yung tipo na kapag nasobrahan ng aral iba-iba na naisasagot ko sa mga tanong. Kumbago naghalo-halo na sa isip ko.

Dahil sa hindi ako mapakali ay nagtext na ako kay Seth:

Kamusta? Study well! :)

Lumipas ang ilang minuto bago siya nagreply:

No need :P

What?! Grabe talaga hay. Tapos may pabelat-belat pa siya? Si Seth ba talaga ang nagreply sa akin? Oo siya! Kasi may no need na naman siyang nalalaman. Nagreply na lang ako ng sad face bago nahiga sa kama ko. 

Nagpray ako para sa amin ni Seth bago ko ipinikit ang mga mata ko para matulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Siguro dahil sa hindi ako nakatulog sa sobrang pagiisip. Halata sa mukha ko na napuyat ako.

Pagkababa ko ay nakita ko pa si Daddy na nagaalmusal kaya lumapit ako para yakapin siya pati na si Mommy.

"Okay ka lang ba baby?" tanong ni Daddy at mukhang napansin niyang balisa ako. "Bakit may pasa ka?"

"Okay lang po ako." sagot ko naman. I can't lie kaya hindi ko na lang sinagot ang tanong ni Daddy tungkol sa pasa ko mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa tungkol dun. Nakasuot din ako ng jacket para hindi na makita pa 'yung iba ko pang pasa at sugat.

Kumain na rin ako ng almusal at sabay na kaming umalis ni Daddy at Mommy. Sila papunta sa office at ako sa school.

Mas maaga pa ako ngayon nakarating sa school kaya naman halos wala pa talagang estudyante. Balak kong puntahan na lang muna si Seth at baka nasa 7th floor siya. Hindi ko nga alam kung bahay niya ba 'yun o ano na e. Hindi ko natanong.

Nagantay ako sa elevator pero pagbukas nun, si Seth ang bumungad sa akin. Nakasibangot na naman siya. "Ang aga mo? Grabe 'yang itim sa ilalim ng mga mata mo. Hindi ka ba nakatulog?" tanong niya. Sumibangot ako. Nagagaya na tuloy ako sa expression niya lagi.

"Ikaw e! No need No need! Nakapagaral ka ba?" tanong ko sabay nguso tapos tinulak naman niya ako palayo sa daanan niya. Hindi naman malakas.

"Just trust me." sabi niya at naglakad na siya palayo.

"Seth!" sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan. Trust him?

Should I really trust him with this? Hindi naman siguro niya gugustuhin na mapaalis ako. Pinagtanggol pa nga niya ako so I really don't think he'll do nothing for me to stay here in this school. Baka mayroon naman siyang plano na ayaw niya lang sabihin.

Fine. Siguro nga dapat magtiwala na lang ako sa kanya at sa kakayahan niya.

Sa classroom na gaganapan ng exams na ako dumiretso. Excused kaming tatlo sa klase dahil nga uulit kami ng exams. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito! Woah.

"So nandito ka na pala?" Dumating na si Dennice ilang oras lang ang nakalipas. Inirapan niya ako bago siya naupo. Kinakabahan na ako lalo. Malapit nang magtime pero wala pa rin si Seth!

Dumating na 'yung magpapaexam sa amin. Nagulat ako dahil napagtanto ko kung sino ang may hawak ng mga test questionnaires! Ito ang may-ari ng school! "S-Sir Dominguez." nasabi ko at ngumiti ito sa akin.

"Nandito na ba lahat ng magri-retake?" tanong nito sa amin ni Dennice. Si Dennice naman gulat din dahil bakit ito pa ang nagpunta rito para magpaexam sa amin 'diba?

"W-Wala pa po si Seth." sabi ko naman. Tumingin siya sa relo niya bago nagsalita.

"It's almost time. 5 minutes na lang then we'll start." seryosong sabi niya. Nilabas ko ang phone ko at agad na nagtext kay Seth:

Nasaan ka na ba uy? Magsisimula na ang exam...

Pagtingin ko kay Sir Dominguez ay nakangiti ito sa akin kaya medyo nahiya ako. I smiled back pero hindi 'yung todong ngiti. Ngayon lang kami nagkaharap ng ganito pero alam kong siya si Sir Dominguez dahil sa ilang ulit na rin siyang nagsalita sa stage tuwing flag ceremony.

Natapos na ang natitirang limang minuto... Nasaan ka na ba Seth? Kanina lang nakita ko siya rito sa school kaya bakit hindi pa siya dumarating hanggang ngayon?! Saan ba siya nagpunta?!

Just trust me

Narinig ko ang boses niya. Magtitiwala ako sige Seth. Please dumating ka!

"Okay so let's start the-"

Biglang bumukas ang pinto. Napatayo ako sa sobrang tuwa dahil si Seth iyon! Pero ang ikinabigla ko ay ang sugatan niyang mukha at katawan kaya napawi ang ngiti sa aking labi. Marumi rin ang damit niya. Parang nakipagbugbugan siya! "S-Seth anong-"

"Mamaya na. Magexam na muna tayo." sabi niya pero nakatingin siya ng matalim kay Dennice na nakayuko lang ngayon.

"Sige maupo na kayo ng maayos." sabi ni Sir Dominguez kaya naupo na si Seth. Hindi ko na kinailangan pang maglabas ng extra pencil dahil may dala na siya. Prepared naman pala. Napatitig ako sa kanya lalo na sa mga sugat niya. Iniinda lang kaya niya 'yung sakit? Grabe kasi. Putok ang gilid ng labi niya tapos may pasa ang pinsgi niya. May dugo sa kilay niya at may mga sugat ang kamay niya. Saan ba siya nagpunta at nagkaganito siya?!

Natigil na ako sa pag-iisip dahil nagsimula na ang exam. Inorasan din kami ni Sir Dominguez. Habang nagsasagot ako ay hindi ko parin mapigilan ang sarili ko sa pagsulyap kay Seth pero pinilit kong magconcentrate sa exam. Hindi naman ako nahirapan dahil nga may goal ako.

Nang matapos ako, sa kanya ko lang itinuon ang atensyon ko. Busy pa rin siya sa pagsasagot. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso. Sana ganito na lang siya araw-araw e. Para naman maganda ang patunguhan ng buhay niya. Hindi 'yung puro bisyo at away ang inaatupag niya.

Habang pinagmamasdan ko siya. May napansin akong basa sa tagiliran niya. Bumilis ang paghinga ko dahil sa ideyang pumasok sa isip ko. May tumulo at napatingin ako sa sahig. And then I realized...

"God! Seth! You're bleeding!"

An Angel's Plea to a Demon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon